Mabilis akong bumangon at tinakbo ang banyo. Umabot ako sa sink bago pa ako makaduwal sa sahig. Pananggalang akong humawak sa aking tiyan na ngayo'y humihigpit at parang may nilulukot sa loob habang ang nakakapit ako sa gilid ng sink. I didn't even eat a thing last night. This was all the alcohol.
Umubo ako at pinuwersa pa ang lalamunan. Pero acid na lang ang namumuo. Binuksan ko ang gripo at sinalo ang tubig upang ipunas sa aking bibig. Retching is such an exhausting activity.
Kasabay ng pagsara ko nito ay ang pag-angat ng aking ulo sa salamin kung saan nakikita ko si Lauris na nakasandal sa pintuan, nakahalukiphip. Seryoso siyang nakatitig sa 'kin, mukhang malalim ang iniisip.
Pinunasan ko ang pawisan kong noo at hinawi ang dumikit na hibla ng buhok ko doon kasabay ang pag-harap ko sa kanya. Sumandal ako sa sink.
"That's been going on for days," mahina at mababa ang kanyang boses. Nahimigan ko rin iyon ng pag-aalala.
"Hangover lang 'to." Lumunok ako. Tuyo pa rin ang aking lalamunan at naaamoy ko pa ang alak sa vomitus ko. I grimaced.
"Kung ako sa 'yo huwag ka munang uminom. I'll phase out the bourbon scotch bottles in the kitchen," ani ni Lauris.
I looked at him disapprovingly. "Why?"
Tamad niya akong tinignan. "Ask yourself. Why do you think?"
May ideya na qko sa kung anong ibig niyang sabihin. He's right, this has been going on for a while now. Kahit hindi ako umiinom ay sumusuka ako. Iniisip ko nalang na salin lang 'to ng alak sa aking sistema.
But deep inside, I know it's not.
Maigi akong umiling. Humakbang ako palabas ng banyo. "It's just hangover—"
Pinigilan niya ako sa aking braso. Hindi maipagkakaila ang inis sa mukha ng kapatid ko. "Do you really think what you think it is, Lory? When was your last period?"
"Wh-why do you have to know?" may depensa kong tanong.
"I don't want to know. I want YOU to know." Tinuro niya ang gitna ng aking noo at marahang tinulak.
Bumalik ang pagaan ng aking ulo sa pagtama sa akin ng kaba. Hinuhukay ko sa aking isip ang sagot sa tanong niya. Kailan nga ba noong huli akong dinatnan?
Pikit mata akong umiling. Kumapit ako sa manggas ng shirt ni Lauris. "I lose track."
"You're delayed. Bumili ka pa ng napkin hindi mo rin naman pala bubuksan. Dapat last month bawas na 'yan," mahinahon niyang sermon.
And he has been keeping track of that?
"Irregular ako." Sarili ko lang ang kinukumbinse ko.
Sarkastiko siyang tumawa. "Bullshit. You haven't been taking your pills for months. You can't deny it to yourself Lory. Katawan mo 'yan, it won't deny you, too."
Humigpit ang kapit ko sa kapatid ko. Binunggo ko ang aking noo sa kanyang braso habang unti-unti kong tinatanggap ang posibilidad. Mga senyales na mismo ang nagpaparamdam sa 'kin. Hindi ko na ito matatakasan.
Nang araw na iyon ay nagpunta kami sa OB. Isinama namin si granny dahil walang magbabantay sa kanya sa bahay. I underwent laboratory tests, mas mabisa itong confirmation kesa sa pregnancy kit kaya hindi na ako nag-abalang gumamit nun.
Nanlamig ang mga kamay ko habang hinihintay sa clinic ang doctor para sa resulta. Nasa harap lang si Lauris at nagbabasa ng magazine about parenting, which for me is funny. But that didn't come close into calming me down.
Kung buntis man ako, I don't know...maybe I'll go through phases like denial hanggang sa humantong sa acceptance.
Hindi ko na mahabol ang kaba ko nang pumasok ang doktor. She's half pinay na naka-base na rito sa Vegas kaya mas magaan ang aming interaction. Ngiting-ngiti siyang umupo sa kanyang desk hawak ang resulta.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
Fiksyen UmumLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
