SS28

1.8K 65 0
                                    


"Wife.., gumising ka na oh. Naghihintay na sila sa iyong paggising. Flare, wife.. wag ka nang matulog diyan." Isang malambing at relaxing na boses ang narinig ko. At isang paghaplos at malambing na pagpisil ang naramdaman ko sa aking kamay.

Napamulat ako ng aking mga mata at isang kaden na nakangiti ang nakita ko. Pinikit- pikit ko muna ang aking mga mata at napangiti nalang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking mga labi.

Napamulat ulit ako ng aking mga mata at Masaya siyang tiningnan.

"gising ka na nga.., ito tubig oh." Nakangiting sambit niya at pinainom niya muna ako ng tubig.

Whoo..feeling ko ilang araw na akong nakatulog at ganito nalang ang nararamdaman kong uhaw.

"ilang araw na akong tulog?" tanong ko sa kanya ng matapos na ako sa pag inom ng tubig.

"dalawang linggo." Napalaki ang aking mga mata sa narinig ko. Shit,. Dalawang linggo?? Ganoon nalang ba ang ako kahina at nakadalawa akong linggo ng tulog para bumalik lahat ng lakas ko?

"Wow, di ko alam na ganoong nalang pala ako kahaba natulog." Sambit ko dito at narinig ko nalang ang pag chuckle niya.

Naramdaman ko nalang ang konting pag- angat ko sa higaan at ang paghiga niya sa tabi ko at ang pagyakap niya sa akin.

Hinimas himas niya naman ang aking buhok gamit ang isa niyang kamay habang nakayakap ang isa niyang kamay sa aking bewang. Nakahiga ako sa kanyang dibdib at nakayakap sa kanyang bewang. Napatingala ako sa kanya at sumilay na naman ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hindi ko nga akalain na dalawang linggo lang ang tinulog mo gayung halos wala ka nang lakas na natira nang Makita kita sa lupa kasama si Emily. Tsaka nakita ko ang pagkain ng dalawa mong spirits sa itim na usok na iyun. Nawalan kasi ng malay ang ina mo nang lumabas ang usok sa katawan ni Emily. Tsaka yung ibang mga halimaw na kalaban natin ay nagsipag alisan ng Makita nila ang paglabas ng dalawa mong spirits. Sa tingin ko ay natakot sila doon. Hahahaha.." napangiti nalang ako sa aking narinig.

"mahal na mahal kita flare." Sambit neto at hinaplos ang aking pisngi napapikit naman ako at napangiti.

"mahal na mahal din kita kaden." Sambit ko dito at naramdaman ko nalang ang mabilis na paghigit niya sa akin at ang mabilis na pagdampi ng kanyang mga labi sa aking mga labi.

Isang mainit at puno ng pagmamahal na halik ang aming pinagsaluhan. Syempre, bago pa kami mawalan ng hininga ay tumigil na kami pero niyakap namin ng mahigpit ang isa't- isa.

"tara, gawa na tayo ng mga baby..hehehe.." biglang namula ang aking mga pisngi ng ibulong niya yun sa akin. Bigla ko siyang nahampas sa dibdib at napayakap ng mahigpit sa kanya at binaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa niya at napatawa din ako ng malakas kasama siya.

Shit.., mahal na mahal ko ata ang lalaking ito.

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon