Nagprisinta si Chaucer na palitan si Ryland sa driver's seat bago kami umalis ngunit tumanggi si Ryland. Hindi raw kasi siya mapakali kapag hindi nagda-drive kaya siya ulit ang nagmamaneho ngayon.
Pinabuksan ko kay Rouge ang bintana sa side niya. Wala na namang alikabok dahil malayo na kami sa siyudad. Makikipagpalit sana ako ng pwesto para mas madama ko ang hangin ngunit natutulog siya.
Dinagdagan ni Ryland ang volume sa stereo. Nakikinig lang ako sa tugtugin habang dinudungaw ang mga nadadaanan namin. May nakikita na akong mga isla at dalampasigan pati na rin mga nagluluntiang bundok. Are we going to trek and camp?
"Diretso na ang daan papuntang Capones, Rile?" tanong ni Chaucer na panay hakot ng chichirya na hawak ni Emersyn.
Hindi agad nakasagot si Ryland dahil nalulunod ito sa kanta sa stereo. Natatawa siyang tinapik ni Nikolina at tinuro si Chaucer. Hininaan niya ang volume saka pinaulit ang tanong sa kaibigan.
"Sasakay pa ng bangka galing Pundaquit. Mga thirty minutes ang biyahe."
"So saan maiiwan 'tong sasakyan?" tanong ni Chaucer.
"May kakilala ako sa coastal village doon, siya magbabantay." pahayag ni Ryland.
"Nag-hire ka nalang sana sa isa sa mga bodyguards ni Nikolina para bantayan 'tong sasakyan mo." humalakhak si Chaucer. Tinawanan lang din yun nina Nikolina at Ryland.
Tinapunan siya ng isang pirasong chichirya ni Emersyn. "Ang ingay mo. May natutulog."
Nilingon ko si Rouge na bahagyang nakatingala ang ulo sa headrest at nakapikit ang mga mata. Kada dulas ng kanyang kamay sa balikat ko ay mabilis niya itong binabalik sa pagkakaakbay.
Binalikan ko ang pinag-usapan nila Chaucer at Ryland. Bakit may bangka na involve? I thought this is a road trip?
Kinalabit ko si Chaucer at nagtanong. "Ano yung Capones?"
"Isla, dito sa Zambales."
Tumaas ang dalawang kilay ko, di naitago ang surpresa.
Napuna niya ang aking reaksyon na humantong sa kanyang tanong. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Rouge?"
Umiling ako. "Sabi lang niya road trip. No further details."
Sa mga araw na nagdaan bago ang araw na'to ay wala na siyang idinagdag pang mga detalye tungkol sa lakad ngayon. Hindi rin naman ako nagtanong. Initiative na niya na sabihin sa'kin kung ano ang mga dapat dalhin at hindi kailangan, di ba?
"I told you it was Ryland's birthday."
Nilingon ko siya. Hindi nagbago ang kanyang ayos at nakapikit pa rin. Inadjust niya ang ulo sa headrest at binalik na ang kamay sa balikat ko dahil sa muling pagkakadulas nito.
"Yeah. Yun lang sinabi mo."
Kanyang dinilat ang isa niyang mata at dinungaw ako. "Kung sinabi ko sa'yong pupunta tayo ng isla, anong gagawin mo?" inaantok ang boses niya.
"Of course I'd be bringing my swimwear."
Nagtaas siya ng kilay saka pinikit ang mata, "That's why I didn't tell you."
Humagalpak sina Ryland at Nikolina samantalang sumipol si Chaucer. Pigil ngiti akong tinignan ni Emersyn.
"Try not turning her into your doormat, man. Kasi alam mo noong kami pa ni Lory, I gave her freedom to do what she wanted to do and let her wear whatever she wanted to wear. Huwag masyadong higpitan ang tali, mas lalong tatakas yan."
"I'm not asking for your advice Chaucer." may gaspang ang boses ni Rouge.
"Just thought you needed it."

BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
Ficción GeneralLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...