SS3

3.2K 119 4
                                    


Third person's POV


 Sa paglipas ng ikalawang kabilugan ng buwan ay naging isa ang lahat ng mundong nagka ugnay. Nagkaroon na din ng truce sa pagitan ng mga bampira at taong lobo. Naibalik nina haring marcus at haring leon ang kanilang pagkakaibigan na nawasak maraming dekadang taon na ang naka lipas.


Naipatayo na din ang isang paaralan na kung saan ang kanilang mga lahi ay malayang nagkakasalamuha at nagsasanay para paghandaan ang pagdarating ng nilalang na tinutukoy sa propesiya.


Kailangan nilang maghanda sa kadahilanang maprotektahan nila ang kanilang lahi at ang kanilang mga mahal na hari.


Naging kampi na din nila ang mga witch at warlocks, gayun din ang mga elves at necromancers. Naging mas malaki pa ang paaralan dahil ang reyna ng S world ay nakipag ugnay na din sa kanila para na din maiwasan ang gyerang maganap sa kanilang mundo. Hati naman ang  mga lupain at teritoryo ng bawat lahi para maiwasan ang anumang problema.


Nagkaroon na din ng isang malakihang council na kung saan ang bawat hari at reyna ng iba't- ibang nilalang ang miyembro neto.


Sa ngayon, pinaghahandaan nila ang mga halimaw na nagsipag labasan din sa kani- kanilang mundo. Mga halimaw na handang sumalakay sa kanila oras na sila'y masilayan. Mga halimaw na walang sinasanto para lamang makakain at mabuhay sa pinagtagpong mundo.



----------------------------------------------------------

Levi's POV


Nilibot ko ang aking paningin sa kabuu-an ng silid namin nagyon. Di ko akalain na darating ang araw na magiging isa ang bawat lahi namin, ni sa hinagap ko ay di ko maisip na maraming mga nilalang pa pala ang nabubuhay sa iba't- ibang dimensyon ng mundo.



Napa tingin ako sa isang lalaking naka tanaw lamang sa labas ng bintana na tila walang pakialam sa paligid niya. Maputlang mga balat at masyadong tahimik ang prinsipe ng mga bampira, gusto ko sanang makipag kaibigan sa kanya pero parang ayaw netong mapalapit sa lahat ng mga nilalang na nandito.


Ganun ba talaga ang kanilang prinsipe??


"Kyaahhh.., July, ibigay mo na ang wand ko!" napa dako naman ang tingin ko sa isang babaeng may mahabang itim na buhok na tumatalon- talon para abutin ang kanyang wand. Isang witch ang babaeng ito at sa pagkaka alam ko isa namang necromancer ang tintawag niyang july.


"Tahimik!! nakakairita ang boses mo mangkukulam." napatahimik naman ang babaeng itch at napayuko dahil sa galit na boses na nanggaling sa isang maputlang babaeng may blonde hair, ito ata ang anak ng isang douchess ng mga bampira, spoiled brat at mainitin ang ulo ng isang ito.



hmm.., lahat ba nang mga bampira ganyan ang ugali??


"Anong iniisip mo mahal na prinsipe levi?" napa lingon naman ako kay marco.


"Wala naman, marco.. di ko lang akalain na dadating ang araw na ito kung saan nagkakasalamuha tayong lahat." napa tango lamang siya at nagbasa na ulit ng libro niya. Siya si marco ang aking nag-iisang kababata at matalik na kaibigan.


Titingin na sana ako sa unahan ng mahagip ng mga mata ko ang isang grupo, sa pagkaka- alam ko sila ang dating S class student sa kanilang paaralan. Ang mga spirit holders na may matataas na level ng kapangyarihan sa lahat ng mga studyante sa loob ng kanilang paaralan. Kung baga sila ang mga naka abot na sa level S ng kanilang mga spirit powers.


Napailing ko nalang ang aking ulo,. pinagsama talaga kaming mga makapangyarihan sa iisang section na ito.


Ang paaralang ito ay nahahati sa iba't- ibang level ng pinag samang mga lahi na naaayun sa aming edad o sa panlabas na anyo ng aming katawan para sa mga bampira at sa mga nilalang na immortal.


At sa section na ito ay pinag sama ang lahat ng may matataas na level ng kapangyarihan at lakas. At nga pala meron ditong dorm sa loob ng paaralan. Nilagyan kasi ng barrier ng mga witch at warlocks ang pligid ng paaralan para maging safe ang mga estudyante dito at para na din maitago ito sa mga mortal na tao.


kahit naman kasi nagka- isa na ang mga mundo namin di parin namin pweding haya-an na makisalamuha nalng basta- basta sa mga mortal na tao.


----------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan na po.., may mga bagong characters po diyan tsaka meron din pong mga characters na mawawala',. hehehehe..,


Do comment and vote guys',. thankies,.

sorry sa typos.., if my mali po., :)




Silver Skull (book 2) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon