Jack Pov.
"MAMATAY KA NA!" Isang malakas na sigaw ang nagmula sa bibig ko habang habol hininga akong napatayo sa kinauupuan ko.
"Oy santos okay ka lang?" narinig ko ang boses ng seatmate kong babae sa di kalayuan at kasunod nun ay inimulat ko kaagad ang aking mga mata at di ko namalayang napatitig sakanya.
Kita kong napangiwi siya sa matagalang 'eye-to-eye kuno' namin kaya naman di nagtagal napangiwi na rin ako katulad nya at bigla napalingon sa ibang dereksyon...
Weird bruh??
Kasabay nun ang umalingawngaw na tawana't halakhak na nagmula sa aking mga kaklase. Naramdaman ko naman na may tumapik sa likod ko at agad kong nilingon ang taong gumawa nun.
"Uhmm mam we're sorry po hehehe lagi kasing defeat sa online games eh pffft..." saad ni Kiko ng pabiro at na pinipilit na hindi matawa sa nasaksihan niyang pangyayari kanina.
Tinitigan ko siya ng masama at agad naman itong nag peace sign na para bang nang-aasar o ano. At ako naman as usual tahimik lagi, at napayuko sa hiya... kainis naman ohh.
Nilibot ko ang mata ko at sinuri ang buong kwarto ng classroom, at yun nga, hindi ako nabigo sa inaasahang mangyayari dahil lahat ng tao dito ay nakatingin habang nakangisi sa akin. Alam nyo yung pakiramdam na pinagtitinginan ka, tapos bakas sa kanila yung mga mapang-asar na ngiti, na parang handa silang tunawin ako sa kahihiyan. Para akong lalamunin ng lupa... feeling ko para kong mukang pigsa fck.
fck
fck
fck
Paulit ulit kong mura.
Maya't maya lang ay narinig ko na ang walang humpay na bulungan ng kaklase ko.
Sabagay...Ano bang aasahan kapag ikaw ang naging center of attraction sa ka wirduhan nagawa mo, tsss.
"Mukha talaga siyang engot brad" hagikhik ng dalawang lalaki.
"Nakakatakot talaga siya, mamatay daw tayo" kabadong saad naman ng babae sa grupo nya.
"Wala finish na siya pre"
"Baliw na ata"
"Hahahaha"
At iba't ibang pang sobrang daming komento ang narinig ko mula sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang ako tumingin ako kay Ms. Rose at nakita ko naman siyang parang nabalisa? Huwaw.
"Sorry mam, kinulang lang po sa tulog dala na rin po ng imahinasyon ko hehe" kamot ulong saad ko sa kanya habang nakangisi na agad naman nyang tinanggap at naunawaan.
Pakiramdam ko nagmukha akong killer sa klaseng to.
Pagkatapos nun ay pinabalik na ulit ako, dumeretso na ko sa upuan ko at naupo sa dati kong pwesto at dahan dahang pinakakalma at binubura sa isip ang nangyari sakin kanina.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil pano ko naman makakalimutan agad? e hindi parin tumitigil ang mga kaklase ko na tumawa at gawing topic ako sa usapin nila.
"Okay class wala na mag-iingay tama na yan nasa oras tayo klase" saad niya at tumalikod na paraharap sa whiteboard at nagsulat ng activity.
"Jack anong nangyari sayo?" tanong ng katabi kong si Kiko.
Malay yan sana ang sasabihin ko sa kanya pero tinamad na ko kaya nag kibit balikat na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Fiksi IlmiahAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...