Sa mga oras na ito ay handa na akong harapin ang kamatayan ko. Handa na akong harapin ang nakatadhana sa akin At handa na din akong tanggapin na hanggang dito nalang talaga ang aking buhay.
"Flare!!!!!" napamulat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang sigaw na iyon. Parang hangin lang at hindi ko alam kung anong nangyari at yung sunod kong nalaman nalang ay niyayakap ako ng mahigpit ni kaden.
"Shit., flare.., wag mong gawin ulit yun. Fuck,. Mamamatay ako sa kaba kapag naulit pa iyon. Sorry wifey ko at ngayon lang ako dumating. Flare., wife.. snap out of it!" shit shit.. anong nangyayari sa akin?
Napayakap din ako ng mahigpit kay kaden at napatulo nalang ang aking mga luha.
"Shhh.. wife.., shh.. tahan na, akong bahala sa ina mo. Don't wori di ko siya papatayin." At naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa aking noo.
"Ikaw naman kay Emily, kailangan na nating matapos ang kaguluhan na ito." Napatango nalang ako sa kanya. Tama, kailangan na talagang matapos ito.
"Pero.., yung mga halimaw?" takang tanong ko sa kanya pero ngumiti nalang siya sa akin at napatingin ako ng mabilis sa paligid ko.
Ngayon ko lang ata nalaman na nandito ang mga kaibigan namin at naglalaban na sila. Grabe,. Ganun nalang ba talaga ako katagal nawala sa sarili ko?
"Si Sabrina??" pagpapanik ko pero napahinga ako ng malalim at napa relax ng Makita kong nandoon na si Darryl sa tabi niya at pino- protektahan siya.
"Wag kang mag- alala., okay na si Darryl. Nakainom yun ng gamot para mabilis na bumalik ang kanyang lakas at enerhiya at tamang- tama lang para sa labanang ito." Sambit sa akin ni kaden. Napangiti naman ako at napaharap sa kanya.
"Tapusin na natin ito." At mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa kanyang labi at tumugon din naman siya.
"Tara., tapusin na natin." Bago pa niya ako bitawan ay hinalikan niya muna ako sa noo at tumango at mabilis siyang pumunta sa pwesto ni ina at kinalaban na niya ito.
Napahugot naman ako ng aking hininga at nagkoncentrate. Sinumon ko na ang dalawang spirit ko at hinayaan na punu-in nila ako ng kanilang kapangyarihan at lakas.
Sinumon ko ulit ang scythe ko at sa pagkakataon na to ay pinapalibutan na siya ng isang itim at pulang apoy galing sa aking mga spirits.
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,