Ito na yung unang part ng zombie mode :) medyo di detalyado ang iba, medyo lang.. sa susunod 4k words ulit katulad sa chapter 24.
Oo nga pala.. may napansin akong story sa genre ng scie-fi.. di ko alm kung nag aassume lang ako sa nabasa kong description sa isang story kasi medyo may pagkakahawig at may similarities sa description ng VBO eh pero baka assumera lang talaga ko haha at baka nagkataon lang na magkaparehas x)
P.S. eto na naman po ang walang sawang pagpapasalamat ko sa patuloy na bumabasa sa story ko po kahit parang 1 year ako bago mag-update. Haha. Minsan kasi katamad magtype pero ngayon sinipag ako, naks.
Pagpasensyahan niyo na po ang english grammar sa mamabasa niyo buwahahah maghanda na lang kayo ng tissue kung sakaling may dugo sa ilong niyo lol.
Expect na may wrong grammar at errors sa text ng story ko. Trying hard si writer xD
---------Jack Pov.
Nakayuko akong na pamulat ng mata pagkatapos ay kinusot kusot ito upang matanggal ang duming nakaharang sa mata ko. Nadatnan ko na lamang ang sarili 'kong nakaupo ngayon mula rito sa isang puting bakal na upuan. Habang nakayuko akong nakatitig lamang sa isang itim na notebook na nakapatong mula sa desk ng kinauupuan ko ngayon. Maraming gumugulo sa isip ko kung bakit ako nandirito… este paano ko napunta rito sa pagkakaupo...Ilang beses na akong napakurap ng mata hanggang sa tumingala ako sa kaliwang bahagi ko. Sa pag lingon ay napakunot ako ng noo sa aking nakita.
Pamilyar ang bintanang natatanaw ko at ang nakikita ko mula sa labas. Napatingin naman ako sa aking sarili.. uniform? Bakit ako nakasuot ng uniform ng school? Taka mang napatitig sa aking sarili ay di ko maiwasang mapatingin ulit sa ibang dereksyon na ngayon naman ay mas kinagulat ko.
Ilang segundo ang lumipas bago ako makagalaw sa aking kinauupuan.. iniisip ko kung totoo ba ang lahat ng ito kasi baka panaginip lang yung labanan. imagination ko lang ba lahat yun… o baka naman ay ilusyon lang ito ngayon?
Nandito ako sa classroom.. yung mga kaklase ko, nandirito din.
Imposibleng hindi ako magkamali sa aking nakikita. Ito ang totoong mundo.
Tanging naiisip ko lang ngayon ay baka ay panaginip lang ang lahat ng pagsubok na dinaan ko sa VBO na halos ikamatay ko.
Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit hindi maingay ang mga estudyante sa silid na ito. Tama.. hindi normal ang nangyayari ngayon. Magsasalita na sana ako upang kalabitin ang nasa unahan ko na ngayon ay nakatalikod sa akin habang nakaupo lamang ito at nakatuon sa black board ngunit agad akong napalingon sa may pinto ng bumukas ito at may taong taas noonb deretsong naglakad mula sa harap.
May isang babae nasa tingin ko ay nasa edad 25 ang itsura at nakasuot ngayon ng isang pormal na damit ng doctor na ngayon ay may makapal na salamin ang nakaharang sa mata niya.. Kilala ko siya, siya si Ms. Cruz.
Nakakapagtaka kasi kung bakit ganyan ang suot niya? Bakit parang may nag-iba sa kanya.
"Good Morning survivors" Isang masayang pagbati nya sa amin habang may kakilakilabot na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi.
Agad na natuon ng mabuti ang atensyon ko sa harap dahil sa sinabi niya. Nakita ko narin ang mga ekspresyon ng kaklase ko na hindi maintindihan ang mga nangayayari at palingon lingon na lamang na para bang may tinitiyak sa buong paligid.
"M-ms. Cruz…" narinig kong nauutal ng kalase ko sa harap na ngayon ay nagtaas ng kamay.
"Shut up… wala 'kong sinabi na magsalita ka.. " Mabilis na tugon niya naman dun dahilan para mawala ang ngiti nito sa labi at matalim na sinuri ang kaklase ko. Lahat kami ay nabigla sa asal niya.. hindi siya ganyan.
BINABASA MO ANG
Virtual Blitz Online [Dont read this! CURRENTLY BEING REVISE] 30/10/2018
Science FictionAng Virtual Blitz Online ay ang pinakasikat na VRMMORPG game sa buong Pilipinas, gamit ang cyborg eye lens ay pwede ka nang makapaglaro sa ibang dimensyon na mundo. Nagsimula ito taong 2059 dahil sa kompanyang Virtual World Entertainment Incorporate...