Imposibleng makalimutan ang gabing 'yon. Dalawang araw na ang nakakaraan, heto ako't lutang na sinariwa ang nangyari. Halos hindi ko na nagagawa ng maayos ang aking trabaho. Kahit anong puwersa ko sa pagco-concentrate, nauuwi pa rin ako sa pagkakatunganga sa harap ng computer screen.
"Iba ang diet ko ngayon. Budgetarian."
Doon lamang ako nagising sa pagsasalita ni Lila sa tabi ko na iniihipan ang mainit na cup noodles. Iba na naman ang hairstyle niya ngayon. Long bob.
"Bakit?"
"Petsa de peligro. Suweldo na bukas." humagikhik siya. Panigurado sa isip niyan iniisip na niya ang pagsha-shopping bukas.
Nilaharan niya ako ng pagkain niya, umiling ako. Kinuha ko ang kape na nilamig na sa matagal kong pagkakatunganga.
Napahikab ako sa antok kahit natulog naman ako ng tama sa oras kagabi. Tamad kong ginagalw ang mouse upang i-resume ang tina-type kong file. Kailangan ko na 'tong tapusin bago ako umalis papuntang BIR para ilakad ang pagproseso sa taxes ng kompanya.
"Sama ka sa'min ni Jezreel this Saturday sa 71 Gramercy. You can bring your Bulgarian guy." anyaya ko sa kanya habang may kini-click na file.
"Anong meron?" tanong ni Lila.
"Birthday niya."
Maingay ang ginawa niyang paghigop sa sabaw saka madilim na tumawa. "Asa ka pang tatanggihan ko 'yan."
Dumagdag sa kawalan ko ng concentration ang panay na kuwento ni Lila sa naganap sa kanya noong weekend.Tungkol lahat sa date nila ng half-Bularian niyang jowa na si Vladimir.
Natigil lang 'yon sa pagbukas ng glass door at niluwa ang anak ng may-ari ng Vedra na si Yucille.
Animo'y diyosa siyang kakababa lang sa lupa dahil sa curled plait niyang buhok at puting maxi dress. Hindi ako sigurado sa suot niyang sapatos pero nasisigurado kong heels yun dahil sa alingawngaw sa bawat paglapat ng takong sa marbled floor.
Ang hindi ko inasahan ay kung sino ang nakasunod sa kanya. Natabas ang hininga ko sa paglitaw ni Rouge na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Hindi sa gusto ko siyang makita ako, but he could have atleast given me a slight acknowledgement. Imposibleng hindi niya alam na intern ako rito.
Sa kanila ang lahat ng mata. Nahinto ang mga ginagawa ng iba. Wala nang mga pagtipa sa keyboard. May ballpen pang nahulog na siyang tanging ingay na namayagpag maliban sa mga yabag ng mga bagong dating.
Rouge's tousled locks is back in action. Pang pormal na okasyon lang talaga ang kanyang pompadour. Kumalat ang dominanteng hangin na dala niya at ikinalat sa amin upang kanya'y mapasunod.
Nakafocus lang sa harap ang malalim at seryoso niyang mga mata. Bahagya ring nagsalubong ang kanyang kilay.
He's back turning a blind eye on me in retrospect to what happened two nights ago. Ano bang mahirap sa simpleng pagtango lang?
Inunahan niya si Yucille sa pagbukas ng pinto sa conference room at pinatili itong bukas habang pinapaunang pumasok ang babae. Nagngitian sila bago tuluyang nagsara ang pinto.
Nagtinginan kami ni Lila. kapwa pinagkakaitan ng emosyon ang mga mukha namin. Nagkibit balikat siya at unang nag iwas ng tingin. Bumalik siya sa kanyang noodles.
Tinignan ko ang pinto ng conference room. Wala akong matandaang may ibang pumasok diyan maliban sa kanilang dalawa. Ibang klaseng meeting yata ang pinagkakaabalahan nila. Hindi ako mapakali at hindi mapigilang imaginin ang ginagawa nila sa loob.
Nakita ko ang pagbasag ng imahe na kanina'y nagpabalikbalik sa isip ko. Wala akong balak pulutin ang mga piraso. Basag na, di na maibabalik. Tinapon ko na sa compost pit ng utak ko.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
Genel KurguLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...