SEVENTEEN

162K 3.6K 784
                                    

Araw araw na akong hinahatid ni Rouge pauwi sa bahay. Out of way naman kasi kung susunduin pa niya ako. Hindi siya bumibigay sa pagkumbinse sa'king mag-overnight sa unit niya. Everytime he opens up the topic, straight NO ang sagot ko.

Panay ang dahilan ko sa kanyang hindi ako pwede kapag weekdays dahil school at office ako. So I made a deal na doon ako every weekends na matagal bago niya sinang-ayunan. 

Biyernes ng hapon nang mag-out ako sa Vedra. Naki-hitch ako kina Lila at Vladimir at nagpahatid sa flowershop. Bibisitahin ko ngayon ang mausoleum ni mama. I dreamt of her last night, siguro nagpapabisita siya kaya walang pag-aalinlangan akong pupunta doon ngayon.

"Hatid ka na rin namin sa sementeryo, same way naman kami kina Vlad." ani ni Lila.

"Thanks!"

Sumaludo sa'kin si Vlad sa rearview. Ewan ko kung naintindihan niya ang sinabi ni Lila sa kanya.

Madalas na rin silang nagkakasama ngayon. Iniisip ko nga na baka nagli-live in na sila. I'm not into prying my friend's personal life, hinihintay ko lang na magkuwento si Lila since ganon naman talaga kami: I'm able know things because she tells it to me first before I could even ask.

Nag-message ako kay Rouge na huwag na niya akong sunduin sa office. Hindi siya nag reply, marahil busy. May ipapagawa na naman kasi silang warehouse ngayon para sa mga barko sa White Harbor.

Sinabi ko sa kanya na DC ang kunin nilang contractor. Pag-uusapan pa raw nila 'yon ng dad niya. 

Nagpasalamat ako kina Lila at Vlad saka ako bumaba sa Mercedes. Tinanaw ko ang pag-alis nila saka ako tumalikod at tinungo ang mausoleum.

Nabanggit sa'kin ni Lauris na bumibisita rin siya rito after school or after training niya sa DC kaya hindi na ako nagtaka na may yellow tulips sa loob. I don't know about dad, though. Hiniling ko na sana galing sa kanya ang mga bulaklak.

It's a day old, kahapon marahil siya bumisita. Hindi man lang nag-aya para naman sabay kami.

Hinaplos ko ang picture ni mommy. Ibang iba ang imahe niya sa panaginip ko. Far from the look of the woman that I'd last seen before her last breath. She's as beautiful as the picture that I am looking at right now.

Nagsindi ako ng kandila at pinagdasal siya. Dreams do have meanings, like the inner subconscious is telling us something na konektado sa mga iniisip natin buong araw. Though I'm not preoccupied with thoughts of mom a lot, kasi kadalasan si Rouge ang laman ng utak ko. That man is eating up my brain.

Or maybe mom was trying to tell me something. Sana nagpapakita rin siya kay dad sa panaginip, and I hope sabihin niya sa panaginip niyang hiwalayan na si Antonia.

God forgive me for even hoping for it while I'm here in front of your holy cross.

Dumagdag ang dala kong yellow tulips sa mga nakalapag na. Tumayo na ako at humukod upang magbigay pugay saka lumabas.

Wala pa ako sa kalagitnaan papuntang exit ng sementeryo ay may nahagip akong pamilyar na bulto. Nag-martsa ako patungo sa kanya na seryoso sa pagte-text.

"Zavid." tawag pansin ko.

Inalis niya ang tingin sa cellphone. Lumuwang ang mukha niya nang makita ako.

"Lorelei." hinalikan niya ako sa pisngi. "visiting your mom?"

Tumango ako. "Ikaw?"

"I'm with dad, binisita namin si lolo. Kanina ka pa?" sinilid niya ang cellphone sa bulsa.

"Ten minutes ago, I guess. Kayo lang ng dad mo? Where is he by the way?"

"He's talking to someone. Sandali lang kami, I think nauna ka pang makarating." nakangiti niyang ani.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon