TWENTY TWO

137K 3.3K 515
                                    

"Antonia was his ex-girlfriend."

Nanuyo ang aking lalamunan habang unti unting pinoproseso ng isip ko ang sinabi ni Sir Herman. Hinaplos ko ang kaliwang bahagi ng aking dibdib, umaasang makakalma nito ang mabibigat at mabilis na pagpalo ng puso ko.

Sinasakal ako ng sarili sa pagtangka kong magsalita. Rouge lied to me...why did Rouge lie to me?

"I'm so sorry you have to know this way, iha. I thought Rouge would have told by now. Well hindi naman necessary na magkwento siya tungkol sa ex niya but she is your stepmother, thought you should know."

Sandali kong sinulyapan si Sir Herman. Ang pag-aalalang nakarehistro sa mukha niya ay mas lalo lang nagpalukot sa puso ko, at mas pinatunayan nitong totoo ang narinig ko.

"I-I'm sorry but...Antonia's like thirty something..." di pa rin ako makapaniwala.

"I know. It's a ten year age gap."

Rouge is fucking twenty three.

Binalikan ko ang araw nung nadatnan ko sila ng guro ko sa cr. She's two years older. I'm three years younger than him. Antonia's ten years older. Ang mga banta ni Antonia sa'kin tungkol kay Rouge...Oh my god this is not happening. Nangilabot ako sa mga iniisip ko!

"Are you okay iha? You look pale." puna ni Sir Herman, kumunot ang noo niya sa pag-aalala.

"I-I'm fine, Sir. I have to go." tumayo na ako. Di ko magawang maiayos ang pagsuot ng bag ko sa'king balikat. Napakapit ako sa sandalan ng upuan sa muntikan ko nang pagkakatumba.

"Do you want me to call him now? I won't spoil his whims lalo na't alam kong may pagkakamali siya."

Umiling ako. "It's okay, Sir. I'll just talk to him about it. At sana huwag niyo nalang po itong banggitin sa kanya."

Bagaman hindi ako sigurado kung paano ko siya haharapin, o nais ko pa ba siyang makita. Maybe I don't like to see him for now, but I have to confirm the truth from him.

"I'll keep that in mind." napaisip siya bago muling nagsalita. Maingat niya akong tinignan. "I hope this won't affect the negotiation."

"Of course not Mr. Verduzco. Our company, by all means, is still willing to be your contractor. Personal matters are set aside, this is business." matapang kong ani sa likod ng panginginig ko. I just want to get out from here.

Dumiretso ako sa cr at tinakbo ang sink. I threw up everything until there's nothing left to heave. Nailabas ko lahat ng kinain ko dahil lang sa hindi ko inaasahang malaman ngayon. Hiniling ko na sana nailabas din ang kabigatang loob na namumuo ngayon.

How could they lie to me? To us? Sa ibang tao ko pa malalaman. Rouge didn't bother to tell me the truth. He fed me with that distant relative lie instead!

And Antonia...she did the same thing. Sa halip ay binantaan niya lang ako imbes na sabihin sa'kin ang totoo. I don't even think that dad knows.

Hinarap ko ang salamin, tinitigan pabalik ang nagtu-tubig kong mga mata at inalala lahat mula sa pagkikita namin ni Rouge. That explains their unusual glares. Sa bahay...saan nagpunta si Rouge nung hinanap ko siya nang gabing 'yon?

Di ko napigilan ang muling pagsuka kasabay ang pagtakas ng aking mga hikbi. Even without the physical pain can bring you into breathing barely. I'd been in several relationships pero wala manlang doon ang nagpaiyak sa'kin. But this, this is betrayal on my part.

Nag-unlock ang pinto ng cubicle sa likod kasunod ang pagbukas nito. Pinakinggan ko ang paglapit ng tao sa sink habang halos niyayakap ko na ang gripo. Mabilis ang aking paghinga at inaasahan ang muling pag-ikot ng aking sikmura.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon