(2 months later..)
third person POV
Sa paglipas ng mga buwan maraming mga nilalang ang unti- unting sumasalakay at inaasam na pamunu-an ang S world. Dahil dito, nagkaroon ng isang malaking pagpupulong kung saan ang bawat teritoryo ng bawat mga nilalang ay pamumunu-an ng kani- kanilang mga pinuno at kung sinuman ang lalagpas dito ay mapapatawan ng isang kaparusahan o kung hindi man ay magiging mitsa ng isang malaking digmaan.
Kahit labag sa loob ng reyna ng S world ay wala siyang magagawa upang paalisin o patayin ang mga nilalang na iyun. Hindi niya pweding isakripisyo basta- basta ang mga buhay ng kanyang mga nasasakupan dahil lamang sa isang labanang hindi sigurado ang kalalabasan.
Sa ngayon, kailangan niya lamang ihanda ang lahat sa isang malawakan at malaking digmaang magaganap sa hinaharap, dahil batid naman ng lahat na may mga tinatagong mga kasamaan na lihim ang bawat mga nilalang na iyun.
--------------------------------------------------------------
Kailangan ko silang matakasan kung gusto ko pang mabuhay dito. Kainis bakit pa kasi ako nakita ng kawal na iyun.. Sambit ng isang nilalang habang tumatakbo siya ng mabilis sa isang kagubatan palayo sa isang palasyo.
"Hanapin niyo ang prinsipeng iyun, lagot tayo sa mahal na hari kapag nakatakas siya!" sigaw ng isang kawal habang tumatakbo sila ng mabilis sa loob ng kagubatan. Parang mga hangin lamang silang nagdaraan sa mga puno dahil sa kanilang mga bilis.
"Wag kayong titigil sa pagtakbo. Kailangan nating makuha ang mahal na prinsipe bago pa siya makatawid sa teritoryo ng mga aso!" malakas na sigaw ng pinuno ng mga kawal.
Mula naman sa kabilang ibayo ng kagubatan ay nagliliwaliw ang isang grupo ng mga kalalakihan.
Napahinto silang lahat ng maamoy nila na hindi nila mga kalahi ang mga ito.
"bloodsuckers!" galit na turan naman ng isang lalaki. Bigla naman silang nagbagong anyo at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ng kanilang mga bwisita.
"Mga mababahong aso!" nandidiring sambit naman ng pinuno ng mga bampira ng malanghap sa kahanginan ang amoy ng mga taong lobo na malapit na sa kanilang pwesto. Nagsipaghanda naman ang lahat sa pagdarating ng kanilang mga mortal na kaaway. Nawala na nga sa kanilang mga isipan ang pagsunod sa kanilang mahal na prinsipe.
Sa di inaasahan, isang lobong itim ang bigla nalang sumakmal sa leeg ng isang kawal ng bampira. Mabilis na naging abo ang bampira iyun at naglaho. At sa isang kisap mata ay naglalaban na ang mga lobo at mga bampira.
Isang malakas na alulong ang pinakawalan ng isang lobo ng makagat ito ng isang bampira sa leeg at binali ang isang nitong paa. Galit na galit na pinagpatuloy nila ang kanilang pag- aaway.
Sa di naman kalayu-an ay nagising ang isang dalaga na mahimbing na natutulog sa ginawa niya tree house sa isang malaking puno na nakita niya sa loob ng kagubatan.
Naiinis siya sa mga lapastangan na naging dahilan ng kanyang pagkagising, kaya mabilis siyang bumaba sa bahay niya na dala- dala na ang kanyang scythe. Kumukunot ng sobra- sobra ang kanyang mga noo dahil sa di niya maisip kung sinong hangal ang gumambala sa kanya.
makakatulog na sana siya ng mahimbing kung hindi niya lang narinig ang mga alulong at sigawan ng kung sinuman.
Napahinto naman ang lahat sa paglalaban ng may maramdaman silang isang hindi familiar na aura at isang napaka bangong amoy na nakakapag laway sa kanilang lahat. Nakatutok ang lahat ng mapupula at dilaw na mga mata sa dalagang ngayon ay naglalakad parin papunta sa kanilang direksyon ng may isang seryosong mukha.
"Sino ka naman? at anong ginagawa ng isang dayo dito?" tanong ng pinuno ng kawal ng mga bampira pero di manlang nagsalita ang dalagita patuloy lamang siya sa paglalakad.
Nagagalit naman ang pinunong iyun at mabilis na binali ang leeg ng isang lobong hawak niya at mabilis na tumakbo sa dalagita. Pero di pa siya nakakalapit dito ay naging abo na ito na naging sanhi na maguluhan ng lahat ng nakakita.
Di pa nga sila nakaka get- over sa pinuno ng kawal ay sunod- sunod naman na naging abo at usok ang sinuman na nahagip at napatay ng scythe ng dalaga. Taong- lobo at bampira laban sa isang dalaga na walang kahirap- hirap na pinapatay ang mga ito. Ang nasa isip lamang ng dalaga ay patayin ang lahat na nangahas na sirain ang kanyang pagtulog.
"Sa wakas makakatulog na din." Sambit ng dalaga ng maubos na niya ang lahat ng mga pangahas. Parang naligo na siya sa dugo sa kanyang itsura ngayon.
Mga hangal na lobo at bampira dito pa talaga nag- away.
Sa dalawang buwan niyang paninirahan sa loob ng kagubatan na ito ay nalaman niya din kung saang mga nilalang siya napunta. Sa unang araw niya dito ay para siyang tangang naghahanap ng mga katulad niya pero iba naman ang nahanap niya.
Mabuti nalang at nakukubli niya ang kanyang amoy at aura dahil sa spirit niya pero di niya ito makukubli kapag lalaban na siya. WAlan namang naging aberya sa kahit na isang lahi sa dalawang klaseng nilalang ang kanyang pamumuhay sa gubat. At hanggang sa ngayon ay pilit niya paring hinahanap ang lagusan pabalik sa kanilang mundo. Ang mundo kung saan siya nararapat at nababagay.
Dapat niyang magmadali dahil kung hindi ay tuluyang magiging isa ang lahat ng mga mundong nabuksan at naugnay sa kanilang mundo.. Dalawang gabi, dalawang gabi pa ang palugit niya bago mag full moon at maging permanente na ang lahat..
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello sa inyong lahat.., sensya na at ngayon lang nakapag UD dito',.
HOPE you like this chappy guys., do comment and vote!!
Thankies!!!.. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/56997917-288-k971844.jpg)
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
Fantasy.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,