SS15

2.5K 91 2
                                    

Cassandra's POV

"Tama na ang pagpapanggap, Emily.. umalis kna sa katawang iyan." Madiin na sambit ko kay Emily na nasa kalahati ng katauhan ko ngayon at siyang nagpapanggap bilang flare. Tama, ako si Cassandra Cullen ang siyang totoong flare yamaguchi. Ang nag- iisang anak nina reyna icen at haring light ng mga spirit holders at siyang humahawak sa dalawang pinakamalakas na demonyong spirit.

"Ayoko nga.. di ko pa nakukuha si kaden." Nakangiting pangdemonyong sambit neto sa akin. Napahalakhak naman ako sa kanya kaya kumunot ang kanyang mga noo.

"Di mo na siya makukuha.. dahil kasal na kaming dalawa. Ganap na kaming mag- asawa ngayon." Ako naman ngayon ang ngumiti ng pangdemonyo sa kanya kaya napakuyom siya ng kanyang mga kamao.

"Hindi!!.. papatayin kitang babae ka!! Akin lang siya!! Akin!!" malakas na sigaw neto sa akin dahilan para magkabasag- basag ang mga salamin na nasa loob ng classroom namin. Mabuti lang nga at nauna kaming dalawa dito pero unti- unti ng dumadami ang mga estudyanteng nakiki- usyoso sa amin kaya bago pa sila masaktan ay gumawa ako ng matinding force field barrier na proprotekta sa kanila laban sa aming mga kapangyarihan.

Biglang pumula ang kanyang mga mata at buhok. Napailing nalang ako, ginagamit niya na naman ang kapangyarihang natitira sa loob ng katawang iyan. Kailangan ko na talagang mabawi ang kalahati bago pa maubos ang enerhiya ng katawang iyan dahil mauubos din ang life force ko.

"You're pathetic.. gagamitin mo ang katawan at mukha ko para mapaibig si kaden? Hahaha.., di naman gumana, dahil sa akin parin sya umibig." Pang- uuyam ko pa dito at nakita ko nalang na galit na galit na siya at parang sasabog. Napansin ko naman sa labas ng barrier ang mga spirit holders at ang ilang kaklase namin.

Napaiwas ako sa kanan ng biglang lumipad papunta sa akin ang isang silya. Yumuko naman ako ng lumipad na naman sa direksyon ko ang teacher's table. Ng hindi ito tumama sa akin ay mabilis naman siyang sumugod sa akin at susuntukin sana ako ng masangga ko ito.

"Papatayin kita!." Galit na sambit neto sa akin habang umaatake pa din. Nasipa ko siya sa gilid kaya napa atras siya at tumingin sa akin ng nakakamatay na tingin pero wala itong epekto sa akin. Kung titingnan mo kaming dalawa ngayon ay di mo matutukoy kung sino ang totoong flare dahil sa parehong kulay ng mga mata at buhok namin pero mas matingkad pa din ang sa akin.

"Tsk,. Epal ka talaga kahit kalian flare o Cassandra. Akalain mo nga naman ako ang pumasok sa palasyo ng mga bampira dahil gusto kung puntahan si kaden noon, pero di ko naman akalain na makikita ko siyang nakatingin sa iyo na nagbabalak ding pumasok sa palasyo. Ahhh.. hindi pala ikaw iyun dahil isang clone mo lang pala iyun. Naiinis ako sa iyo dahil nakikita kong interesadong- interesado sa iyo si kaden na sinundan kapa sa pagtakbo sa kagubatan sa boundery ng mga lobo't bampira at tumakas pa siya sa kanyang mga kawal." (refer to silver skull book 2, chapter 1).

"Kaya, ang ginawa ko.. inabangan ko ang clone mong pinangalanan mong Cassandra bago sumapit ang ikalawang kabilugan ng buwan na siyang nagbabalak na pumasok na naman sa palasyo (refer: silver skull book 2, chapter 2) at pinasok ko ang katawan neto. At bumuo ako ng plano.. plano kung saan magiging asawa ako ni kaden at ako ang hahawak sa buo mong lahi habang ikaw ay mawawalan ng karapatan sa lahat. Ahhh.. kung nagtataka ka kung paano ko nalaman na clone mo lang siya, well.. tinulungan ako ni icea.. yung tita mong pinatay mo. Nakakagala pa din ang kanyang kaluluwa dahil sa akin, aksidente lang naman kasing napalabas ko ang isang espirito noong galit na galit ako sa iyo." Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ng babaeng ito, sigurado akong nabilog ito ni icea.

"Ako din ang nagplanong itakdang ikasal tayong apat pero sina flare at levi ang magkapares at lalong- lalo na ang kasal nina Emily at kaden.. Pero isa kang malaking sagabal sa pagmamahalan namin. Biruin mo nga naman,.. nagpakita ka dito sa paaralan pagkatapos ginamit mo pa ang pangalan ng clone mo at ang mas nakakabwesit sa lahat ay yung pinalabas mong mag asawa kayo ng mahal ko!!" malakas na sambit neto sa akin at umatake na naman, hangal na Emily..

Iniiwasan ko lang ang atake neto at hinawakan ko siya sa batok at mabilis kong ini activate ang tatak doon para mawala na ang kalahati ko.

"Sabrina.. wag!!!" napalingon ako kay Darryl ng sumigaw siya, shitt.. gagamitin ni Sabrina ang blinding light spell para makatakas si Emily.. Bago pa sumabog ang liwanag ay hinawakan ko sa noo at sumambit ng mabilis na chant dahilan para lumiwanag din kami sa loob. Napadaing nalang ako ng maramdamang sinaksak ako ni Emily sa gilid para mabitawan ko siya.

Bago tuluyang nasakop ng liwanag ang buong barrier at ang loob neto ay kitang- kita ko pa ang pagbabalik ng mukha ng tunay na Emily at ang pagiging usok ng katawan ko at bumalik sa loob ko.

"Magtutuos pa tayo!!" yan lang ang huling narinig ko bago ako mabagsak sa sahig at mawalan ng malay..

Magaganap na ang malaking gyera!!!.....


--------------------------------------------------------------------------------------

Hello sa inyo guys.,' so alam nyo na kung sino ang totoong flare?? Kung naguguluhan po kayo ,. Pwedi nyo po akong tanungin..,

Do comment and vote guys',. Thanks!!

Sa mga susunod nachapter,. Si flare na po ang gagamitin ko para kay Cassandra at si Emily na dinpo ang sa fake na flare para di kayo malito. :)

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon