"Hindi ko alam na ganyan ka na pala kahina ngayon flare." Pang- uuyam na sambit neto sa akin.
Tiningnan ko siya ng walang emosyon at nakita kong medyo malayo sa akin ang pwesto ni Sabrina.
"Tsk tsk.., Walang kwentang Sabrina.. Hindi ko alam kong talaga bang magpinsan kami o ano. Ang weak niya para maging kadugo ko." At tumawa na naman siya.
Napapikit ako ng aking mga mata at nag concentrate.
Kaden, kunin mo si Sabrina dito. Pakibilisan.. salamat. Pagtetelephathic ko kay kaden hindi ko na siya hinintay na sumagot at minulat ko na ang aking mga mata at huminga ng malalim.
Unti- unti akong tumayo at hinarap si Emily.
"Ilabas mo lahat ng kapangyarihan mo Emily. Ako naman ang gusto mong mapatay diba? Ngayon harapin mo ako." Sambit ko dito at bigla nalang siyang tumingin sa akin ng may pagkamuhi.
Ngumiti siya ulit ng pang- uuyam. "Kung yan ang gusto mo,. Pero may naisip akong mas exciting. Alam kong magugustuhan mo ito..,"
Bigla nalang lumaki ang aking mga mata ng Makita kong unti- unting naglabasan ang ilang mga halimaw sa mundong ito at ang mas ikinagulat ko ay ang paglabas ni ina.
Napakuyom ako ng aking mga palad at tiningnan ng nakakamatay si Emily. Tumawa naman ng malakas si Emily.
"Hahahaha.., exciting diba? The more the merrier at syempre kailangan nandito ang pinakamamahal mong ina, balita ko pa naman di kayo nagkasama ng matagal diba? Ngayon bibigyan kita ng pagkakataon na magkasama kaya lang syempre may twist., at yun ay papatayin niyo ang isa't- isa. Exciting diba? Hahahahaha.."
Bwesit,. Ang sama niya talaga. Napatingin ako kay ina. Bakit?? Bakit ganito nalang palagi ang nangyayari tuwing magkakasama kami? Kailangan ba talaga na isa sa amin ang mamamatay? Hindi ba pweding magkasama nalang kami ng walang gulo kailangan talaga dito kami magtatapos palagi sa aming reunion?
Ang sama naman.. ito ba talaga ang nakatadhana sa akin?
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng dugo sa aking mga kamay na kanina ko pala kinukuyom ng mahigpit dahilan para tumusok ang aking mga kuko sa palad.
"Handa ka na ba flare? Hahahaha.." hindi ko na pinansin si Emily at mabilis na sumugod sa kanya. Pero hindi pa nakakadapo ang aking kamao sa mukha niya ng biglang may sumipa sa gilid ko dahilan para lumipad ako at bumagsak sa lupa.
Napasuka ako ng dugo at napatingin sa pwesto ni Emily na tumatawa. Nandoon ang aking ina at siya ang sumipa sa akin.
Fuck,.
"Sugurin siya mga kampon!!" Napalaki ang aking mga mata at mabilis na tumayo ng magsisuguran sa akin ang mga halimaw.
Iwas dito, iwas doon.. ang ginagawa ko at minsan ay nasasapak ko sila at nasisipa pero sa tuwing nagagawa ko yun. Nasasapak din ako at nasisipa ng aking ina.
Hindi ko sila kakayanin.. Pero, hindi ko din pweding isugal ang buhay ng mga kaibigan namin at kahit na kay kaden. Hindi.. hindi ako papayag.
Mabilis kong sinumon ang aking scythe at pinanghahampas ko neto ang mga halimaw na makikita ko.
Argh.." daing ko ulit ng bigla na naman akong mapasalampak sa lupa. Shit,. Napahawak ako sa gilid ko at napadura. Bigla naman akong napatingala ng may biglang humawak sa aking buhok.
"I-ina.." mahinang sambit ko sa humahawak sa akin pero tila hindi niya ako kilala. Syempre naman hindi niya talaga ako makikilala dahil kinukontrol siya ni Emily.
"Goodbye flare." Sambit niya at napapikit nalang ako ng aking mga mata. Sa ganitong sitwasyon ba ako mamamatay? Ganito nalang ba?
At sa kamay ba ni ina ako mamamatay lang??
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid at nawalan na ako ng lakas para lumaban pa. Hindi ko kayang labanan ang aking ina, hindi..

BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,