Ilang araw rin bago nagbalik opisina si Rouge. That probably kept him away from worrying further pagkatapos noong pagluhod niya sa harap ko. He has been quiet after that for a while. Or atleast, the both of us. Hindi na namin iyon pinag-usapan pa.
Nakatukod ang siko ni Rouge sa unan habang nakasandal ang gilid ng ulo sa kanyang kamay. Ang isa ay pumulupot sa baywang ko. Tumingkad ang kulay ng buhok niya't mga mata, contrasting to the color of ivory white sheets na ngayo'y lukot na lukot na samantalang nagkalat sa sahig ang ibang mga unan.
"I'll cook..." inaantok pa niyang sabi.
Pikit-mata akong tumango saka humikab. Siya naman talaga palagi ang nagluluto. Pag-iinit ng ulam lang ang alam ko.
Pagkatapos ng breakfast ay naghanda na kami para pumasok sa White Harbor. Sumakay ako sa kanyang kotse at habang bumabiyahe ay kausap ko sa cellphone si Sir Marquez tungkol sa pinapabiling additional na mga materyales. Saglit kaming dumaan sa DC upang mapirmahan ko ang purchase order saka kami lumuwas sa White Harbor.
Mali pa yata ang pinili naming araw na sabay pumasok ngayon. As soon as I saw daddy's Panamera with Leo leaning against it, dinambahan ako ng kaba. Dad can't see us like this!
Alerto akong lumingon kay Rouge. Bumagal ang takbo ng kotse sa mabatong daan hanggang sa huminto ito. Lumikha ng mahinang kalabog ang pag-adjust niya sa shiftstick saka pinatay ang makina.
"Dad's here," pahayag ko.
Saglit nahinto ang kamay niyang inaalis ang susi sa ignition. Tumingin siya sa gilid at doon pa lang niya napansin ang Panamera. Leo's at the other side of the car.
Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga habang nakatitig sa sasakyan ni dad. That means he's deep-thinking. Not a second longer before he cut his eyes on me.
"I'll go ahead first, doon ako sa office. You go out after," aniya saka kinuha ang kamay ko at nilagay ang susi sa aking palad. Sinara niya ang mga daliri sabay dampi ng halik sa 'kin.
"Okay..."
Bumaba na siya ng kotse. I'm watching his long muscled legs making relax and confident strides on the way to RV building. Lumingon siya sa construction site, seryoso ang mukha. Naa-outline ko na naman ang matangos niyang ilong sa sideview niyang imahe.
Bumagal ang lakad niya papasok sa building habang nakatanw pa rin sa construction. Tinanggal niya ang kanyang aviators. Damn, that move is hot. Pinagpapawisan ako kahit naka-on pa ang aircon. Sa gitna ng kaba ko dahil kay daddy ay nagawa ko pa ring purihin si Rouge. How appropriate is that?
Ilang sandali pa bago ako bumaba. Palihim kong pinindot ang alarm upang ma-lock ang kotse saka ako naglakad papunta sa site. Nadatnan ko sa office trailer si daddy kasama ang ilang mga engineers. Nakalingon na sila sa pinto bago pa nila ako nakitang pumasok.
"Hey Lory, ba't ngayon ka lang?" Inalis niya ang pagkakatukod ng kamay sa mesa at ako'y hinarap.
He didn't seem mad. Para sa kanya ay unusual lang na huli akong pumasok ngayon. Lagyan ko na rin siguro ng pag-aakala na nagdududa siya. I hope I wasn't giving him a reason to be suspicious. Though, he has every reason to suspect.
"Sorry," humalik ako sa pisngi niya bago ko binalingan ang iba saka sila binate, "ngayon lang naman ako na-late."
"Did you come here with your car?" Di ko maitanggi ang pagdududa sa kanyang tono. But he's just asking about a car, Lory. Paranoid ka lang dahil guilty ka!
"Nagtaxi ako, tinamad akong mag-drive," I lied.
His suspicious stare lingered. At sa kalagitnaan ng mga segundong iyon ay hindi ko nailagan ang pagsaksak ng kaba animo'y ginamitan iyon ni daddy ng punyal upang ibaon sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
