FIFTY

201K 3.9K 330
                                        

Plinantsa ng sariling kamay ni Rouge ang nagusot niyang button-down shirt saka isang beses na sinuklay ang buhok pagkalabas niya ng sasakyan. Namumula pa ang mukha niyang naglalakad pabalik sa site na hindi gawa ng init ng araw. Nagpalamig muna ako sandali sa aircon bago ako sumunod.

Buong araw kami sa White Harbour. Bandang hapon ay lumuwas si daddy sa DC at ako ang naiwan dito na siyang ipinagtaka ko. Does he trust me now? Baka nga siguro wala siyang alam tungkol sa amin ni Rouge ngayon.

Or maybe, he's giving me the benefit of the doubt.

Whatever it is, I don't give a damn. Hindi pa rin naman kami makalapit ni Rouge sa isa't isa sa labas kung saan pinapalibutan kami ng mga mata ni daddy.

"I want you to come here in my office pagkatapos mo diyan sa RV..." ani ni dad sa telepono dito sa loob ng office trailer. Kasalukuyang kumakain ng snacks ang mga empleyado at ilan sa mga engineers at architects.

Curious man ay hindi ko na sinatinig ang tanong ko. Malalaman ko rin naman kung bakit kapag nandoon na ako. "Okay, dad."

So, as what dad said, pumunta ako sa DC building kasabay ang mga trabahador namin. Sa motorpool ako bumaba kung saan doon din umibis ang service ng mga empleyado.

"Bye po ma'am!" halos sabay nilang sabi. Tumango at kumaway saka ako pumasok sa back door ng building.

Tahimik na ang buong pasilyo maliban sa huni ng fluorescent lights na nakahilera sa kisame. Kaunti lang ang pinailawan. Si Tobias ang huling empleyadong nadatnan ko na makapal ang dalang mga folders.

Taimtim na nakaupo si daddy sa kanyang swivel chair pagkapasok ko sa opisina niya. It's a relief to feel the cold air again dahil kaka-expose ko lang sa mainit na hangin. Minuwestra niya ang kamay sa silya sa harap ng desk. Doon ako umupo.

Umayos siya ng upo sabay bagsak ng ballpen sa mesa. Hindi ko alam kung bakit ito nagpagulat sa 'kin.

"You know what he did." Malamig ang tono ni daddy.

"Who did what?" Tinakwil ko ang aking kutob sa kung sino ang tinutukoy niya.

"Verduzco."

One word, and I know who he means.

So I was wrong. Dad knew. Kung paano, I don't know.

"He has changed dad." Though it's not even enough to convince him to call off the engagement. Couldn't you have thought of a better statement, Lory?

Ngayon ay pinadapo na niya ang kanyang tingin sa mata ko. Wala na iyong pagdududa kundi purong pang-aakusa na.

"May relasyon ba kayo? How long? Since when? You are engaged to someone else, Lory."

Hindi ko siya tinantanan ng tingin. "What Rouge and I have right now...I guess I can call that being back together."

Halata ang hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ko dahil sa pag-igting ng kanyang panga at pangangasim ng kanyang mukha.

"Does he love you?" mahina niyang tanong, nahihimigan ko rin ang pagpipigil doong sigawan ako. A calm before the storm.

"Yes," naghahamon kong sabi, hindi na nagpaligoy-ligoy. Wala nang pag-aalinlangan.

Parang isang buong minuto siyang hindi huminga sa mabigat na pagpapakawala niya ng hangin sabay adjust ng sarili sa upuan.

"If so, he's lying."

"Wala na sila ni Antonia, dad. He didn't ruin your marriage. He was all about me," patuloy kong kumbinse.

May katotohanan man sa sinabi ko, that still won't make him legitimize it as something to change his mind. Nothing would change his mind even the apocalypse!

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon