SS4

3.2K 110 1
                                    


Ace's POV


"Wala akong tiwala sa mga nilalang na ito." napalingon ako kay clover nang magsalita ito, halatang iritado siya sa mga nilalang na nakapalibot sa amin dito. Di ko nga din maintindihan ang mahal na reyna kung bakit nakipag kasundo siya sa mga nilalang na ito.



"Mukhang isang maling galaw lang natin dito ay magkakaroon na ng isang malaking digmaan." sambit naman ni blake na sinang- ayunan namin.


Kaming mga guardians sina traze, zak, blake, denver, mariel at ibang mga S class ay nandito sa section na ito na kung tawagin nila ay black section. Kami ang pangunahing mga estudyanteng magtatanggol sa paaralang ito at kami din ang ipapadala para sa mga misyon kung sakali man meron.



"Nga pala, ano na ang nangyari kay megumi? Di ko na siya nakita simula noong magising siya pagkatapos niyang buksan ang mga lagusan." Ang pasaway na babaeng yun, ginamit niya talaga ang skepter para hanapin ang kaluluwa ni flare sa kung saan mang dimensyon. Buti lang nga at di nabuksan ang soul dimensyon kung saan nakakulong ang mga kaluluwa ng mga namatay na. Kung sakaling nabuksan iyun siguradong isang malaking problema ang haharapin namin. Makakawala ang mga makakapangyarihang mga kaluluwa sa dimensyong iyun at sigurado akong maghahasik sila ng lagim para sa kanilang paghihiganti.


"Ang balita ko, pinarusahan siya ng mahal na reyna dahil sa padalos- dalos na action niya. Nagtapos na ata ang pananatili niya sa void room noong isang araw eh." sagot naman ni blake na napahawak pa sa ilalim ng baba niya na parang nag-iisip siya.


Ang void room ay isang silid kung saan di mo magagamit ang iyun spirit, makakaranas ka din dito ng matinding sakit na parang tinutorture ka physically at mentally. Ang pananatili sa void room ng isang araw ay kalbaryo na para sa aming mga spirit holders ano pa kaya kung isang buong linggo kang manatili doon?? Dini drain kasi neto ang iyung lakas at enerhiya pagkatapos ay parang mapapasok ka sa isang matinding illusion na hihilingin mo nalang sanang mamatay kana.


"Goodmorning guys!!" napalingon kaming lahat sa harapan ng biglang pumasok at bumati samin si miss Amy. Oh? magiging guro pa din pala namin dito si miss Amy pero di lang namin alam kung sino ang dean ng paaralang ito, ang alam kasi namin isa si HM sa mga council kaya impossibleng siya din ang mamamahala dito.


May bumati din naman sa kanya at meron ding parang wla lang.


"Guys,. just call me miss Amy at ako ang magiging prof niyo for fielding and for your physical abilities regarding with your ahmm.., powers, well for those who don't know my race. I'm a spirit holder and my spirit element is deadly leaves." nakangiting pakilala sa amin ni miss Amy.


"So guys, para di naman masyadong awkward ang atmosphere natin dito. Magpakilala na din kayo isa- isa para naman maging familiar kayo sa isa't- isa dito." dagdag pa ni miss amy kaya nag umpisa na ding magpakilala ang nasa mga unahan namin.


"Traze William, 20 spirit holder, element fire" nasa side na pala namin ang introduction.


"Zak Christoph Stroem, 20 spirit holder, element light". pakilala naman ni zak na parang tamad na tamad ito.


Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon