SS6

2.9K 111 3
                                    


Darryl's POV


Napahinto ako sa paglalakad ng sa ikatlong pagkakataon ay bumulong na nman sa akin si July, si july po ang pangalan ng aking kalansay. Ewan ko lang talaga kay Sabrina at july ang tawag sa akin, kaya ko nga palaging kinukuha ang wand niya dahil ibang pangalan ang tinatawag niya sa akin.


"Ano ba naman yan July, ba't ka huminto? Nangangalay na po ako sa kakalakad dito sa gubat na to." reklamo naman ni sabrina na nasa gilid ko lang.


"Someone's been following us." sambit ko na nakapag pakuha ng kanilang atensyon. Sumisinghot- singhot naman sa hangin sina levi at marco. Habang nagpapakiramdam naman si sabrina at ang iba pa sa paligid.


"Sa kanan." mabilis na sambit ni levi at tumakbo kami papunta sa kanan.


"Lumabas ka diyan sa pinagtatagu-an mo." malakas na sigaw ni marco sa isang nilalang na nakatago sa malaking punong kahoy.


Tumahimik na din si july na nasa likuran ko lamang, di niya siya umimik siguro ito talagang nilalang na ito ang tinutukoy niya.


"Paanong di natin siya nararamdaman?" nagtatakang tanong ni traze na sinang- ayunan namin. Si july lang naman ang nakakaramdam sa kanya kanina pa, pinagsawalang bahala ko lamang ito dahil baka pinag- tritripan na naman ako ni july pero tatlong beses na niyang sinasabing may nakasunod sa amin.


"Lumabas ka diyan at magpakita kung ayaw mong matusta." sigaw ni traze sa nilalang na nakatago sa likod ng puno.


Handa na sanang magpakawala ni traze ng isang bolang apoy ng unti- unting lumabas ang isang magandang babaeng itim ang buhok at maputi.


"Flare?" sabay na bigkas nina traze at zak na gulat na gulat at tila di makapaniwala sa nakita. Habang kami naman ay naka kunot- noo at si Nathalia na napa ismid at si kaden na walang reaksyong nakatingin sa babae, bigla namang lumingon si kaden sa kanan namin at tila nakita ko ang saglit na pagkalito sa kanyang mukha na bumalik agad sa pagiging pokerface at tumingin ulit sa harapan namin.


o Baka guni- guni ko lang na nakita ko siyang nalito?


"Paanong?? anong nangyari sa buhok mo? Bakit bumalik sa itim yan?" nagtatakang tanong ni traze at lumapit na sa babae, naglalakad na din ang babae palapit sa kanya.


"Traze, zak." sambit ng babae at tumingin sa aming direksyon at bumalik agad ang tingin sa dalawa.


"Teka, sigurado ba kayo na siya yung hinahanap nating prinsessa?" nagtatakang tanong naman ni sabrina sa dalawa.


"oo, siya nga.., siya si flare Yamaguchi ang nag- iisang anak ni reyna icen." pagsang- ayun ni zak kaya napatango nalang kami.


"Halika kana flare , hinahanap kana ng ina mo. Alam mo bang nag- aalala yun sa iyo noong nawala ang iyong katawan sa sagradong bundok. Anong nangyari sayo? Paano ka nabuhay?" pag- uusisa ni traze kay flare, pero di naman sinagot ni flare ang katanungan ni traze at diretso lang itong tumingin sa harap.


"gusto kong makita ang palasyo at maka- uwi." yun lang ang sambit neto at tumango nalang ang dalawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad pero nakikita ko sa peripheral vission ko na parang lumingon na naman si kaden sa likuran namin at nag smirk.

------------------------------------------------------------------------

"Parang may mali." seryosong sambit ni levi ng makarating na kami sa palasyo ng S world, ang ganda naman pala ng palasyo nila.


"Anong ibig mong sabihin , levi?" malditang tanong ni nathalia at humalukipkip sa harapan namin. Sina traze at zak lamang ang naghatid kay flare doon sa silid daw ng reyna. Ayaw pa sanang pumunta ni flare sa reyna pero mukhang napilitan lamang ito ng bigla siyang yakapin at higitin ng megumi yung guardian daw niya.


"Kasi, ang dali nating nahanap si flare? diba ang sabi ni miss Amy sa atin,. nabuhay o may kumuha kay flare. Bakit nakita lang natin siya sa gubat na iyun na nag- iisa?" napa- isip naman kami.


"Pero pwedi din namang nakatakas siya doon sa mga nakakuha sa kanya o di kaya ay naligaw siya doon sa gubat nung papunta na siya sa palasyo." sambit naman ni Sabrina, sabagay may punto din naman si Sabrina at ganun din naman si levi dahil mukhang ang dali naman ng mission namin hindi naman sa gusto ko yung nahihirapan talaga kami pero ,. yung feeling kasi na parang may mali talaga.


"yeah, whatever., importante nakabalik na yang pa importanteng prinsessa na iyan." malditang saad naman ni nathalia.


napatingin naman ako kay kaden at nakita ko siyang nakamasamid sa isang malaking larawan na nandito sa loob ng silid o ng waiting room.


Pinagmasdan ko din ang larawan. Ito ay isang malaking larawan nina reyna icen, haring light na namayapa at isang batang flare na nakangiti habang naka kandong sa kanyang ina na si reyna icen. Maganda ang pagkagawa ng larawan at parang buhay na buhay ito.


HUh? pinasingkit ko pa ang aking mga mata ng may makita ako sa larawan. Teka,. bat di ko yun nakita kanina kay flare? pero baka di ko lang talaga napansin iyun sa kanya.

Lumihis ako ng tingin at napatingin ako kay kaden na nakatingin na pala sa akin at biglang tumingin sa pintu-an at tumingin din ako doon.


"Balik na tayong academy guys,. okay na baka bukas papasok na si flare kasama si megumi." bungad ni zak sa amin ng mabuksan niya ang pintu-an at nandon sa likuran niya si traze na naka pamulsa. Napalingon naman ulit ako kay kaden, tumayo na ito at naglakad palabas. Ang talas naman ng pakiramadam ng prinsepe ng mga bampira, I wonder kung anong ginawa niya at parang galit sa kanya ang kanyang ama na si haring Marcus.

--------------------------------------------------------------------------

Sorry sa matagal na UD guys., hope you like this chappy. :)

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon