"Flare!" napalaki ang mata ko ng makitang si flare ang nagligtas sa amin ni july. Namumula na naman ngayon ang kanyang mga mata at buhok at nakalabas ngayon ang kanyang scythe.
Fuck,. Baka masaktan si Sabrina., Shit..
"Flare wag!!" malakas na sigaw ko ng makitang tumakbo ng mabilis si flare kay Sabrina at mukhang gagamitin na niya yung scythe niya. Shit,. Ayokong masaktan si Sabrina. Kaya mabilis kong kinumpay ang aking mga kamay at sinumon ko ang death shadows papunta kay Sabrina at mabilis siyang pinalibutan neto.
Napahinga ako ng malalim ng makitang safe na napapalibutan ng death shadow si Sabrina. Napatingin naman sa akin si flare pero walang emosyon ang kanyang mga mata.
"Darryl,." Napalingon ako kay kaden at nakita ko si july na bitbit niya, nilapag niya si july at tumingin siya kay flare tsaka kay Sabrina na umiiyak at bigla siyang napatingin sa akin.
"Kunin mo na ang death shadow mo Darryl,. Magtiwala ka kay flare di niya sasaktan si Sabrina kailangan niya lang talagang gawin yun para makawala na si Sabrina kay Emily." Napatingin ako sa mga mata ni Darryl, kitang- kita ko dito ang katotohanan at tumingin ako kay flare na nakatingin pa din kay Sabrina at unti- unti kong tiningnan si Sabrina na patuloy pa din sa pag- iiyak.
Huminga ako ng malalim at unti- unti kong pinabalik ang death shadow ko pero hindi pa nga ito natatapos ng biglang atakehin kami ng ilang mga ugat ng puno. Mabilis akong kinuha ni kaden at umiwas sa mga ugat ng puno.
Nanlalaki ang aking mga mata ng makitang iba na ang kulay ng mata ni Sabrina at kinakalaban na niya si flare.
"Anong nangyayari kay Sabrina?" tanong ko kay kaden habang umiiwas pa din siya na dala- dala ako at ginagamit niya ang kanyang ability.
"Sa tingin ko hindi na si Sabrina yan.." napalunok ako at napatingin kay Sabrina na patuloy pa din sa pagtulo ng mga luha niya pero iba na talaga ang kulay ng mga mata niya. Shit,. Kasalanan ko to eh,.kasalanan ko to kung bakit naging ganito si Sabrina.
Sana kasi pinabaya-an ko nalang si flare bakit kasi ako biglang nagreact ng makitang baka saktan ni flare si Sabrina? Ang tanga ko talaga,. Alam ko namang hindi nananakit si flare ng mga inosente at kaibigan niya. Ang tanga ko,. Tanga talaga..
"I'm so sorry Sabrina.. Sorry" tumulo nalang ang luha ko ng makitang naglalaban sina Sabrina at flare at kitang- kita ko ang pagpipigil ni flare ng kanyang kapangyarihan.
"Argh!!" sabay na sambit namin ni kaden ng biglang may kung anong matigas na bagay ang humapas sa amin.
Shit,. Napatalsik kami sa puno at natumba ang puno. Fuck,. Ang sakit ng likod ko,. Mabilis namang tumayo si kaden at ginamit na naman ang ability niya kaya biglang nagkadurog- durog ang mga ugat at halaman na gumagalaw sa paligid namin.
Mabilis niya naman akong binuhat at sinampay sa balikat niya,.Shit,. sa tingin ko madami ng nagkabali- bali sa buto ko.
"kailangan na kitang mabalik sa mansyon." Sabi neto sa akin pero wala na ata akong enerhiya para makapag salita pa,. Shit,. Naman kasi eh, bakit ko kasi ginamit ang death shadow,. Alam ko naman na wala sa kondisyon ang katawan ko sa paggamit nun eh.
"Please..save.. Sabrina.." yun nalang ang nasambit ko bago pa ako lamunin ng kadiliman.
-----------------------------------------------------------
HI guys.., merry xmas to all of you',.
Sorry sa matagal na paghihintay ng update dito',.
Hope you enjoy this chap.., Do comment, vote and share this story.. Thank you!! :)
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,