I was able to crawl my way to my bed. Patagilid akong humiga, in fetal position, kasabay ang mistulang pelikula na naglalaro ang mga eksena nang araw na 'yon.
Being reminded by that pain, I have never gotten the hang of not being emotional. Parang paulit-uit rin akong pinapatay. Half of me blamed myself. I tried taking care of myself but I guess that incident was meant to happen.
Alalahanin ko pa lang ay mabigat na ang tama sa 'kin nito na umambag lang sa pagod ko. I exhaust myself crying and asking myself kung babalik pa ba dito si Rouge.
If he's going to hate me for losing our child, mas lalo siguro akong mawawasak. I was held responsible for it dahil ako ang nagdala sa kanya sa loob ng limang buwan. But I can't call that an accident. It was just an unfortunate event.
Naisip ko na sana mas naging maingat ako. I went to therapy sessions in Vegas at doon namulat ako. Pero may mga pagkakataong hindi maiiwasan na binabalikan ka ang yugtong 'yon. It has become a traumatic event for me.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang lumangitngit ang pinto sa baba. I'm bracing myself wishing it was Rouge. Ngayon lang ako nangailangan sa kanya nang ganito. It has something to do with my sadness. At dahil wala siya noong mga panahon na kailangan ko siya.
Ngayong naungkat ang lihim ko, then maybe it isn't too late to need him right now. Or atleast, I've been needing him for a while.
Pinunasan ko ang basa kong pisngi nang marinig ang kanyang mga yapak. It was him, I'm sure. His scent never gets old to me.
Habang papalapit siya ay unti-unti ring sumisikip ang dibdib ko. Ewan ko kung bakit. Maybe I was overwhelmed na bumalik siya, that he has no plan on leaving.
The bed descended as he lied down beside me. The weight of him is the relief that I've been wanting to feel, to let me know that he's here, staying.
Tumakip ang kanyang braso sa 'kin. Pinasok niya ang kanyang kamay sa damit ko at hinaplos ang aking tiyan, like he was trying to feel the baby that isn't there anymore. Hinalikan niya ako sa buhok na bumaba sa aking pisngi.
"I'm sorry..." bulong niya.
I don't know what has gotten into him that made him act like this pagkatapos ng pagsisisigaw niya kanina. Kung saan man siya nagpunta, kung ano mang meron doon, may kinalaman marahil sa inaasta niya ngayon.
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry..." bawat ulit niya ay pabigat nang pabigat ang sakit na nahihimigan ko.
Pinatihaya niya ako saka tinaas ang aking damit hanggang sa ibaba ng aking dibdib. He exposed my stomach and there, he kissed every space of my skin. Kada dampi ng labi niya sa mga espasyo ng aking tiyan ay sinasamahan niya ng panghihingi ng tawad. Imbes na makiliti ay mas lalo lang akong napaluha.
Inadjust niya ang sarili at hiniga ang ulo sa aking tiyan. Kapwa namin pinagmamasdan ang daliri niyang gumuguhit ng kahit ano doon. Ang isang kamay ko'y sinusuklay ang magulo niyang buhok.
"Had you named him or her...?" His voice cracked. Suminghap siya at muling dinampian ng halik ang aking tiyan.
"Coraline Ainsley." I had this name after knowing the gender. Bigla na lang iyon pumasok sa isip ko.
Malungkot siyang ngumiti. Kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"We could have had a girl. It's a beautiful name," pabulong niyang sabi.
We could have. Sa dinami-daming mga salita, isa ito sa mga may pinakamaskit na kahulugan. Pwede rin namang hindi, but basing from this situation, it was a hell lot painful. It's haunting. And at anytime, maiisip mo nalang na paano kaya kung nagawa niyang mabuhay? What if I was able to reach nine months in carrying her?
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
Fiksi UmumLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
