Chapter 1 (revised)

1.8K 68 2
                                    

Jack Pov.

Nandito ako ngayon sa inventory room. Tatlong pinto ang bumungad sa akin. Ang una ay 'Character Room' pangalawa ay 'Weapons Room' at ang pangatlo naman ay 'Items Room' tinahak ko ang pangalawang pinto at pinihit ang door knob upang makapasok.

Kailangan ko na muna i-repair ang shotgun matapos ko to gamitin sa laban kanina. Sa ngayon gagamit ako ng melee at iiwasang gumamit muna ng kahit anong rifles para na rin makatipid sa pera at makaiwas sa pagre-repair kapag natapos na naman ang isang laban.

Ang goal ko kasi ngayon ay maunahan sila mabili ang bagong release na L115A3 AWB na nag hahalagang 1 million. Isa yung sniper na may kakaibang specification na walang kasing katulad di gaya ng iba. Kaya naman lahat ng mga players ay nagkakandarapa at unahan sa pag-iipon ng ganoong kalaking halaga na pera.

Sobrang mahal kainis.

Tumingala ako napagawi ang mata ko sa kanang bahagi sa taas, 600,000 kulang pa ng 400,000 tsss. Ang hirap talaga mag-ipon dito hindi katulad sa ibang games na kapag panalo ka parang jackpot price na premyo mare-receive mo kaysa naman dito pagtapos ng game hanggang 1000 to 500 b-coin lang ang binibigay... marami-rami pang laban ang kelangan ko tatapusin hays.

Sa kabilang banda naman ay sumagi sa isip ko kung sasali pa ba sa clan o hindi? Kasi na balitaan ko na once na nanalo ang last standing team sa laban ng Clan Match mataas talaga ang binibigay na pera pero.... hindi puwede, ayokong malalaman nila kung sino ako.

Ayokong may makakilala sa akin, lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ko kapag malaman nila kung sino ako, mas mabuti ng tago, lalo pa't isa na akong sa pinakamalakas na player sa game na 'to.

Napabuntong hininga na lamang ako... simula nang maging Top 5 ako hindi ko na nakakalaban ang mga malalakas kagaya ng mga top 10 pababa. Nakakapagtaka talaga dahil hindi kami pinag ma-match sa kahit anong game.

Event: Weapons Room

Nang makapasok ako ay agad naman nagsilitawan ang mga armas at unti-unting pinalibutan ako ng mga eto. Sa puntong yun maayos ko silang nakikita at sa bawat pagtingin ko sa isang armas ay lumalabas ang mga names, details, ratings, at kung gaano ba kalakas o may damage ang bawat isa, at para narin irecommend nila na kailangan ko na itong i-repair.

Sa sobrang dami halos mahilo na ko sa kakaikot, ayon kasi sa kwartong ito mahigit nasa 120 itong mga armas kaya naman di talaga maiiwasang mapatagal ang paghahanap ko.

Naisip ko naman na 'tong ibenta para bumilis ang pagtaas ng B-coins ko pero nasa personality ko na talaga ang pagtago ng mga lumang gamit dahil pinahahalagahan ko ito, at binibigyan ko ng sentimental value kaya sa huli... hindi ko magawang itapon o ibenta.

Ewan ko ba kasi kahit yung mga walang kwentang armas ko ay di ko kaya ibenta naging mahalaga rin naman kasi iyon at nagamit ko.

Habang abala ako paghahanap sa di kalayuan ay nakita ko na rin yung gusto ko gamitin na pang secondary... tinaas ko ang kamay ko para kuhain ang 'despe o desperado' isang uri ng baril na may pagkakahawig sa shotgun ngunit maliit lang ang sukat neto, nang mahawakan ko na ay may lumitaw na medyo may kalakihan na kahon para sa lalagyan para sa secondary weapon sunod nun ay inalis ko muna ang nakalagay handgun doon at ni-repair yun saka isinantabi sa mga koleksyon ko at ang panghuli kong ginawa ay iniligay ko ang napiling despe para sa secondary weapon.

