"I was there! Ako kasi nag make-up sa isang modelo doon na may interview schedule rin sa isang teen magazine..." pahayag ni Jezreel.
Hindi ako available this weekend kaya ngayon namin binalak magkita sa gitna ng lunchbreak ni Lila. Sa isang kakabukas na resto malapit sa Vedra Corp. ang napagdesisyunang lugar para sabay na sa chikahan at kainan.
"...hindi nga lang niya ako nakita dahil nasa dressing room ako. He was there to visit a friend." Dagdag niya.
"Baka girlfriend," wala sa loob kong sabi habang pinaglalaruan ang straw sa 'king baso. Pinagtaka ko ang biglang pananahimik ng dalawa.
"What?"
"He's single," ani ni Lila.
Ngumisi ako't napailing. "We'll never know, baka may ka-secret affair na naman siya."
"I haven't seen him with someone, Lory." Dagdag pa niya.
Hinalo ko sa straw ang mga sangkap na prutas sa inumin ko. "Kaya nga, baka may lihim na relasyon siya sa iba."
Kunot noong napainom ng juice si Jezreel bago nagtanong. "I thought you have made peace with Antonia already?"
Tumango ako.
"Then what's with the bitterness?" panunuya ni Lila.
"I'm not, okay? Posibilidad lang 'yon. Nagawa na nga niya dati di ba?"
Hindi naman nila ako masisi kung ito ang inisip ko. They know about what happened and they were not amused about it. Ewan ko nga kung bakit nila ako tinutudyo ngayon. Dapat nga hindi na namin siya pinag-uusapan but then doon pa rin kami naanod.
Ulo ko ang sumakit sa malalim na pagsasalubong ng kilay niya.
"You have made peace with Antonia but you're not willing to make peace with Rouge?"
Napaisip ako sa tanong ni Lila. Malaking bahagi sa 'kin ang nagsasabi na oo , ganon nga. Magkaiba naman kasi ang nagng impact nila sa 'kin. The both of them had hurt me, but it was Rouge who was able to instill a massive damage to me. Minahal ko 'yong tao eh.
Magkaiba kami ni dad kung saan para sa kanya mas malakas ang naging bagsak ng sakit na ginawa ni Antonia kesa kay Rouge. We went through the same pain of betrayal. Yet, he was able to forgive and accept her easily despite everything.
Kung ngayon ay lilitaw man si Rouge at hihingi ng kapatawaran, I'll grant him the forgiveness. Pero hindi ibig sabihin na babalik na kami sa dati, na ipagpapatuloy namin ang kung anong meron kami noon. As if naman hihilingin niya sa 'kin 'yon but if ever lang, I have to say no. I much prefer to treat him casually. Ramdam kong magiging awkward pa sa umpisa but I think I'll get the hang of it.
Nagkahiwalay na kami ng landas matapos ang break ni Lila. Bumalik na siya sa opisina habang sabay kami ni Jezreel pauwi sa aming mga condo. Mag-iimpake pa raw kasi siya para sa kanyang three day trip sa Japan para sa isang photoshoot ng aayusan niyang modelo.
Sandali lang ako sa condo. Kinuha ko lang ang Macbook at ibang documents saka ako umalis papuntang DC dala ang kotse. Nasanay na akong magmaneho dahil ganoon ako sa Vegas. You have to own a private car for your transportation.
Hininto ko ang kotse pagtalon ng traffic light sa red. Tinitigan ko ang numerong nagka-countdown doon at sumali sa pagbibilang para bawas inip nang maalala ang naka-silent kong cellphone. Inabot ko ang bag kong nasa shotgun seat saka kinuha ang phone ko doon.
There was a text from Lauris, pinapapunta ako sa DC. Mabilis ko siyang nireplayan saka ko diniin ang clutch at nag-shift gear nang mag-green light.
Pansin ko na mas tumatrapik ang Manila ngayon. Dumadami na rin kasi ang bumibili ng kotse. There's been a boost in car innovation in within these past few years. Gawa sila ng gawa ng kotse habang papaliit naman ang mga daan.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...