SS17

2.5K 93 4
                                    


Miss Amy's POV


"mga pasaway na mga bata talaga." Sambit ko nalang sa aking sarili ng malaman ko ang lahat ng mga nangyayari ngayon. AT ngayon ko lang naintindihan kung bakit tanong ng tanong sa akin si Darryl tungkol kay flare noon. MAgaling na bata, tamang- tama talaga ang mga deductions niya.

"Bilisan niyo at hanapin ang gurong iyun." Napakubli ako sa isang pader ng marinig ko ang boses ng mga knights. Lumiliit ang mundo namin dito sa council building at sa academy. Pinapahuli lahat ng council ang mga nilalang na may kinalaman at kasabwat kina flare o Cassandra at kaden.

Pati si reyna icen at Hm ay kinulong sa dungeon ng council building. Siguradong magagalit na naman si flare sa kanilang mga ginagawa.

Ang di ko lang akalain ay nakokontrol ni Emily ang kanyang mga magulang, nakita ko siya isang araw noon sa council room na gumagawa ng ritwal sa kanyang mga magulang bago ang council meeting. Siguradong pinakielaman niya ang black binding magic ng mga necro. Tanging mga necrong may matataas na antas ng kapangyarihan lamang ang makakagawa ng black binding magic na iyun.

Mas malakas nga ata si Emily kesa sa kanyang mga magulang. Isang advantage ng may dugong magkaiba.

Mabilis akong tumakbo sa isang secret door at pumasok doon. Kailangan ko nang mapuntahan sina flare at kaden para maumpisahan na din ang planong patigilin si Emily sa kanyang mga ginagawa.

---------------------------

Flare's POV (Cassandra)

"Wag kang mag- alala wife,. Makakabalik din dito si miss Amy." Napatango nalang ako at napayakap kay kaden. Ano nalang kaya ang gagawin ko kung wala siya dito sa tabi ko. Hindi lang naman kasi ang pagpapakasal namin ang syang rason sa napipintong labanang ito kundi ang isang kaluluwang kumukuntrol talaga sa totoong si Emily.

Alam kong hindi lang si icea ang napalabas ni Emily kundi pati na din ang masamang tagabantay ng mga black necro magic na nasa libro na nagamit at nabuksan ni Emily. Mas lumala lang nga ito dahil sa puot, selos at galit na nararamdaman ni Emily sa akin noon kaya lumalakas ang tagabantay na nasa katawan niya ngayon.

Pwedi ko sanang gamitin ang spirit of god of hell na siyang humihigop kay Emily pero masyado itong risky at baka pati yung life force ni Emily ay mahigop ko din.

Kailangan muna naming mapalabas ito sa katawan niya at yun ang siyang centro ng plano namin. Kapag napalabas na ang tagabantay madali nalang pabalikin sa dati ang lahat.

Dapat makarating dito ng buhay si miss Amy para masimulan na ang pagbuo ng concretong plano.

--------------------------------------------------------------------------

How's this chappy guys?? Sorry if matagal ang Ud dito,.' Masyado lang po talaga akong busy sa ngayon.,

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon