ONE

257K 5.4K 915
                                    

Nagising ako sa pagkiliti at impit na tawa ni Lauris. Ginantihan ko siya ng sabunot sa buhok at pagkiliti sa kanyang leeg. Ganito niya ako gisingin sa tuwing nauuna siya kaya minsan, nagpapaunahan kami sa paggising sa umaga. Minsan nag-aaya pang mag wrestling. Palibhasa lalake at mas malakas sa'kin kaya natatalo niya ako.

"Ano ba Lauris!" padabog akong bumalik sa pagkakahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Wake up! Kailangan mo pang magpaliwanag sa'kin." dinaganan niya ang unan kong tumatakip sa'king mukha.

"What did I do?!" inis kong daing.

"Umalis ka na lang bigla. Hindi ka manlang nagpaalam sa'min ni dad."

Umupo na ako at tinapon sa kanya ang unan. "Nagtext ako."

"Ba't hindi mo ako hinintay?"

"Ang tagal mo kasi!" umirap ako.

Nagkamot siya ng ulo at inakbayan ako. "Well...thanks for not doing it. Because I almost got laid last night."

Gulat akong napalingon sa kanya "Almost? Bakit almost lang? May saplot?" tumawa ako.

"Hind kaya! Pero atleast I'm half virgin." kampante niyang sabi.

"Half-lang." pang-aasar ko.

Muli niya akong kiniliti. "Get up! Gutom na ako."

"Mauna ka na!" sinipa ko siya. Ngunit sa ginawa ko'y nagkaroon siya ng pagkakataong hilain ang aking paa pababa sa kama.

Binuhat niya ako at nilagay sa kanyang balikat. Hindi na ako nagpumiglas. Sa paggy-gym niya, he has developed his strength kaya sadyang mas malakas siya kesa sa'kin.

"Lauris naman eh..." hinahampas ko ang kanyang likod.

"Come off it sis. Pagbigyan mo na rin si daddy. Today will be our first breakfast together as a family, with Antonia." sabi niya habang bumababa sa hagdan.

Naaamoy ko na ang pinaghalong amoy ng kape, fried foods at kanin na may garlic at butter.

I snorted. Yeah right. New family. I should work on getting used to this New Family thing.

Nadatnan namin si Antonia na pinaghain si dad sa kanyang plato. Nakikita ko na naman ang di maalis alis na ngiti niya simula kagabi. I realized that, maybe that's why I'm not comfortable with Antonia kahit gaano pa siya kabait is because I hate how perfect she is that makes me think na nakikipag kompetensiya siya kay mama.

I know I shouldn't think of it that way but I can't help it. Masaya naman kami kahit noong si dad lang ang nag-aalaga sa'min. We don't really need her. Maliban kay dad.

"Bakit buhat buhat mo na naman nang ganyan ang kapatid mo Lauris? Baka mahulog 'yan." sita niya. 

Antonia chuckled, hinihimas himas ang braso ni daddy "Hayaan mo na dear, ang cute nga nila eh. We were never like that with my brother."

"Kaya nga dad. Ganito kami ka-close ni Lory." binaba niya ako sa silya katabi ng uupuan niya. Kaharap ko si Antonia. "Right baby?" pinisil niya ang ilong ko.

Hinawi ko iyon at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya't ginulo ang aking buhok.

"Mana sa'yo si Lauris, dear. You're both sweet." ani ni Antonia habang sinasalinan ng kape ang tasa ni dad.

"Thanks...m-mom?" pag-aalinlangan ni Lauris.

"I'll just call her tita." walang gana kong wika.

Tinitignan ko ang mga nakahain. Kung siya man ang nagluto ng mga ito, I don't think I can have my breakfast anytime now. And besides, I have my strict food preference.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon