SS24

1.6K 50 0
                                        


Flare's POV

"Sabrina.." sambit ko sa mahinahong tinig, pero tila walang naririnig si Sabrina at patuloy pa din siya sa pag- iyak.

Kailangan kong magising si Sabrina, alam ko naman kasi na hindi siya ang kumukontrol sa katawan niya.

"Sabrina!!" sigaw ko sa kanya ng mahawakan ko siya sa dalawa niyang braso pero ayaw talagang magising ni Sabrina. Fuck,.hindi ito pwedi.. kailangan kong gamitin ang kapangyarihan ko kung ganun.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid at napahinga ako ng malalim ng makitang naka- alis na sina kaden at Darryl. Kawawang Darryl, naubos ang enerhiya't lakas niya dahil sa death shadow na pinang protekta niya kay Sabrina.

"Fuck." Sambit ko ng bigla akong nahampas sa likod ng isang ugat. Pahamak talaga tong kapangyarihan ni Sabrina. Napalaki ang aking mga mata ng makitang may sinasambit na spell si Sabrina.

Mabilis kong sinumon ang kapangyarihan ko at ramdam ko na naman ang malakas na aurang bumabalot sa katawan ko. Hindi ko muna sinumon ang scythe ko pero pinalabas ko ang dual fire ko sa magkabilang kamay.

Ngayon, kailangan ko nalang makalapit sa kanya.

Napaiwas ako sa isang ugat na hahampas na naman sana sa akin. Mabilis akong tumakbo papunta kay Sabrina pero napapaiwas ako at napapatalon habang tinitira niya ako ng kanyang mga spells at halaman.

"Argh.." daing ko ng biglang mapatalsik ako sa puno. Napakuyom ako ng mga palad ko, shit.., kailangan kong e restrain ang sarili ko para hindi masaktan si Sabrina.

Napatayo ako ng mabilis at napatumbling sa kaliwa ng Makita kong hahampasin ako ng malaking ugat ng puno.

Pagkakataon ko na... Mabilis akong tumakbo sa pwesto ni Sabrina at dinambahan siya habang busy pa siya sa kakabigkas ng spell niya.

"Ahhhh!!" sigaw ko at napakagat ako sa labi ko ng makuryente ako dahil sa paghawak kay Sabrina.

Shit.. konti nalang flare. Kaya mo yan..

Ahhhhh!!" sigaw ni Sabrina bago siya mawalan ng malay sa mga kamay ko at tumigil ang mga halaman at ugat sa paggalaw.

Napaupo ako sa lupa kasama ang katawan ni Sabrina na walang malay. Nilagay ko ang ulo niya sa aking kandungan at tiningnan ko ang aking mga palad na umuusok at sunog.

Napailing nalang ako at napatingin sa walang malay na si Sabrina.

Hahawakan ko na sana ang ulo ni Sabrina para makatayo ako ng bigla kong maramdaman ang sakit sa gilid ko at ang pagtalsik ng katawan ko kasama ang katawan ni Sabrina.

"Hahahahaha..." napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses na iyun habang nakasalampak pa din ako sa lupa.

"Emily." Sambit ko at nakita ko ang nakangiting mukha niya.

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon