Cassandra's POV
"Saan tayo pupunta?" naka ilang tanong na ako kay devin pero heto at hindi ako pinapansin.
"Devin!!" malakas na sigaw ko sa bandang tainga niya kaya napa preno agad siya ng kotse niya at tumingin sa akin.
"Sa palasyo tayo pupunta,. Kailangan mong maging isang bampira para hindi ka mapag hinalaan." Simpleng sambit neto at nagpatuloy ulit sa pag da- drive.
"what?? Anong kailangan kong maging bampirang pinagsasabi mo diyan? Ayaw ko nga,. Ibalik mo ako. Ibalik mo ako doon!!" pag re- reklamo ko pero napa smirk lamang siya sa akin.
"di pwedi., akin kana kaya uuwi tayo sa palasyo." Nakangiting sambit neto pero sinapok ko lang siya pero imbis na magalit ay ngumiti pa ito.
"bwesit!!" singhal ko at humalukipkip nalang sa upu-an at tumanaw sa labas ng bintana.
"gising.., Cassandra, gising.." napamulat ako ng mga mata ko ng maramdaman ko ang mahihinang pagtapik sa aking pisngi.
Isang napaka gwapong nilalang na may mala anghel na mukha ang bumungad sa harap ko, mapuputlang mga balat na sing puti ng nyebe, malalantik na mga pilik- mata, mga golden brown na mga kulay ng mata na merong Masaya at amuse na ekspresyon, mga labing mapupula na kay sarap hagkan at mga ngiping lumabas na puting- puti na merong tumubong mga pangil.., wait what? Pangil?
Napabalikwas ako ng bangon sa upu-an ko at napahawak sa ulo kong nauntog sa bubong ng kotse.,
"hahahahaha.., shit,. Hahahaha., that's.., hahaha.., that's so epic.. hahahahaha" napatitig ako ng matatalim sa walang hiyang vampire prince na tumatawa ng wagas at nakahawak sa kanyang tiyan.
"Kailangan talaga palabasin ang mga pangil mo?" pa ismid na sambit ko dito habang tumatawa pa din ito sa akin.
Yung galit at pagkapahiya ko sa sarili ay biglang nawala ng Makita ko siyang halos di na makahinga sa pagtawa. Ang gwapo niya talaga, shit.. ngayon lang ata ako natalaban ng ganitong sakit., shit.., ayaw kong ma inlove!!.
"Halika na, baka ano pang gawin mo mamaya sa akin dito sa labas eh." Sambit neto ng matapos na siya sa pagtawa at hinigit na naman ako papasok sa palasyo nila, yup.. palasyo po..
"Don't worry,. tayo lang ang tao dito ngayon sa buong palasyo dahil nandoon sila sa gubat ngayon sinasagawa ang blood ritwal sa ganitong kabilugan ng buwan." Pahayag neto sa akin habang naglalakad na kami paakyat sa mataas na hagdanan nila.
"oh bakit nandito ka?" napalingon lang ito sa akin at ngumiti.
"nakita ko na kasi ang hinahanap ko at nandito na ang buhay ko." Masayang pahayag neto sa akin na nakapag pakunot ng noo ko. Anong drama na naman ng nilalang na ito? Alam ko naman na hindi niya mababasa ang nasa isip ko dahil nakasara by default ang isip ko at ganun din siya kaya nga nahihirapan ako sa pagbabasa ng isip niya. Yeah, I have an ability to read everyone's mind pwera lang sa mga naka close by default ang brain.
Pumasok kami sa isang magarang kwarto, I think sa kanya ito dahil amoy na amoy ko ang panglalaking pabango neto. Napatingin ako sa malaking kamang nasa gitna ng silid.
Parang ang lambot- lambot netong higaan.
"I thought, vampire's don't sleep?" nalilitong tanong ko dito sa kanya na ngayon ay may kinukuha sa kanyang cabinet.
"You just thought., vampires need to sleep also in order to gain their lose strength." Napa tango nalang ako sa kanya at lumapit sa kama niya at umupo. Ang lambot talaga, hinahaplos- haplos ko pa ito.
"Here, wear this." Pinakita niya sa akin ang isang kwentas na merong blue rose na maliit na pendat.
"Ang ganda naman." Mahinang sambit ko na nakapag pangiti sa kanya.
"This necklace is my mom's, it can give you the essence of a vampire. Kung suot mo itong necklace na ito ay makukubli ang tunay mong katauhan at pansamantala kang magiging isang bampira it can allow you also to borrow some vampire abilities. My mom's a great witch, that makes me a powerful vampire warlock." Simpleng sabi neto at pinatalikod ako sa kanya at sinuot niya sa leeg ko ang kwentas ng ina niya.
"So, where's your mom?" tanong ko dito at naramdaman ko na naman ang kakaibang aura niya na naramdaman ko noong una ko siyang Makita.
"She's dead,. My father let the council kill my mom without mercy." Walang buhay na sambit neto sa akin,.
"I'm sorry.., I didn't know." Mahinang sambit ko at napayuko nalang ako.
"No,. Don't be." Sabi neto at hinawakan niya ang aking panga at inangat ito para magka face to face kami.
Kitang- kita ko ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata. Kaya pala ganito siya, dahil ayaw niyang ipakita ang kanyang weakness.
"Let it out!" mahinang sambit ko sa kanya at parang switch ay bigla niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit at doon tuloy- tuloy kong naramdaman ang kanyang mga luhang tumutulo sa aking balikat.
Sumisikip ang dibdib ko, knowing that he is crying his heart out. Ramdam na ramdam ko ang kanyang emosyong bumabaha ngayon. He is keeping it for a long time. And it sucks knowing that ngayon niya lang ito napapalabas.
"I'll be here.., I just be here.." mahinang sambit ko sa kanya habang hinahagod ko parin ang kanyang likod at umiiyak pa din siya.
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,