THIRTY ONE

157K 3.5K 627
                                    

Inabot sa 'kin ni Zavid ang nakatuping mga damit at nilagay ko ang mga 'yon sa maleta. He's been helping me pack for the past hour. Rinig namin mula rito sa kwarto ang mga boses nina tita Angela at tito Stefano na dumating kahapon kasama ang pinagkakatiwalaan nilang helper na si Rhoda.

Habang inaayos ko ang pagkakalagay ng ibang damit, pumasok si Zavid sa banyo upang kunin ang mga toiletries. Mahina niyang nilapag ang mga 'yon sa tabi ng luggage kong nakahilata sa kama. Kanina ko pa napapansin ang kanyang pananahimik.

He's not usually like this. Zavid brings out a positive vibe, salungat sa pinapamalas niya ngayon animo'y may lamay.

Huminto ako sa ginagawa at hinarap siya. Hindi ko mabasa ang pinta ng kanyang mukha. There's less to no emotion in it.

"Ayos ka lang? You've been quiet," panimula ko.

Binasa niya ang kanyang labi at napaisip. Mabigat na hangin ang pinakawalan niya saka siya pabagsak na umupo sa kama.

"You're going home..." mahina niyang sabi.

"And?" tanong ko, hinihintay na dugtungan niya ang sinabi.

Nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay napapa-bagabag nito ang loob ko. His downturned eyes looked even more down. Kitang kita ko ang lungkot na rumehistro sa kanyang mukha. 

Kinuha niya ang mga kamay ko't nilapit ako sa kanya. "Makikita mo na siya."

I've been trying not to think about it pero habang papalapit ang oras ng aming pag-uwi ay mas pinapaalahanan lamang ako nito. I don't know what to expect upon seeing Rouge. I guess we'll know once I'm face to face with him.

But my going home won't be just all about him. Bakit ba kasi siya ang una nilang naiisip sa tuwing pinag-uusapan ang pag-uwi ko? It's like we were serious when in fact, wala pang six months kaming nagkasama.

In retrospect, I don't even think we were serious. We only had a short-lived affair.

Ako lang naman yata ang nagseryoso sa 'min.

"Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa nararamdaman mo sa kanya, which I dearly hope na wala na, but I'm scared, Lory. You know I like you. A lot."

And he hasn't failed in showing me. Sobrang appreciate ko ang ginagawa niya sa 'kin. He's been good, a little bit of bad...we've been close friends. Maliban kay Lauris at granny ay siya ang nakakausap ko sa tuwing pupunta siya rito sa Vegas.

"You let me kiss you, do things that a boyfriend does kahit hindi naman tayo. I've asked for it, and I'm happy that you're willing to open up again pagkatapos ng pinagdaanan ng pamilya niyo, pinagdaanan mo. Sana sa pagbalik natin doon ay hahayaan mo pa rin akong gawin ang mga 'yon."

I didn't want to disappoint Zavid. And I tried giving myself a chance for him pero wala. I'm content with the kind of close friendship we have. Nakikita niya 'yon, and he understands. I can't just push him away because he doesn't even deserve that.

I don't want to lead him on, sinabi ko na 'yon sa kanya. I'd been in his position before, ayaw ko itong magpatuloy dahil hindi biro na mag-isa ka lang na nakikipag-sapalaran diyan sa nararamdaman mo.

But Zavid is a stubborn man. He insists to keep on doing it kahit alam niyang wala akong maisukli sa kanya na katumbas sa nina-nais niya. Hindi ko na siya makontra doon so I let him.

Kinuwadro ko ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo. Ito lang ang tanging nagawa ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. He isn't even asking me anything but his statement demands my answer. My permission.

Lagpas labing walong oras ang flight time galing Las Vegas at nag-stop over pa kami sa Seoul bago tuluyang nakarating sa NAIA. Hindi matawaran ang kaba ko pagkakita ko ng view sa baba bago lumapag ang eroplano.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon