Proverbs 6:34
For jealousy is the rage of a man: therefore he will not spare in the day of vengeance.
_____________________________________________
Gulat ang nakikita ko sa mga mata ni Rouge samantalang takot ang kay Antonia na pananggalang na nakahawak sa kanyang tiyan. Halata na hindi nila inasahan ang pagpunta ko rito.
"What is this all about, Lorelei?" untag ni dad.
Diretso ang tingin ko kay Antonia na nangingilid na ang mga mata.
"I just found out that your wife is pregnant, and she texted Rouge about it."
Sinaksihan ko ang pagkukunot-noo ni daddy.
"W-wh...hindi ko maintindihan..." Binalingan niya si Antonia. "Why would you text another man and tell him about your pregnancy? Should it be na sa akin ka dapat magsabi?"
Yumuko si Antonia, hindi makatingin niisa sa amin. "Lucas..."
Isang indikasiyon ang hindi pagsagot niya. Unti unting rumehistro kay daddy ang pagpasok sa kanya ng katotohanan.
"N-no..." umiiling niyang ani, na parang pati siya'y hirap itong paniwalaan.
Tanggap ko man ito bilang posibilidad, mahirap pa rin pala kapag nakumpirma mo na ito nga ang totoo. Sa mga hikbi ni Antonia, mas pinapalala lang nito ang ebidensya.
"They used to be in a relationship. Now, they're having an affair," dagdag ko pa.
Nandito na nga kami, 'di ba? Kaya ibubuhos ko na lahat ng nalaman ko.
"Lucas, hindi totoo ang sinasabi niya! Please magpapaliwanag ako..." iyak ni Antonia.
"Nakita ng dalawang mata ko ang ginawa niyo, Antonia. Huwag mong itanggi sa harap ko ang nakita ko noong araw na 'yon. Harap-harapan mo pang pinakita sa akin. So don't you dare fucking lie about it!" sigaw ko upang kumwala sa panginginig ng aking boses.
Tanging iyak ang isinagot ni Antonia. Mas binigyan niya ng dahilan ang ama ko na piliing ako ang panigan at paniwalaan.
Hinanda ko ang sarili sa susunod kong sasabihin. Hindi ko 'to tanggap, pero nandito na, nangyari na.
"At...g-ginamit ako ni Rouge para mapalapit sa asawa mo." Sinubukan kong hindi mapahikbi.
"That's not true Lory—"
"May nangyari ba sa inyo?" putol ni daddy kay Rouge. Nasabuyan ako ng lamig ng kanyang boses.
"Matagal na 'yon Lucas—"
"May nangyari ba sa inyo habang kasal tayo?!" Tuluyan nang isinigaw ni dad ang pinigilang galit.
Nasaksihan ko ang pagwasak ng aking mundo sa biglang pag-hagulhol ni Antonia na ngayo'y tinatakpan ang mukha.
"Mga hayop kayo!" sigaw ni daddy sa kanyang galit. Kinuwelyuhan niya si Rouge at hinila papasok sa gate ng bahay. Nagmadaling sumunod ang iba upang pigilan ang kung ano mang gagawin ni daddy.
Samantala'y tahimik akong nasasaktan, at piniling hindi magwala't makipagkumpetensya sa galit ng ama ko.
Kitang kita ko ang masidhing poot ni dad na halos sakalin na si Rouge na hindi manlang nanlaban. Nanginginig na rin ang mga kamao niya na animo'y sa isang kalabit lang ay papatay na siya ng tao.
"Ginamit mo pa ang anak ko sa pagtataksil niyo? Ginawa niyo kaming tanga habang kayo ay nagpapaka-puta!" Bayolenteng niyugyog ni dad si Rouge bago tinulak na halos ikinatumba niya.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
