Zak's poV
"paano nangyari yun, flare? Bakit magkamukha kayo? Ikaw ba talaga si flare?" nalilitong tanong ni denver ng makalabas na ang ibang mga kaklase namin sa aming classroom kaming mga S class lang ang natira dito para tanungin si flare.
"Di ko alam." Yun lang ang sagot neto sa amin at tila seryoso ito at malalim ang iniisip.
"Wag nyo namang ganyanin si flare. Malay nyo magkamukha lang talaga silang dalawa at tsaka denver naman kababalik lang dito ni flare at sasabihin mong fake siya? At sino naman ang totoo? Iyung cassandrang iyun? Nababaliw kna ba? Bampira yun at ramdam na ramdam natin ang pagiging bampira niya." Naiiritang sambit ni megumi sa amin.
"Pero, paanong naging ganun?" tanong naman ni ace na nakahalumbaba sa upu-an niya.
"Kung ikaw nga ang tunay, bat hindi mo pa din pinapakita ang spirit mo?" seryosong sambit ni denver na siyang naging sanhi para mabaling ang tingin namin kay flare na tahimik pa ding naka upo sa upu-an niya.
"Denver!!" malakas na sigaw ni megumi kay denver pero nakatingin lang si denver kay flare.
"Flare." Sambit naman ni spade kay flare.
"pati ba naman ikaw spade?" di makapaniwalang sambit ni megumi kay spade.
"Alam mo megumi, wag ka nang umangal gusto lang namin Makita ang katotohanan. Di naman yan rason para iwan namin si flare. Gusto lang namin maka siguro na walang traydor sa grupo." Sambit ulit ni spade na nakapag tahimik kay megumi.
"At isa pa, kung ikaw nga ang totoong flare di ka naman mag aatubiling ipakita samin ang spirit mo diba. Bestfriend?" sambit naman ni mariel na kalmang naka tayo lang sa gilid at naka cross arms.
"Fine." Sambit ni flare at tumayo siya sa upu-an niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at ilang Segundo pa siyang nakapikit at unti- unti nang naging kulay pula ang kanyang mga buhok na sing tingkad ng mga mapupulang rosas pero mas matingkad pa din ang pagkapula ng buhok ng cassandrang iyun.
At unti- unti ding lumabas ang kanyang scythe sa kamay niya.
"oh,. So.. nakita niyo na diba?" iritang sambit ni megumi sa amin ng minulat na ni flare ang kanyang mga mata. Matang kulay pula na katulad ng kanyang mga buhok.
"Pasensya na kung nagdududa na kayo sa akin. Alam ko naman na nagiging masyadong maingat na kayo ngayon dahil baka isa ako sa mga traydor lamang." Sambit ni flare at biglang bumalik na siya sa dating kulay itim na mga buhok.
"So, talagang magkamukha lang kayong dalawa." Sambit naman ni mariel at tumango naman si flare at tumalikod na din si mariel at lumabas sa classroom pero bago yun. "nagugutom na ako." Yun lang ang sambit niya at tuluyan na siyang naglakad, nagsi tayu-an na din kami at naglakad na din palabas.
So I guess,. Okay na kami dahil hindi peke ang flare na kasama namin ngayon. Pero, talaga bang magkamukha lang silang dalawa?
--------------------------------------------------------
King Marcus' s POV
"Anona naman tong nababalitaan ko na may asawa kana? Nababaliw kana bang bata ka hah? At sino namang babae iyang pinakasalan mo?" nang- gagalaiting tanong ko sa magaling kong anak na naka upo lamang sa upu-an na nasa harapan ko.
"I found my mate and she's Cassandra." Malamig na sambit neto sa akin na lalong nagpa init ng aking ulo.
"Sinong Cassandra iyan? Wag mong sabihing ibang lahi ang babaeng iyan? Hiwalayan mo yang babaeng iyan kung ayaw mong Makita siyang wala nang buhay at isa pa may nakatakda nang ipakasal sa iyo." Mariing sambit ko dito at napatingin siya sa akin ng seryoso at malamig na mga tingin.
"Di ko gagawin yan. At walang makakapag pipigil sa akin." Galit na sambit neto at tumayo na dire- diretsong lumabas sa pintu-an ng aming grand library. Pasaway na bata talaga.
Dapat matuloy ang napagkasundu-an ng mga lahi at baka mabuwag ang council na ito at magkaroon ng isang malakihang gyera.
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,