SS21

1.9K 58 0
                                    



Flare's POV


Diretso akong pumasok sa loob ng silid namin ni Kaden at sinira ang pinto. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Dali- dali akong pumasok sa loob ng banyo at binuksan ang shower.

Mas kumalma ang aking pakiramdam ng maramdaman ko ang lamig na dumadaloy sa aking katawan. Nanginginig na hinawakan ko ang aking braso, pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at huminga ng malalim.

Sana matapos na itong kaguluhan. Napadausdos ako sa sahig at napaiyak nalang. Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang pigilan ang aking emosyon. Anger, frustrations, sadness at fear. OO, takot ako, takot akong mawala lahat ng mga mahahalagang tao sa paligid ko. Ang aking ina, mga kaibigan, at si kaden. Takot akong mawala sila sa akin dahil lamang sa isang kaguluhan na ito.

"Flare." Napayuko pa ako ng marinig at maramdaman ko ang pamilyar na boses sa aking likuran. Dalawang malakas na braso ang yumakap sa akin mula sa aking likod. Ramdam ko din ang kanyang hininga na dumadampi sa aking leeg.

"Ka- Kaden" bulong ko at napahawak ako sa kanyang mga braso na humigpit sa pagkakayakap sa akin.

Pinatayo niya ako, hinawakan niya ang aking mukha at inalis ang mga buhok na tumatabing dito. Hinanap niya ang aking mga mata at tiningnan ako na parang nababasa niya lahat ng mga emosyon ko dito.

"Wag kang mag- alala malalampasan din natin ito. Nandito lang ako handang tumulong at magmamahal sa iyo. Di kita pababaya-an pangako yan, flare." Kitang- kita ko ang mga emosyon na nasasalamin sa kanyang mga mata.

Isang patak ng luha ang dumausdos sa aking pisngi at pinahid niya ito ng kanyang daliri. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at kitang- kita ko ang pagmamahal na umu-usbong sa kanyang mga mata.

Nagkadikit ang aming mga noo hanggang sa magkadikit ang aming mga ilong, nagsasalpukan ang aming mga hininga at sa isang kisap- mata nagkadikit na ang aming mga labi.

Napahawak ako sa kanyang batok at basang buhok, Mas lumalim pa ang aming halik....



---------------------------------------------------------------------------------

Emily's POV

Hindi ito maaari, gaano ba kalakas ang babaeng iyun?

Mga walang kwentang mga lobo, mga walang kwentang mga kampon.. Mga walang kwentang mga magulang,. Arghhhh!! Lahat sila walang kwenta.

Paano nila ako ginawang isang mahina? Bwesitt...

"Sabrina!!!" malakas na sigaw ko sa aking pinsan.

"Emily?" takot na sambit neto sa aking pangalan, hmmm.. dapat lang nman na matakot sya sa akin eh.

"Oras na para ikaw naman ang kumilos,. Kunin mo ang libro kay Darryl,. Sa kahit na anong paraan, wala akong paki kung mapatay mo sya basta kunin mo ang libro!"

"Pero..."

"Wag ka nang umangal!! Gagawin mo ang inuutos ko o papatayin ko ang mga magulang mo? Pumili ka!!!" tsk,. Ang weak! Umiyak ang gaga.

Nakita ko nalang syang napatango bago ako tumalikod sa kanya at pumunta sa silid ko. Kailangan ko pang mag beauty rest para sa mahal kong si kaden!!


------------------------------------------------------------------------------------

Hello guys,. Sorry at ngayon lang ulit ako nakapag update dito,.

Masyado lang talagaakong busy sa ngayon,. Haist!! Pero ok lang,. Kaya pah!!

:) :) :)


Paul Wesley as Kaden Devin

Hot,. vampire kaden,. wew!! :D

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon