Even as I tell myself to make this hard for him, his persistence scraped the ice of my resolve. Kaya nandito ako muli't sumama sa kanya. I have in my mind every possible ways to run, but I chose this instead.
Sinalubong kami ng Corgi ni Rouge pagkarating sa kanyang condo. Yumuko siya upang haplusin ang aso bago pumagilid upang ako'y makapasok.
Natawa ako sa pagsunod ng aso kay Rouge papuntang kusina. Kumekembot ang pwetan nito na may bilugan na buntot habang inaamoy ang paa ng kanyang amo.
Nilagay ko ang aking blazer sa sandalan ng dining chair kasunod ang aking bag. Ramdam kong huminto si Rouge kaya binalingan ko siya.
Tinango niya ang kanyang ulo sa direksyon ng kwarto sa baba, katapat ng entrada ng kitchen. "Follow me."
Alinlangan akong sumunod. Hinaplos ko ang aking balat upang pahupain ang paninindig ng aking balahibo sa hindi malaman na dahilan.
Wala namang kaibahan ang kwarto rito sa taas. Maliban lang sa puting blinds na tinatakpan ang glass windows. Padulas na binuksan ni Rouge ang pinto at bumuhos sa'kin ang bulong ng hangin at ang ingay ng siyudad kasabay ang pagdapo ng tingin ko sa balcony.
"I'd be back." aniya, lumabas ulit ng kwarto.
Paharap akong sumandal sa balustrada. Nasa pinakataas ang unit ni Rouge kaya kitang kita ang city lights mula rito. Dumungaw ako sa baba, marami akong nahahagip na linya ng mga sasakyan dahil sa traffic. Among those cars could be dad's or Lauris's.
Isang buwan nalang, then I would be able to live independently. Nag-usap na sina dad at Lauris tungkol sa kukunin na unit para sa amin. Binanggit ko rin kay dad ang gusto kong loft style unit at ni-rekomenda ang building ng condo ni Rouge. I hope he'll consider.
Inaamin kong na-excite akong lumipat ng tirahan, though I'm torn between the dilemma's again. I want to be away from Antonia but at the same time ayokong mahiwalay kay dad. It'll take a lot of getting used to.
Maginhawa akong napabuntong hininga sa pagpulupot ni Rouge sa braso niya sa'king baywang. Umikot ako't hinarap siya. Tinukod niya ang kanyang mga kamay sa handrails habang kinukulong ako.
Hinalikan niya ang gitnang espasyong nakalukot kung saan nagsalubong ang kilay ko. "What's with the frown?"
His face etched with concern. Tinanggal niya ang pagkaka-ponytail ng aking buhok kaya sumabog ito sa ihip ng hangin. I don't have to worry dahil naaamoy ko pa rin ang bango ng aking conditioner. That means Rouge can smell it, too.
"Naisip ko lang na next month na akong ga-graduate. I'll miss dad kahit hindi kami masyadong malapit ngayon. Me and Lauris were his world before Antonia."
Hinawi niya ang takas na hibla sa'king mukha't inipit sa'king tenga. Sinikop niya ang buhok ko saka nilagay sa kaliwa kong balikat.
"You're adjusting. Maybe next year you'd be able to accept her. I'm sure she's good, kaya nga siya pinakasalan ng dad mo, di ba?" nakaangat ang dalawa niyang kilay, umaasang sasang-ayon ako sa kanya.
Nagbaba ako ng tingin at pinaglalaruan ang butones ng kanyang button downs. "I know but I can't bring myself to like her. I really tried..."
I'm not sure though if my efforts were enough, o ayaw ko lang talagang itulak ang sarili ko na magustuhan siya. Either way, wala namang improvement so maybe I'm not really meant to like her. Just like how other people were not meant for someone they prefer to end up with.
Ayaw ko nang pilitin kung ayaw pa ng pagkakataon. I don't understand some circumstances, though. May ibang todo effort na and it paid off in the end. But there are others who died trying. I don't want the latter.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...