FORTY ONE

171K 3.6K 493
                                        

        "Anong nangyayari rito?"

Rouge and I both tensed upon hearing my father's voice. Binombahan ako ng takot at kaba at kita ni Rouge 'yon sa mga mata ko.

We shared the same fear for my father at kung makikita niya man kaming ganito ngayon, I don't know what would happen. Baka uutusan ni dad ang lahat ng trabahador dito na gulpihin siya. And that thought didn't help a bit in helping me calm my nerves.  Pati lagnat ko nakalimutan ko na dahil sa takot ko.

Gumalaw si Rouge at pinilit hilain ang sarili paalis sa ibabaw ko. But the ladder was damn heavy, let alone it is made of steel. Napangiwi si Rouge sa pag-subok na makaalis sa ilalim ng bumagsak sa kanyang hagdan. Sinubukan kong tulungan siya ngunit hindi ko kaya ang bigat niya.

Sinubukan niyang pasanin sa likod ang ladder habang pinupuwersa ang sariling hindi ako madaganan ng kanyang katawan. Because he knows that that body of his is as steel-hard as that ladder above him.

"May tao dun, Sir! Natabunan yata!" ani ng isang trabahador.

May naririnig akong paparating na mga yapak at mga nagtatanong na boses. It was Sir Marquez and some people.

"Lory?" pag-aalinlangan ni daddy.

"Dad we're here! Alisin niyo yung hagdan!" ngumiwi ako pagkatapos kong sabihin 'yon.

I don't even sound like myself. Parang tinanggal kalahati ng vocal chords ko.

Kaagad inutusan ni daddy ang isang trabahador. Binalot ng galit niyang boses ang buong construction site.

"Bakit ba kasi nandyan ang scaffold? Sinong naglagay niyang diyan?" sigaw niya sa galit niya.

Napahinga ako ng maluwang nang umalis na si Rouge sa ibabaw. Gumulong siya sa tabi ko. Tumulong ako sa paghawi ng construction tarpaulin paalis sa pagkakabalot sa 'min.

Sapo ni Rouge ang likod niya, nakatingala siya't napangiwi sa sakit. I don't know if I should be guilty or what.

Agad silang rumisponde nang tuluyan nang naalis ang tarp. Pinagtulungan ng iba na ilipat ang ladder at ang scaffold. Tinignan ko si daddy na palipat –lipat ang tingin sa amin ni Rouge.

I don't know if he was concerned or irritated. But a big part of me says it's the latter.

Dahan-dahan akong tumayo. Si Rouge, kahit nahihirapan ay nagawa namang itayo ang sarili. He's an egoistic dominating man so I guess he doesn't need other people's help, not especially from my father's men and my father himself.

"What's happening here, Lory?" may panunumbat sa tono niya.

Tuluyan na akong nakatayo. Pinagpag ko ang alikabok at ilang buhangin sa damit ko. My arms hurt, dinungaw ko ito at nakita ang gasgas doon na may malabong kulay ng dugo.

"It was an accident, dad. Natabig ko ang scaffold and the ladder followed. His back had caught the ladder before It could hit me." Muwestra ko kay Rouge.

Kunot noo niyang binalingan si Rouge na nagpa-pagpag rin sa sarili. But for me, it's more like it was just his excuse not to face my father.

Akala mo walang kinakatakutan, pero ama ko lang pala. After all the cheating he did, he's afraid of my father. Pero hindi sa ganitong sitwasyon ko dapat 'yon pagtawanan.

Matagal pa niyang pinagmasdan si Rouge bago ako binalingan. Seryoso ang mukha niya. "You go to their clinic. Ako na muna ang bahala rito. But you can go home after dahil may lagnat ka raw. Nagsumbong sa 'kin ang kapatid mo."

Pakiramdam ko hindi siya sang-ayon sa sinabi niya, pero iyon ang nararapat upang masuri ang mga natamo namin.

Tipid akong tumango. " 'kay, dad."

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon