Jack P.O.V
Kasalukuyang akong tumatakbo ng pagkabilis bilis. Yung pakiramdam na parang nakikipag-unahan ka sa mga pang international athlete runner! Pucha pakiramdam ko kahit anong oras maabutan ako ng zombie na ito!
Syempre kahit sino naman siguro ang habulin ng ganitong klaseng halimaw tapos gustong gusto ka kainin at patayin hindi ka ba tatakbo para sa buhay mo? Pwes ako takot akong mamatay!
Nakakainis lang kasi di ko mahabol mula sa malayo si Kiko changgala ang bilis niyang tumakbo putek parang sya pa itong hinahabol ng zombie kaysa sa akin eh.
At dahil nga ay biniyayaan ako ng ganitong klaseng katawan na hindi manlang na iexercise tuwing umaga at wala manlang hilig sa sport ay nakaramdam ako ng panghihina saking mga binti at paa.
"AHH!" Napasigaw ako sa gulat ng naramdaman ko na parang may pumatong nakamay sa balikat ko. Agad ko iyon nilingon, nagulat ako saking nakita dahil naka-nganga itong hayok na tumitingin sa akin at kita ang dugong lumalabas sa bibig nito. Nakakadiri.
At dahil sa kaba at takot ng nakita ko ay di ko napansin na may natapakan pala ako nang kung anong nakaharang na bagay sa lupa dahilan para matisod ako sa pagtatakbo at madapa ako sa sahig. Aray.. napangiwi ako sa hapdi. Ramdam ko na may nakadagan sa aking likuran kaya agad akong napaharap roon. Kasabay nun ng paglaki ng mata ko.
"Waaah!" Sobrang lapit ng mukha nito sa dibdib ko. Shit, akmang kakagatin niya iyon pero agad 'kong hinawakan ang magkabilang tenga nito at pilit na inaangat para di ako makagat!. Parang itong hayop na sumisigaw na hindi maintindihan ang pinagsasabi nito. Galit na galit siya at parang hindi ito nakakain ng ilang buwan.
Pero ang malas nga naman oh.. biglang na tanggal ang dalawang tenga nito na kinagulat ko! Nanginginig akong nabitawan ang tengang dumudugo. Wala ano ano'y sinipa ko ang tiyan nito para makaalis siya sa pagkakapatong sa akin.
Nanginginig akong napagapang sa sahig. Tumingala ako sa malayong dereksyon at pansin ko si Kiko na napahinto habang tumatakbo.. at agad na napatingin sa dereksyon ko. Takot siyang nakatingin sa akin. Agad ko siyang sinenyasan na tulungan ako pero ang loko bigla siyang tumakbo paakyat sa hagdan at iniwan ako. Nyeta. Walang dulot! Kainis yari ka sakin pag nabuhay pa ko.
Akmang tatayo na ako ng nakaramdam ako ng pagdagan ulit sa akin. Gulat na lamang ng makitang sobrang lapit na ng mukha nito sa leeg ko! Shit shit shit.
Bigla akong nakaramdam ng masmatinding takot. Kita ko ang naaagnas na katawan nito na prang ilang buwan ng patay. Nakakatakot pero nakakadiri..at parang kahit anong oras ay susuka ako saking nakita.
Di ko alam kung saan ko iyon hahawakan kaya kahit diring diri ay agad 'kong hinawakan ang bunganga nito at pilit na binubuka. Gusto kong magmura ng magmura saking ginagawa. Ang lambot lang ng balat nito at kaunting pwersa ay alam 'kong matatanggalan ito ng panga.
Kadiri talaga.
Dahil sa pwersa ay tagumpay ko ngang nagawa ang balak ko. Kita ko ang unti unting paghiwalay ng balat nito. Pumikit na lamang ako at buong pwersang ginawa ang dapat gawin para hindi ako makagat ng halimaw na ito.
Rinig ko ang sigaw nito na para bang nasaktan. Pumikit pa ako ng mariin at tinadyakan siya sa sikmura para hindi na makita ang pagmumukha nito.
Ilang segundo akong nakahilata, nakatingala akong nakatingin sa salamin.
Napahugot ako ng malalim na hininga.Wews.. muntik na yon. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...