Tinahak ko naman ang primary weapon, isang slot kung saan lalagyan ng armas na gagamitin sa laban. Minuto na ang lumipas ngunit walang ako mapili dahil sa dalawang sandatang nakaharap sa akin. Ughh kung puwede lang bitbitin tong dalawa ng sabay edi sana hindi na ko nahihirapan pa.

Ngunit pipili na sana ko sa dalawang iyon, nang biglang may naramdaman ako na lamig sa buo kong katawan dahilan para manginig ako at mapasigaw ako... unti unting lumabo ang paningin ko kasabay nun ay ang paglitaw ng mga puting letra...

"please wait, your account is logging out..." bigla na lamang nagdilim ang lahat.

Real World

"JACK KAHAPON KA PA NAGLALARO Hindi ka parin tumitigil jan! Bumaba ka na, tignan mo sarili mo mga ilang pitik ka na lang... di ka na tatagal sa mundong 'to" bungad sa akin ng ate ko... Oa mo napasimangot na lamang ako. Nakita ko syang may dalang timba at saka ko lang narealize na yun pala yung point kung bakit ganito ang nararamdaman ng katawan ko.

Nakaramdam ulit ako ng panlalamig at agad na bumangon para i-off ang aircon.

"Ate naman masisira yung laro ko sayo... sana naman sa susunod maayos mo ko gisingin, tignan mo nabasa yung wire ng---" napatigil ako ng binato sa akin yung hawak niyang timba at nag-umpisa na namang rumatrat ng mala-machine gun.

"Wag ka magsalita ng ganyan sakin mas matanda ako sayo respetuhin mo ate mo, sa akin yang perang pinambili mo ng luho mo kaya bumababa ka na dahil mukha ka ng kalansay..."

Napakamot na lamang ako sa ulo...

"Kung hindi lang namatay sila mama at papa hindi ka na talaga makakagamit niyan ngayon... mag-aral ka ng mabuti, pataasin mo yang grades mo" satsat ni ate, naiirita na ko leche ang ingay ng bunganga niya.

Tumayo na ko sa kama habang salita siya ng salita para talagang machine gun..

"Hoy di pa ko tapos... tumingin ka sakin" sigaw niya. Tinignan ko naman siya habang tinatanggal yung wire na nakadikit sa gilid ng noo ko, nakasimangot ako habang ginagawa yun.

"Aba ikaw pa galit ha! yadaDadAdadah" ani niya pa... kanina pa ko nagpipigil dito eh kung totoo lang yung shotgun ko kanina ko pa to pinasabugan.

Pero joke lang yun ayokong mawala si ate haha.

"Ang ingay mo" tipid ko saad at umalis na sa kwarto ko... narinig ko siyang sumigaw ngunit di ko na lamang pinansin.

Tinanggal ko na ang cyborg eye lens sa dalawang mata ko at nilagay ko na ito sa bulsa ng pantalon ko nagsuot narin ako ng uniporme dahil papasok na ako sa school.

Tinatamad man akong pumasok pero kailangan talaga. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang ate ko sa salitang mababa ang grade samantalang hanggang 88 lang pinaka lowest ko at the rest nasa 90 na. Napailing na lamang ako at bumaba na ko saka dumiretso na ako palabas ng bahay. Narinig ko ang boses ng ate ngunit di ko na lamang pinansin dahil sa school na lang ako kakain, dahil kung sa bahay pa ko kakain sigurado sasakit na naman ang tenga ko sakanya.

Habang naglalakad ako ay natuon ang atensyon ko sa may shop ng mga tv...news tungkol sa Virtual Blitz Online.

"The Virtual Blitz Online brings to you it's latest Tournament. The VBO Gold League Championship! Only the top 20 players and it's team are only allowed to join in this match.

It's your chance to be known as one the best players in the Philippines...

So what are you waiting for? Get your weapons and start the fight!

For more information for the prize please visit this site. www.vitrual-bo.com.ph/info."

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking labi.

"Only the top 20 players and it's team will allow to join in this match"

Di na ko makapaghintay...

Itutuloy...

Date revised: 31/10/2018

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon