THIRTY THREE

169K 4.1K 769
                                    

Animo'y pinaso ng mga salita't boses niya ang daanan nito papunta sa 'king dibdib. Hindi pa rin umaatras si Rouge galing sa tinayo niyang distansiya mula sa 'kin. Parang nakalimutan na nang katawan ko kung paano kumilos.

I know I should act casual around and towards him, we should just be civil to each other pero paano mangyayari 'yon kung ganito ang kinikilos niya? This isn't even near as casual as what I have deemed.

I can back out, magbibigay nalang ako ng cheke sa parehong halaga na nai-bid niya. Yet backing out means being a coward, and you're better than that, Lory. Prove to him that it's over through not chickening out!

Running away right now means tracing my own road to an escape with a glowing exit sign away from patching things up between the two of us. Bumalik ako para pawiin ang alitan namin, hindi ang dugtungan pa ito.

"I've already handed the cheque," biglang ani niya sabay halik sa buhok ko, na parang nababasa niya ang nasa isip ko. Nakabaon ang isa niyang kamay sa buhok ko sa may batok habang ang isa 'y nakalapat sa ibabang likod ko.

Lihim akong napahinga ng malalim, but in doing so, naramdaman ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni Rouge, which indicates na ganoon kami kalapit sa isa't isa.  Inipon ko ang aking lakas na iangat ang mga kamay ko 't mahina siyang itulak.

Casual Lory, so that means you have to go with everything he does and says without turning into a spitfire. Forget everything and start anew. But with boundaries.

"You could have said that without having to kiss my hair, Mr. Verduzco," sinubukan ko siyang tignan nang sabihin ko 'yon.

Tinapatan niya ang seryoso kong mukha ng isang marahan na tawa sa mababa at magaspang niyang boses. Kasabay nito ay ang paghawi niya sa hibla ng buhok kong tumatakip sa aking mukha dahil sa pag-ihip ng hangin.

"Ano bang ginawa sa 'yo ng tatlong taon na hindi mo magawang sabihin ang pangalan ko? You know this isn't a formal date, Lorelei. Let's do first name basis here."

Bakit ganito siya makangiti na parang wala lang sa kanya ang nangyari noon? Has he moved on, too? Nagka-ayos na rin kaya sila ni dad? Lauris has never mentioned anything about it so siguro hindi pa.

And speaking of my brother, I think there is some sort of sabotage going on right here. He's a big fan of this man infront of me. He's a Rouge devotee.

Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko't igiya sa upuan. Sa ilang hakbang na ginawa niya sa pagtungo sa kanyang silya ay nakikita kong walang pinag-iba ang kanyang mga kilos. His strides have always been relaxed and confident at the same time.

"May kinalaman ba ang kapatid ko rito?" tanong ko.

Nahinto siya sa pagsalin ng wine at napatingin sa 'kin. "Lauris?"

Nagtaas ako ng kilay. "Do I have another brother that I should know about?"

Ngumisi siya't napailing. Nilapit niya ang isang kopita sa 'kin bago siya nagsalin ng sa kanya. "I haven't seen your brother since you left the country."

Matagal ko siyang tinitigan. Sandali niya akong sinulyapan bago binalik ang mga mata sa ginagawa niya. I couldn't really tell if he's lying. That's one of the things he's good at doing.

Tinanggal na namin ang mga silver dome covers. Vegan food ang nasa plato ko, mabuti naman at hindi niya nakalimutan. After all these years my food preference hasn't changed a bit.

I looked at Rouge's plate which has a lot of protein in it. He must have worked out a lot, dagdagan pa ng mga kinakain niya, na-achieve niya ang ganyang pangangatawan.

Uminom muna ako ng wine bago ko balak simulan ang pag kain.

"Where's your ring?"

Nilayo ko ang kopita sa aking bibig at may pagtataka siyang tinignan. "Ring?"

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon