SS22

1.8K 55 0
                                    


Darryl's POV

Sabrina naman eh,. Bakit mo ginawa yun? Bakit?

Di talaga ako makapaniwala na magagawa yun ni Sabrina, Naiintindihan din naman namin kung bakit siya naglihim. Hindi lang naman kasi siya ang may mga magulang na nasa kamay ni Emily eh. Sana naman kasi, humingi muna siya ng tulong sa akin, kay flare.

Arghh!!,. Nasabunot ko nalang ang aking buhok dahil sa frustration. Hindi, Hindi ako makakapayag na inaalipin lang ng pinsan niyang masamang budhi si Sabrina. Kailangan ko siyang makuha doon at dadalhin ko siya dito.

Naglakad ako palabas ng mansyon at patungo sa kagubatan. Napahinto ako ng maisip ko na ka- kailanganin ko ang tulong nina flare pero, kailangan din nina flare ng pahinga.

Napabuntong- hininga ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Habang naglalakad ako naisip ko ang mga bagay simula ng pumasok ako sa academy na iyun. Iyun ang pinaka masayang pangyayaring naganap sa buhay ko.

Dahil doon, may mga nilalang akong nakilala na hindi natatakot sa akin. Hindi nag-aalinlangan na kausapin ako o ano pa man. At dahil din doon nakilala ko si Sabrina.

"haist.," sambit ko dito at napabuntong hininga na naman ako. Napalibot ko ang aking mga mata. Hmmm.., mukhang nakalagpas na ako sa barrier na ginawa nina flare at kaden.

Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang paglagatik ng isang sanga ng puno na mukhang na apakan.

Pina- singkit ko ang aking mga mata sa direksyon na iyun at biglang lumaki ang aking mga mata sa nakikita ko.

Si- si.. pero.., paano?? Hindi.., sya nga!!

"Sabrina!!" sigaw ko at dali- dali akong tumakbo sa kanyang direksyon at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Sabrina,. Ikaw nga., anong nangyari sayo?? Ok kalang?? Sinaktan ka ba ng bruha mong pinsan?? Sabrina, sumagot ka." Tuloy- tuloy na sambit ko dito habang hinawakan ko siya sa kanyang dalawang pisngi at pilit na hinaharap sa akin.

Pero, nakayuko lamang siya at kitang- kita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Sabrina, anong problema?" sambit ko dito habang pinapahid ko ang kanyang mga luha.

"D- Darryl,. I- I'mm.. Sorry." Mahinang sambit neto habang patuloy pa din sa pagtulo ang kanyang mga luha.

"Hindi ko maintindihan,. Anong sorry??" hindi ko talaga maintindihan kong anong ibig- sabihin ni Sabrina at ngayon lang ata ako tinawag ni Sabrina ng Darryl,. Eh palaging July ang tawag neto sa akin eh.

"Darryl,. Sorry.. sorry.. sorry" patuloy na sambit neto habang umiiyak pa din, bago pa ako makapag- salita ulit ay bigla nalang siyang lumiwanag at tumilamsik ako palayo sa kanya.

Argh.., shit.., Ang likod ko, Tumingin ako sa kanya ng may pagtatanong sa mga mata. Pero nakayuko pa din siya. Nanlalaki ang aking mga mata ng Makita ang kanyang wand na lumiliwanag.

Mabilis akong tumayo kahit na masakit na ang katawan ko at sinumon ko si july. Bigla namang lumabas si july at nabuhay.

"July,. Kailangan nating ma restrain si Sabrina, pero wag na wag mo siyang sasaktan. Ok?" tumango naman si july at lumipad papunta kay Sabrina habang ako naman ay nagpalabas ng dark shadows sa mga kamay ko.

Dark shadow of the dead., mga kaluluwang nacocontrol ko ito.

Patuloy pa din sa pag- atake si Sabrina kay july, gamit niya ang mga ugat ng puno't halaman dito. Nakokontrol niya ito gamit ang kanyang spells. Mabilis naman akong pumunta sa likod niya at pinalabas na ang mga kamay ng dark shadows, pero hindi pa nakakalapit ang aking dark shadows ng biglang may humampas sa aking likuran kaya napatalsik na naman ako.

Bwesit,.. hindi ko siya pweding saktan, Hindi..

Bumangon ako ulit at patuloy na ginagamit ang dark shadow ko sa kanya habang todo iwas ako sa mga ugat ng punong umaatake sa akin. Kitang- kita ko din ang pag tilamsik ni july., pero kahit ganun.. patuloy pa din kami. Naman kasi,. Hindi kasi pweding masaktan si Sabrina,. Hindi ko sya sasaktan.

"Arghh!!" Shit,. Shit.., shit.. nagapos ako ng isang ugat ng puno,. Hindi ako makagalaw,. Shit.., kitang-kita ko din ang pagkagapos ni Sabrina kay july gamit ang white chains niya. Shit, hindi makakatakas si july diyan.

Kailangan ko na atang gawin ito,. Para kay Sabrina at para sa lahat.

Pero bago ko pa mapalabas ang soul death scythe ay bigla nalang naputol ang ugat ng puno na nakagapos sa akin pati na din ang white chain ni Sabrina.

"Sino...??" At napatingin ako sa aking likuran.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys,,. Sorry at ngayon lang ako nakapag- update dito.,

Hope you like this chappy guys,. Thanks..,

Keep voting, readingand commenting in my story., Thank you!!

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon