Chapter 11

859 38 4
                                    

Jack Pov.

"Pre!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa aking likuran. Tumingin ako sa paligid at kita ko na nakatangin sa dereksyon ko ang mga estudyante. Napangiwi ako dahil sigurado akong kilala ko ang taong ito.

Sino pa edi si Kiko.


Binilisan ko ang lakad ko ngunit agad naman niya akong naabutan, malas. Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang ay lubayan ako ng kabuteng ito? Dikit ng dikit sakin at kung ano anong pinagsasabi kala mo naman ay magkaibigan talaga kami.




"Oy may kwento ko sayo pre!" Inakbayan niya ko at nag-umpisang magsalita. Nagkunot ang noo ko sa ginawa niya.




"Tangina brad yung top 5 player ng VBO ang lupet! Halos siya ata ang nakapatay ng lahat ng kalaban namin eh, tapos alam mo ba yung katana ko ginamit niya sa laban" tuwa niyang saad, agad ako dumistansya sa kanya dahil di ko feel na may umaakbay talaga sa akin at lalake pa. Leche


Dapat nga pinabayaan niyo na lang ako eh, Syempre ako pa ba? Kahit ako lang mag-isa kayang kaya ko na sila.




Walang pwedeng makatalo sa akin..






"Kaso nga lang medyo nasira yung katana ko kaya yun pina-repair ko inabot sa 300k pero okay lang nahawakan at nagamit naman ng idol ko" tuloy tuloy niyang saad na para bang wala ng bukas. Di ko alam kung anong reaksyon ang ipinipinta niya sa kanyang mukha dahil may halo halong saya at dismaya ito.






Idol? Tss wala akong pake.





Pero teka, siya si Kila? Sa kanya pala iyong katana? Naka teammate ko sa clan? napailing iling ako. Tinignan niya ko ng nagtataka dahil sa reaksyon ko ngunit di ko na lamang siya pinansin.






Napangiti ako ng lihim, sayang di ko nasira.






"Sara dito!" Narinig kong sigaw ni Kiko sa may sa di kalyuan.





Nandito kami sa school, isang oras bago matapos ang break time kaya naman ay naglibot libot ako sa school na 'to, tapos na kasi akong kumain kaya naman ay nagpapalipas lamang ako ng oras.





Ngunit tadhana nga naman Oo, yung dalawang baliw katabi ko na ngayon. Gusto ko sabihin na layuan nila ako dahil wala silang kwentang kausap at inis na inis ako sa kanila.. pero di ko kaya.





Dahil sa Sara na ito.








Baka mamaya madulas pa ang dila niya na sabihin kay Kiko na ako si Jaxx.





Dahil kapag sa oras na nalaman niya iyon ay siguradong kakalat na ito sa ibang players at baka malaman nila na ang totoo ako.. yung pangalan na Jack ay naglalaro pala sa VBO..






Alam kong delikado na ang makasali ako dun, sa panahon ngayon ay kinamumuhian ng mga players ang Jack, kagaya nga ng nangyari sa akin 'nun ay halos isumpa ang pangalan ko dahil sa kadayaang ginawa ko.




Parang ayaw na talaga nilang i-exist ang pangalang iyon.





Pero syempre ibang Jack na ang naglalaro ngayon at walang bahid ng daya. Malakas na ako.. kahit sino kaya kong patumbahin at nasisigurado ko iyon, Pero nga lang ang problema ay hindi ko talaga nakakalaban ang top 10 pababa noon.




Pero ang masnakakainis nga lang ay hindi talaga kami pinagtatapat tapat sa laban ng mga admin, alam ko malakas ako at sila. Syempre nauumay rin kami sa mahihina at para bang mabilis kaming nakakapag-level up ng walang kahirap hirap.



Mas gusto ko yung challenging, yung mahihirapan na talaga ko..tapos sila rin pahihirapan ko.



Kaya sisiguradin ko na kahit anong gagawin ko para hindi masira ang pangalang Jaxx dahil sa nakaraan ko.

Ayokong mawala lang ang pinagpaguran ko.

Masmabuti ng tago ang personalidad ko.


Tsaka gusto ko pang kalabanin ang sinasabi nilang malalakas.



"Kila-- este Kiko kilala mo ba kung sino ang nakabili ng tig 1m na sniper?" Tanong ni Sara kay kiko, napa-huh si Kiko dahil di niya alam kung sino iyon. Napalingon ako sakanya ng sandaling iyon.



"Hindi eh" tugon ni Kiko, na napakamot sa ulo.




"Tangiks, ako yung bumili! Buwahahaha pakita ko sayo mamaya sa game, gagamitin ko yung sa last fight" agad niyang saad na para bang nanalo sa lotto, at sabay na napatingin sa akin.





Siningkit ko ang mata ko kung anong pinagsasabi nito, pero laking gulat ko na may naalala pala ako sa ginawa niya sa character ko. Shit.




"Anong sniper yan?" Umigting ang panga ko at habang inis na nagtanong sa kanya.



"AWB worth 1 Million bakit? Naglalaro ka din ba?" Saad niya at napatanong. Bigla ko naman binawi ang reaksyon ko dahil katabi ko nga pala si Kiko. Di nya pweeng malaman.


"Wooooah, di nga? Paano ka nakaipon? Ang bilis naman ata" saad ni Kiko na natutuwa. Habang naglalakad kami sa dereksyong patungo sa classroom.


"May nagregalo lang sa akin ng maraming weapons na pinaglumaan, items at character set na rin, syempre ibebenta ko yun para mabili agad yung sniper" saad niya natumatawa at may pang-asar sa kanyang mukha na lingunin ako. Kinindatan niya ako at tumakbo ng mabilis para buksan ang pinto ng classroom niya.

Sabi ko na nga ba, siya ang may gawa 'nun, kinuyom ko ang kamao ko at pakiramdam ko ay di ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko na para bang sasabog ako sa inis sa oras na ito.



Sa isang pandak na yun, lagi niya ako naiisahan.




Hihintayin mo lang ang karma mo, sa oras na dumating 'yon masmalala pa dun ang gagawin ko.



Mahigpit kong pinihit ang doorknob at sabay na tumahak sa loob ng classroom.




Ano bang gagawin ko sa babaeng iyon, nakakainis puta.

Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE]  30/10/2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon