SS16

2.6K 91 2
                                    


Darryl's POV

"Arghhh.." daing ko at napahawak ako sa gilid ng ulo ko dahil medyo nahihilo pa din ako. Ang sakit sa ulo ng blinding light spell ni Sabrina, peste lang talaga at hindi ko sya napigilan.

"Gising kana pala." Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni kaden, napatango naman ako sa kanya at napasunod nalang ako ng tingin ng maglakad sya palabas sa pintu-an.

"Teka... san ka pupunta??" nagtatakang tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot, napalibot ko nalang ang tingin ko sa kabuu-an ng silid at napatayo agad ako sa hinihiga-an ko. Kung di ako nagkakamali wala kami sa infirmary ng academy at mas lalong wala kami sa loob ng academy.

Dali- dali ko syang sinundan palabas at pumasok kami sa isang silid. Pagkabukas ni kaden ng pinto ay nakita kong nakaupo sina ace, traze, zak, blake, denver, spade, clover, mariel, megumi, levi, marco, at nathalia sa harap ng pabilog na malaking mesa at nakaupo naman si flare sa pinakadulo neto kung saan kaharap niya ang isang upu-an na sa tingin ko ay kay kaden dahil pumunta sya sa direksyon na iyun. Napatingin naman ako sa isang upu-an na nasa pagitan nina marco at nathalia.

"Umupo kana Darryl." Sambit ni flare sa akin kaya napatingin ako sa kanya at pagkatapos sa lahat at dahang- dahang napaupo sa upu-an. Shitt,. Ramdam na ramdam ko ang tension sa buong silid na ito.

"Ano nang plano natin bestfriend?" kalmang tanong ni mariel kay flare na mukha namang malalim ang iniisip. Bestfriend? At kalian pa nagkausap ang dalawang ito?

"nagpalabas na ng utos ang bagong council at yun ay hulihin ka Cassandra o flare dahil sa pagpapakasal nyo ni kaden na hindi naman pabor sa kanilang napag kasundu-an." Sambit naman ni marco na nakatingin kay Cassandra ay kay flare na pala, pero di parin sumasagot si flare sa kanila.

"Alam naman nating lahat na plano lang naman iyun ni Emily diba? Sinabi na ni flare ang lahat tsaka sinabi ko na din sa inyo na minsan nahuhuli ko syang kinakausap si icea." Biglang sambit naman ni megumi, na nakapag pa kunot- noo sa akin at sa ilang mga spirit holders.

"Megumi, matagal mo nang alam na si flare at Cassandra ay iisa at hindi ang totoong flare ang kasama natin noon??" takang tanong naman ni denver at napatingin si megumi kay flare kaya napatingin din kaming lahat sa kanya.

"OO,. Matagal nang alam ni megumi na hindi ako ang kasama ninyo noon. Sasabihin na niya sana ang lahat kina ina at sa inyo pero sinabihan ko sya na wag dahil nasa paligid lamang si icea at sinabihan ko din siyang makisakay sa nagaganap at magmasid. Sa ngayon alam na namin kung saan ang kaluluwa ni icea." Seryosong sambit ni flare sa lahat at napatingin siya sa amin isa- isa. Bumuntong hininga siya..

"Levi, marco, nathalia, Darryl at sa inyong mga spirit holders pati na sa iyo bestfriend at megumi.. Labas na kayo dito sa problema namin ni kaden, kung ayaw nyo ng gulo at gusto nyo ng tahimik na buhay, pwedi na kayong umalis. Di namin kayo pipilitin na tulungan kami sa aming laban. Labas na kayo dito at ayaw kong Makita kayong nasasaktan." Biglang sambit ni flare sa amin ng nakatingin siya ng diretso bigla namang tumayo si mariel kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Kilala ko na ang totoong flare, kahit diretso lang siyang nakatingin ay alam kong nalulungkot sya at nasasaktan. Di niya lang ugaling ipakita ito sa iba.

"Fuck it.. tutulungan kita, di ako aalis dito.. bestfriend kita.. At ang mag bestfriend ay dapat nagtutulungan. Wala akong pakialam kung personal man ang labanang ito pero sinakripisyo mo na dati ang buhay mo para sa amin kaya babawi kami sa iyo. Tutulungan kita hanggang sa makakaya ko."determinadong sagot ni mariel kay flare.

"Di din ako aalis., ako ang guardian mo flare. At pinsan din kita kaya di ko hahaya-an na magsakripisyo kana naman at akuin ang lahat." Sambit naman ni megumi.

"Prinsesa ka ng mga spirit holder flare,.. ano pa bang silbi ng pagiging s class namin kung ang prinsesa namin ay di namin ma protektahan. Kaya di kami aalis, tutulong din kami." Sambit naman ni ace na sinang ayunan ng lahat ng mga spirit holders. Napatingin naman kami kina levi at marco.

"Well,. Sabi mo nga labas na kami dito. Pero di naman namin ugaling iwan sa ere ang mga naging kaibigan na namin at isa pa di namin hahaya-an na mananalo si Emily, ginamit niya ang mga magulang natin sa kanyang pansariling gusto at ang buong council kaya di namin yan hahayaan na mapasawalang bahala lamang. Kaya.. tutulong din kami." Seryosong sambit ni levi at tumango naman si marco kaya napatingin sila kay nathalia na bored na nakahalumbaba sa mesa.

"Walang thrill at excitement sa buhay ko kung hindi ako sasama sa inyo." Yun lang ang sinabi niya kaya napatingin silang lahat sa akin. Huminga naman ako ng malalim tsaka tumingin sa kanila.

"kailangan ko lang mabawi si Sabrina sa kanila,. Tsaka feeling ko kasi Masaya ang maki party sa inyo., so sasama din ako." Nakangiting sambit ko kaya napangiti silang lahat.

"very well,. Humanda nalang kayo dahil sa mga susunod na araw siguradong makikita na tayo ng mga knights." Sambit ni kaden kaya napatango kami sa kanya.

Ito na ang simula ng malaking gyera.., ang gyerang kinatatakutan nilang mangyari at ang gyerang naitakda na....

---------------------------------------------------------------------------

How's this chappy guys?? Do comment and vote.. Thanks',.

The war has come!!!!.., action na itooooooo...!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon