Megumi's POV
Asan kana bah flare?? bakit mo ako iniwan?? Nangako kang babalik ka., nangako ka..
Diba magsasama pa kayo ng ina moh? MAgiging reyna kapa ng kaharian natin eh, asan kana flare? Asan kana mahal kong pinsan?
Nakakainis,. kung saan nagkaroon ako ng lakas para sabihin sayo na magpinsan tayo doon ka naman nawala. Di pa nga ako nakakabawi sa iyo pero nawala ka naman..,
Flare naman gusto ko lang naman na makasama ka ulit tulad noong bata pa tayo pero sigurado akong nakalimutan mo nah ako dahil parti iyun ng pagiging guardian ko sa iyo.
Isang malaking responsibilidad ang pagiging guardian ng susunod na reyna. Kung di lang sana ginawa ni tita icea ang ritwal na iyun sigurado akong maaalala mo pa ako.
Napatingin nalang ako sa kalangitan, aminado naman ako sa ginawa kong pagbubukas ng mga lagusan eh. Ako ang may kasalanan kung bakit naging isa ang iba't- ibang mundo dito. Dahil sa padalos- dalos na action ko..
Bumangon na ako sa pagkakahiga sa damuhan at pinunasan ko ang aking mga luha. Tinanaw ko ang sagradong bundok, ang bundok kung saan naka himlay ang iyung katawan..
Mabilis akong pumunta sa bundok na iyun gamit ang dark spirit ko, kaya ko din kasing magpalabas ng mga pakpak pero ang aking mga pakpak ay parang usok lamang.
Pumasok ako sa loob ng kweba at tila parang gumuho ang aking mundo ng makitang walang flare na naka himlay sa loob, wala kahit ni isang dulo ng kanyang buhok..
Nagpapanic na ako dito sa loob ng kweba, di ko alam kung ano ang uunahin ko. Flare?? flare asan kana?? Naku naman., baka nahigop ng lagusan ang katawan niya?? naku paano na to?? Kasalanan ko talaga ito., letse!!..
Mabilis akong bumalik sa palasyo para hanapin ang mahal na reyna. Kailangan niya tong malaman..,
-------------------------------------------------------------------------------------
Miss Amy's POV
"Ano??" malakas na sigaw ng mahal na reyna ng malaman namin ang tungkol sa nawawalang katawan ni flare sa sagradong bundok.
"pero impossibleng mahigop doon ang katawan ni flare, alam naman kasi nating lahat na ang sagradong bundok ay may natural na barrier sa kahit na anumang lagusan na iyan. Walang kahit na isang lagusan ang mabubuksan doon." seryosong saad ni HM.
"Kung ganun?? Dalawa lang ang kakalabasan neto. It's either na kinuha o .. nabuhay si flare." saad ko at napatahimik kaming lahat.,
"Kung ganun,.. anong kailangan nila sa katawan ni flare kung kukunin nila ito? At kung buhay naman si flare sigurado akong uuwi siya dito sa palasyo." malungkot na saad ng reyna icen.
"Headmaster,. gusto kong ayusin mo ang problema natin sa nawawalang anak ko, kung may kumuha man sa kanya sigurado akong di maganda ang hangarin niya. Kailangan natin ang tulong ng bagong council. Magbigay ng isang mission.. mission kung saan hanapin ang nawawalang katawan ng anak ko." seryosong saad ng reyna at tumalikod na ito sa amin. Nagkatiginan naman kami ni HM dahil sa sinabi ng reyna..,
![](https://img.wattpad.com/cover/56997917-288-k971844.jpg)
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,