SS10

3.1K 118 6
                                    


Levi's POV


Mag- iisang linggo nang pumapasok sa paaralan sina megumi at flare at masasabi ko lang ay okay naman ang takbo ng mga kaganapan.

Napapadala na din kami minsan sa mga mission, mission kung saan pinapatay namin ang ilang mga nilalang na sumasalakay sa mga tao. Dahil sa pag bukas ng mga lagusan at pagkonekta neto ay nagkaroon ng free access ang ilang nilalang na salakayin at gawing pagkain ang ilang mga mortal na tao na tahimik na namumuhay sa kabilang ibayo.

Wala pa din kasing ka alam alam ang mga taong mortal na may iba't- ibang mga nilalang na palang nakikihalubilo sa kanila.

Pansin ko din nga na hindi nila masyadong pinapadala sa mission si flare at kapag nandiyan naman siya sa mission ay di niya magamit- gamit ang kanyang spirit power. Ang sabi niya kasi ay di niya pa ito tuluyang nakokontrol kaya baka daw mapagsobrahan siya sa paggamit neto at mabura ng tuluyan ang mundong ito.

Okay lang naman sa amin iyun pero napapansin ko din ang malalamig at matatalim na paningin ni nathalia sa kanya at ang parang hanging turing sa kanya ni kaden.

Si Sabrina na makulit ay napapansin ko ding medyo ilag siya kay flare pero minsan ay kinakausap niya din ito pero sa isang seryosong usapan lamang. Habang si Darryl naman ay pasimpleng pinag- aaralan pa din ang kilos at katawan ni flare.

Pati nga si mariel na inamin sa amin na childhood friends sila ni flare ay parang ang layo din ng loob dito. Nagka selective amnesia daw siya kasi noong mag dalaga siya at nabagok ang ulo niya sa isang bato habang pina- practice niya ang kanyang spirit. Di naman siya maalala ni flare dahil sa ginawang ritwal ni reyna icea sa kanya noon.

Silang mga s class din kasi ang nagkwento sa amin niyan noong mag- amin at maalala na ni mariel ang lahat sa pagitan nila ni flare.

Yung totoo, anong nangyayari sa kanila?

"Yaahh.., ano ba july, ibalik mo yung wand ko!" dumali na naman itong dalawa. Si Sabrina na tinatawag na july si Darryl at si Darryl na inaagaw at ayaw ibigay ang wand ni Sabrina dahil ibang pangalan ang sinasambit ni Sabrina.

"Tahimik, mangkukulam.." malamig at galit na sambit ni nathalia kay Sabrina at ang isa ay napayuko naman at tumahimik. Seriously?? Parang first day lang namin dito hah. Nauulit yung eksena?

Napatingin naman ako sa mga spirit holders at ayun Masaya silang nag kwe- kwentuhan kasama na sina megumi at flare.

Napatingin naman ako kay kaden at natigilan ako ng makitang kumikislap ang kanyang mga mata. Hindi ito ang malalamig at walang ka buhay- buhay na mata niya kundi may excitement at kasayahan dito. At himalang nakatingin ito at parang may inaabangan sa pintu-an na pumasok.

"I sense something interesting will happen." Napalingon ako kay marco na nagsalita habang binabasa niya naman ang librong the art of assassination. Seriously? Bakit ganyan yang binabasa niya? Ang weird niya talaga minsan.

Bumukas ang pintu-an at pumasok ang isang guro namin na humahandle sa aming mental abilities. Isa siyang vampire na may mind ability at kasama din siya sa mga malalakas na klase ng mga bampira.

"Good morning guys,. You have your new classmate so please welcome her." Nakangiting sambit neto sa amin, unlike kasi sa ibang bampira na malalamig makitungo ay kabaliktaran ng guro namin.

Bumukas ulit ang pintu-an namin at lahat ng mga mata ay nakatu-on sa nilalang na papasok.

Unti- unting pumasok ang bagong kaklase namin at nang makapasok na siya ng tuluyan ay nagsi- singhapan ang lahat pwera lang kay kaden na nakangiti? The hell?

"The hell/ what the??" singhap ng mga s class at ibang kaklase namin at pabalik- balik na tumingin sa nakaupong flare na may maiitim na mga buhok na nakatingin ng seryoso sa babae at sa bagong pasok na kaklase namin na kamukhang flare na may matitingkad na pulang buhok.

"Cassy!!" nakangiting sambit ni kaden na nakakuha ng atensyon ng lahat at mas lalong napa nga- nga dahil nakangiti lang naman ang nag- iisang cold vampire prince.

"Devin." Sambit naman ng bagong kaklase namin ngumiti din pabalik kay kaden. Anong nangyayari??

Pa balik- balik pa din ang tingin ng lahat sa tatlo, kay flare na nakaupo sa tabi ni megumi at ni traze at kay kaden at cassy daw na nakangiti.

"Ahmm.., well, what a surprise welcome, I guess.. and miss Cassandra can you please introduced yourself to everyone." Awkward na sambit ng guro namin na siyang nagpabalik sa aming sarili.

"Cassandra Cullen, a vampire and wife of Kaden Devin Vladimir Cullen." Seryosong pahayag neto sa amin.

"Wfe?????" malakas na sigaw ng lahat kasama na nga si nathalia at napatango naman si Cassandra at tinaas ang left hand niya at nakita namin ang gold ring na may diamond na nasa daliri niya at napalingon naman ang lahat kay kaden at tinaas niya din ang left hand niya at kita namin ang parehong gold ring na nasa daliri neto pero wala lang nga lang diamond doon.

"Wow.., I guess,. Too much surprises here hah.," sambit ng guro ulit namin ng magsimula nang maglakad si Cassandra sa pwesto ni kaden. Damang- dama namin ang aura niyang intimidating at ang authority sa kanyang pagkilos at ang essence ng pagiging bampira niya pero masyado itong kakaiba.

Kita ko din ang pag smirk neto ng makapantay niya ang linya ng mga spirit holders kung saan naka upo si flare. Nakatingin lamang ang lahat sa kilos niya hanggang sa makaupo siya sa tabi ni kaden.

Hinawakan agad ni kaden ang kamay ni Cassandra at ngumiti ito sa kanya, ngumiti din naman si Cassandra pabalik kay kaden at humarap ito sa amin.

"What?" nagtatakang tanong neto at biglang nagsi harapan ang lahat sa harap. Ang awkward naman masyado dito at ang nakaka panibago ay ang pag ngiti at saya na makikita sa mukha ni kaden.

Napatingin naman ako kay flare at kitang- kita ko ang matatalim na tingin neto kay Cassandra. Anong problema ng isang ito??

Tama nga si marco,. Interesting nga...

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon