We ended up in a café and resto here in Tagaytay. This was Rouge's idea dahil hindi naman ako masyadong maalam sa mga dining places dito. I wonder how he was able to discover this place knowing he didn't spend most of his years in the country.
It has a rustic vibe. Unique para sa'kin dahil iba siya sa mga modernong kainan sa siyudad. Masaya rin akong sa balkonahe pinili ni Rouge kami pumwesto.
The sun is setting and the view from up here is just so marvelous ad uplifting. Fini-filter ng tanawin ngayon ang polusyong dumidikit sa'kin galing Maynila. The buildings and the establishments exhaust me, nakakasawa na rin. Mas maganda talagang may ganito kang nakikitang tanawin para ma-relax. A wide stretch of blues and greens.
Pinanatili ko ang pagkakalugay sa buhok ko kaya nalilipad ng hangin. Sa sobrang relaxing ng ambience ay inaantok ako, but I'm hungry as well.
"You like it here?"
Kumurap ako't nilakihan ang aking mata upang labanan ang antok. Rouge's amusingly staring at me. I know he's amused when he's half-smiling, nanliliit rin ang kanyang mga mata. His long lashes fanned his cheeks in feathery motion.
Chill siyang nakasandal sa kanyang upuan at nakahalukiphip. Hindi nakatakas sa'kin ang umbok ng kanyang biceps sa ginawa niya. He's in his white button downs, nahubad na ang kanyang suit na iniwan niya sa kotse.
Umayos ako ng upo at makailang beses na sinuklay ang buhok ko gamit ng kamay. I must have looked like a mess.
"Yeah, I love it. Paano mo nalaman ang lugar na 'to? I thought you didn't spend most of your years here?"
"Friend recommendation." aniya.
"Don't you like to dine in more expensive fine dining resto?" usisa ko.
Isang beses sinuklay ng mga daliri niya ang kanyang buhok saka pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. "I prefer watching the nature's view than being stuck in painted cements and ceramics."
Tumango ako. Kahit ako'y mas gusto ang nature-friendly environment. Dala na rin siguro ng kasawaan ko sa siyudad na puro buildings lang ang nakikita. Unlike here, it's panoramic.
Ninakaw ko ang oportunidad na suriin siya habang nakatuon siya sa paglalaro sa kanyang singsing; His hardwood colored hair shined against the rays of the sunset. Nagugulo ng hangin. Hindi ko mapigilang punahin 'yon because messy looks good on him. Makapal ang sa gitna habang neatly trimmed naman ang sa gilid. It defined his very well-angled manly jaw.
His dark amber eyes turned a shade lighter dahil rin sa sikat ng papalubog na araw. I never thought that it could even look more attractive. Nakakamangha ang kulay. I don't mind staring at it for long hours.
Dumating ang server dala ang mga orders namin. I opted for a vegetarian pie. Nilapag ng server ang kay Rouge with a, coffee? The sun's about to hit rock bottom but then he's drinking coffee? Makakatulog pa ba siya niyan?
But then, we're in Tagaytay, the breeze is somewhat chilly. Masarap nga namang magkape kapag malamig ang panahon.
"Thank you." aniya sa server. Nilisan na niya ang aming table at bumalik sa loob.
Nilapit ni Rouge ang mug sa kanya at inihipan ang mainit na kape. I noticed his pursed lips. Parang gusto kong agawin ang mug sa kanya pagkatapos niya uminom so I could have a taste of his lips, too. Damn! I'm insane. I need holy water for my thoughts.
Sinumulan ko na ang pag kain. I have to replenish my hunger, yun yata ang dahilan ng kung anong mga iniisip ko.
"How often do you take caffeine in a day?" tanong ko. Ayokong may mamagitang katahimikan sa'min.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...