SS2

3.2K 103 5
                                    


King Marcus POV (vampire's king)


"Anong ibig mong sabihin, orakulo? Linawin mong mabuti ang pinahihiwatig ng iyung mahiwagang libro ng mga propesiya." Hindi, hindi pweding mawala ang aming lahi. Ako, ako lng dapat ang anak ko at ang aming lahi ang matitira sa bagong mundong ito.



"Ang sabi sa libro ay isang napaka delikadong nilalang ang papatay sa lahat ng mga kapangyarihan sa pinagtagpong mundong ito. Siya ang muling magiging liwanag ng lahat at siya din ang magiging kadiliman kung sakali." Napahilot ako sa aking sintido, at sino namang hinayupak na nilalang ang tinutukoy ng libro.



"Sa ikalawang araw ng kabilugan ng buwan.. magiging isa ang lahat ng mundong pinagtagpo at doon magsisimula ang lahat,." yun lang ang huling narinig ko at tuluyan na namang naglaho na parang bula ang orakulong iyun.



Dagdag problema na naman,. hindi pa nga ako tapos sa suwail kung anak na iyun ngayon at may bagong nilalang na naman na dapat paghandaan. Ito na siguro ang oras para magbati kami ng dati kung kaibigan at para na din matigil na ang hidwa-an sa pagitan ng aming mga lahi dahil sa nanganganib na ang mga buhay namin., kahit labag sa loob kung taggapin pero ito lang ang naiisip kong paraan para mabuhay kami at ang lahi namin. At sigurado naman akong alam na ni leon ang tungkol sa propesiya.



----------------------------------------------------------------------------------------------


King leon's POV (werewolve's king)


"Sigurado po ba kayo sa decesisyon niyo, mahal na hari?"


"Wala na akong magagawa, anak. Ito lang ang tanging paraan at para na din matigil na ang patayan sa pagitan ng ating mga lahi. Ito na din siguro ang tamang oras para ayusin ang gusot sa pagitan namin ni marcus." Npatawa nalang ako sa aking isip, sa ilang dekadang hidwa-an sa pagitan ng aming mga lahi ay ngayon ko lang naisip ang makipag kasundo sa matagal ko nang matalik na kaibigan.


"Sa wakas at naisip mo din iyan, ama" napa ngiti nalang ako sa itsura ng aking anak.


---------------------------------------------------------------------------------

Cassandra's POV


Bwiset,. asan na ang lagusang iyun?? Bakit di ko magamit ang kapangyarihan ko?? kakainis, malapit na ang ikalawang kabilugan ng buwan.


Kailangan ko nang makita ang lagusan na iyun.. Argghhh!!


Na fru- frustrate na ako sa kakaisip at kakahanap sa pesting lagusan na iyun. Kailangan ko nang makabalik doon at para maibalik na din ang dating mundong ito.



----------------------------------------------------------------------------------------------------


Hello sa inyung lahat guys,. Happy new year!! :)

Sorry sorry at ngayon lang naka pag UD,. Hope you like this chappy guys,. do comment and vote guys., :)

Pei new year again!!.,


Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon