SS14

2.7K 93 8
                                    


Traze's Pov

Naglalakad kaming mga spirit holder sa hallway ng Makita naming nagtatakbuhan ang ilan sa mga estudyante dito sa university. Yung iba tumatakbo palapit sa nagkukumpulang mga estudyante yung iba naman ay tumatakbo palampas sa amin.

"Anong nangyayari??" nagtatakang tanong ni ace na nasa kanan ko, pare- pareho lang naman kaming walang alam eh magtatanong patong isang ito.

"tara, tingnan natin." Sambit ni denver at nauna ng tumakbo palapit doon.Tumakbo na din kami at napalaki na lamang ang aming mga mata dahil sa wasak- wasak na pader ng ilang classroom at mas lalong lumaki ang aming mga mata sa nakikita.

Sina Cassandra at Flare ay nasa gitna ng classroom pero hindi yun ang ikinagulat namin kundi ang seryosong mga mukha nila na walang kahit na anong emosyon at parehong lumalabas ang kanilang mga aurang malakas.

Halos hindi na sila makilala kung sino sa dalawa ang isa dahil sa parehong kulay pula na ang kanilang mga buhok pati na din ang kanilang mga mata, pero mas matingkad ang kay Cassandra ikumpara kay flare.

"Fuck,. Bakit naglalaban yang dalawang iyan?" tanong ni spade kay Darryl na nasa gilid at nakatingin sa dalawa. Kumibit balikat lamang si Darryl, napabaling naman ang tingin namin kay kaden na seryosong nakatingin sa dalawa na nakasandal lamang sa isang pader.

"Bakit, di mo inaawat ang asawa mo kaden?" sambit naman ni levi na nasa likuran na bahagi namin. Nakita ko din si megumi na gulat na nakatingin sa dalawa at nakatakip sa kanyang bibig ang dalawa niyang palad. Habang naka cross- arm naman na nakatingin si Nathalia sa gitna. Habang si Sabrina naman ay parang di mapakali sa kanyang kinatatayu-an.

"Kailangan niyang gawin iyan,. Kailangan niya nang mabawi ang kalahati. Isa pa, di naman tayo makaka- awat sa kanila dahil nilagyan ni Cassandra ng barrier ang paligid nila." Walang emosyong sambit ni kaden habang nakatingin pa din kina Cassandra at flare na nagpapakiramdaman sa loob at parang nag- uusap.

"Ahh,.. kaya pala, kaya pala kakaiba siya. Kilala ko na kung sino si flare talaga." Sambit naman ni Darryl na nakahawak sa baba niya na parang may iniisip siya.

"Anong??.. kakaiba??" nagtatakang tanong naman ni blake at pati na din nga kami ay napakunot- noo sa pinagsasabi ni Darryl.

"Ahh,. Akala ko ba kilala nyo talaga si flare?., kung ganun, naloko kayo." Sambit ni Darryl ulit at mas lalong napakunot ang aming mga noo.

"Ang flare na nakasama nyo nitong mga nakaraan ay hindi ang tunay na flare." Sambit ulit ni kaden kaya napatingin kami sa kanya.

"Anong hindi siya..??? Paano??" nagtatakang tanong ko. Tumingin ako sa gitna at parang nag- uusap pa din ang dalawa doon at galit na galit ang mukha ni flare habang si Cassandra naman ay cool na cool lang.

"Fuck,.wag nyong sabihing ang tunay na flare ay si Cassandra?" wala sa sariling sambit ni ace at tumingin kay kaden.

"Tumpak,,.. that explains the little tattoo I saw back in spirit holder's castle in one of the family's portrait, akala ko noon namamalikmata lang ako pero noong tumagal nakita ko ulit ang tattoo na iyun. Pero hindi kay flare kundi kay Cassandra na kumakagat noon ng apple kaya na alala ko yung tattoo. Na confuse ako kaya pinag- aralan ko talaga ang dalawa at kinumpara sila, bi nase ko din ang iba sa mga bagay na naikwento nyo noon sa amin at syempre nagtanong din ako kay miss Amy para sa ibang mga infos." Sambit ni Darryl na napapitik pa ng kanyang mga kamay. Tiningnan ko naman ang palapulsuhan ni flare at Cassandra at nanlalaki ang aking mga mata ng Makita ang curse tattoo ng demon god of hell spirit ni flare na nakatatak sa palapulsuhan ni Cassandra. Nakatupi kasi ang slongsleeve ni flare at yung kay Cassandra naman ay parang napunit.

"Ang curse tattoo ng demon god of hell, bakit di ko yun naisip agad. Isa yung malaking ebidensya na siya ang totoong flare." Sambit ko kaya napalaki ulit ang kanilang mga mata.

"paano nangyaring si Cassandra ang totoong flare at sino naman ang totoong katauhan ni flare na fake?" takang tanong ni marco na nasa gilid ni levi. Napaisip kaming lahat at magsasalita na sana si kaden ng...

"Sabrina,. Wag!!" malakas na sigaw ni Darryl kaya napabaling ang tingin namin kay Sabrina na nag cha- chant ng spell.

"I'm sorry guys,. I need to do this.., Sorry.. July." Naluluhang sambit ni Sabrina at bigla nalang lumiwanag ng napakasilaw.., at ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay ay ang pag- atake nina Cassandra at flare sa isa't isa.

---------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys., sorry if ngayon lang nakapag UD dito',. Hope you like this guys',. Do comment and vote',. Thanks!!

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon