"Emily!" malakas na sigaw ko at humarap naman sa akin si Emily. Naglakad ako papunta sa kanya at ganun din siya pero syempre may 50 metro ang layo namin sa isa't- isa.
"Tapusin na natin ito." Malakas na sambit ko sa kanya at sumilay na naman ang ngiti niyang pangdemonyo.
"Sige, once and for all.. tatapusin na natin ito at sisiguraduhin ko na ikaw ang mamamatay at magiging akin si kaden." Napakuyom ako ng kamao ko at napatingin kay kaden na naglalaban kay ina. Kitang- kita ko kung gaano siya nahihirapan na pigilan ang kanyang sarili pero kitang- kita ko din ang determinasyon na nasa kanyang mga mata.
Nahagip naman ng aking mga mata sina marco at Levi na naglalaban gamit ang kanilang mga wolf form habang si nathalia naman ay ginagamit ang kanyang shadow ability.
Si Darryl naman ay ginagamit ang kanyang necro power para protektahan si Sabrina na wala pa ding malay na nakahiga sa lupa. Nakita ko din si megumi na ginagamit ang kanyang spirit.
Pati na din sina traze, zak, denver, blake, ace, spade, clover at mariel ay naglalaban din sa mga halimaw gamit ang kanilang mga spirits. Nakikita at nararamdaman ko ang kanilang mga determinasyon at kagustuhan na matapos na itong laban na ito at mailigtas na ang mga pinuno ng iba't- ibang lahi.
Pinikit ko ulit ang aking mga mata at huminga ng malalim at sa pagmulat ng aking mata ay siyang paggising ng dalawa kong spirits na sumanib na at nagkaisa sa aking katawan.
Nakita ko din ang paglakas at paglabas ng kapangyarihan ni Emily gamit ang dark magic ng nilalang na sumanib sa katawan niya.
"Papatayin kita flare!!" malakas na sigaw ni Emily at lumabas ang espada niyang itim at may itim na apoy na pumapalibot dito hinanda ko naman ang aking scythe.
Sabay kaming sumugod ni Emily sa isa't isa at isang malaking pagsabog ang nangyari ng magkasalpukan ang aming mga sandata.
Naggigitgitan kaming dalawa kong sino ang mas malakas sa amin pero malakas kong tinulak ang sandata niya dahilan para mapa atras siya. Mabilis ulit akong sumugod sa kanya pero nasangga niya ang aking scythe ng espada niya. Napaiwas ako sa isang sipa niya.
Mabilis akong umikot at hahampasin na naman sana siya pero naka iwas siya sa akin. Tumalon ako ng mataas at hinampas siya ng scythe ko pero nakaiwas siya bago pa tumama ang scythe ko sa katawan niya. Mabilis siyang sumugod sa akin pero nasangga ko ang espada niya at nasipa ko siya sa gilid niya dahilan para tumalsik siya pero hindi siya bumagsak sa lupa dahil bago pa siya mabagsak ay nakatayo siya.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi at ang paglakas ng kanyang kapangyarihan.
Napalaki ang aking mata ng bigla siyang mawala sa line of view ko at bago pa ako makaiwas ay isang malakas na sipa ang naramdaman ko na tumama sa aking tiyan dahilan para mapatalsik ako at bumagsak sa lupa.
Hindi pa ako nakatayo ng biglang maramdaman ko naman ang isang malakas na sipa sa aking tagiliran at napatalbog- talbog ako paikot sa lupa.
Napadura ako ng dugo at napatukod sa lupa at napa-angat ng aking ulo sa direksyon ni Emily. Nakikita ko siyang nakangiti sa akin ng pang demonyo at naglalakad palapit sa akin.
"Tsk,. Hanggang dito lang pala ang kaya mo? Akala ko pa naman ay malakas ka talaga. Nakaka disappoint." Pang- uuyam na sambit niya sa akin. Napaharap ako sa lupa at napakuyom ko ang aking mga palad na nakatukod sa lupa habang nakadapa ako.
"Katapusan mo na flare." Rinig kong sambit niya at alam kong puputulin na niya ang ulo ko pero bago pa niya ako maputulan ng ulo ay biglang sumiklab ang apoy sa buo kong katawan at napasigaw siya sa sakit at init dahil nahagip siya ng aking mga apoy.
Mabilis akong tumayo at mabilis kong hinawakan ang leeg niya. Hinawakan ko din ng isang kamay ko ang kanyang kamay na may espada at binali ito.
Nagsisigaw siya sa sakit at nagkumakawala sa akin pero hinigpitan ko lang ang pagsakal sa kanya.
Nabitawan niya ang kanyang espada at napakapit siya sa aking dalawang mga kamay.
Mas hinigpitan ko pa ang pagsakal sa kanya at napanganga siya ng malaki at napatingin sa itaas.
Nagsisipa pa ang kanyang mga mata at nagdurugo na ang aking kamay dahil sa kanyang mga kuko na tumutusok dito. Iniinda ko lang ang sakit at patuloy lang ako sa pagsakal sa kanya.
Ilang Segundo pa at lumabas ang isang itim na usok sa kanyang mga bunganga.
Hindi ko binitawan ang kanyang leeg hanggang sa maubos na nawala ang itim na usok sa kanyang katawan.
Ng Makita kong nasa labas na ang itim na usok ay mabilis kong binitawan si Emily at bumagsak siya sa lupa na walang malay. Mabilis kong sinugatan ang palad ko at hinarap ito sa direksyon ng malaking usok na nagiging bilog sa itaas ko.
"Eat it." Sambit ko at naramdaman ko nalang ang pag alis ng aura ng dalawa kong spirit at mabilis na sinunggaban ang itim na usok. Napahawak ako sa aking wrist dahil sa hapdi at sakit.
Nakikita ko kung paano kainin ng dalawa kong spirit ang itim na usok na gusto pa sanang makawala.
Ang pinapanalangin ko nalang ay sana hindi ako mawalan ng control gayung mas lalakas pa ang aking kapangyarihan dahil sa itim na mahikang kinakain ngayon ng aking mga spirits.
Napasalampak ako sa lupa at napapikit ng matapos na ang pagkain ng dalawa at ang pagbalik nila sa aking katawan.
Sleep flare..wag kang mag-alala mag be- behave kaming dalawa. Salamat sa pagbigay sa amin ng masarap na hapunan. Napalaki ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ng isa sa aking spirits.
Napahinga ako ng malalim at napatango sa kanila. Naramdaman ko naman ang pagkawala ng aking lakas at aura at ang pagbabalik neto sa natural.
Mas umiba ang pakiramdam ko at feeling ko naging matiwasay ang pag flow ng kapangyarihan ko. Pero alam kong hindi ito magtatagal at maghahanap na naman ng kakainin ang dalawa kong spirits pero ang tanong kelan naman iyun?
"Flare!!" rinig kong sigaw ni kaden pero masyado na akong mahina para makapag salita pa. At bumigat na ang mga talukap ng aking mga mata. Ang huli ko nalang narinig ay ang boses niyang malapit sa akin at kinain na ako ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,