Flare's POV
"Mag- ingat ka, alam mo namang matatalino ang mga nilalang na nasa paligid mo. Wag ka masyadong magpahalata." Rinig kong sambit ng nilalang na nakatago lamang sa dilim.
Kailangan ko pa talagang mag- ingat masyado, alam ko naman na naguguluhan na sila sa akin. Kailangan ko pa ba talagang pag butihan ang ginagawa ko, bwesit kung sana Malaya lang ako na maipapakita ang pag- uugali ko ay matagal ko na itong ipinakita.
"Flare" napalingon ako sa likod ko ng biglang tawagin ako ni megumi.
"Flare, pinsan.. alam kong di mo na ako naaalala as pinsan mo. Bahagi kasi ito ng pagiging guardian ko sa iyo. Anak ako ng kapatid ng ama mo, pareho na ding patay ang mga magulang ko dahil sila din ang guardian ng mga magulang mo. Sorry, pinsan kasi binuksan ko ang mga lagusan. Sorry.. gusto lang naman kitang makasama eh." Niyakap ko nalang si megumi at hinaplos- haplos ang kanyang likuran.
Ganito pala ang nangyari sa mga magulang niya. Akala ko ay nag- iisang anak lamang si haring light. Well, I guess this is just a family sacred tradition.
"Stop crying megumi,.megumi.. bawal na ba akong ngumiti?" tanong ko dito habang pinupunasan na niya ang kanyang mga luha bigla naman siyang napahalakhak sa sinabi ko.
"hahahha.., di naman sa bawal kang maging Masaya flare. It's just that naninibago sila sa iyo at pati na din nga ako. Pero siguro,. Ngumingiti kana kasi kasama mo na ngayon ang iyong ina." Napatango nalang ako at napangiti dahil sa sinabi niya.
"So okay lang na magbago talaga ako?" tanong ko pa dito at napatango naman siya sa akin at tinapik niya lang ang balikat ko at pumasok na siya sa loob dahil nandito pa kaming dalawa sa hardin ng palasyo.
I guess they will see everyday the new flare...
![](https://img.wattpad.com/cover/56997917-288-k971844.jpg)
BINABASA MO ANG
Silver Skull (book 2) (Complete)
خيال (فانتازيا).. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,