THIRTY NINE

159K 3.4K 494
                                        

        Nakauwi ako ng araw na 'yon sa condo na sumasakit ang ulo. Naabutan ako ng ulan nang makalabas sa building ng RV Lines. Basang-basa akong umuwi at sumama ang aking pakiramdam kaya nagpa-deliver nalang ako ng pagkain.

Kinabukasan sa office ay nag-iinit ang mga mata kong pumasok sa DC. Binalewala ko lang iyon, nalipasan lang ako ng tanghalian kahapon at naulanan pa. 

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni dad once na sabihin ko sa kanyang pinili ang proposal namin ng RV. Palagay ko matutuwa na mababahala dahil may koneksyon na naman ang dalawang kompanya. But like my father said, hinihiwalay namin ang personal sa business.

Tatlong linggo matapos maapubrahan ang proposal ay sinimulan na ang foundation works ng construction. Kinumpleto pa kasi namin ang pag-proseso sa mga dokumento prior sa start date ng konstruksiyon.

Si Lauris ang kadalasang nagpupupunta roon. Nasa office lang ako't nagfa-follow up sa mga purchase orders at deliveries ng mga materyales, sinisiguradong nasa tamang presyo sila base sa pagkakasaaad sa proposal.

Tumawag si Lila at nag-aya ng gala, tumanggi ako at nakipag-tsikahan nalang sa kanya sa cellphone. Hindi ko napigilang ikuwento sa kaniya ang tungkol sa bid proposal sa RV Lines. Si Jezreel ay ewan ko kung saang planeta na nagpunta 'yun. 

"Nako mare, pakulo lang niya yang proposal at kahit walang ganon ay kayo pa rin ang pipiliin niya," ani ni Lila, sumunod ang malutong na tunog ng kanyang kinakain.

"That's what I thought. Kasali na ang pang-iinis niya sa 'kin." Pinaglalaruan ko ang kable ng mouse sa desk computer. "Akala ko nga Vedra ang pipiliin niya dahil parang may plano sila ni Yucille. Siya kasi ang representative."

"Ah, si Yucille? May gusto yun kay Rouge. Pero nakita ko siya kahapon sa office na iba ang kasamang lalake," sumbong niya.

"Baka naman kliyente?" Ayoko namang manghusga agad.

"Siguro, may kinuha lang na quotation. Mukhang koreano."

Napaisip ako. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"May bangs?" untag ko.

"Oo."

"Alam mo pangalan?"

"Hm..."

"Douglas?" I supplied.

Napasinghap si Lila at umigik ang inuupuan niya. "Oo siya! Bakit mo kilala?"

"Assistant ni Rouge. Bakit siya nandoon?"

"Hm, baka pinadala siya ng loverboy mo." Humalakhak siya. Nasapak ko na 'tong si Lila kung hindi lang kami nag-uusap sa cellphone.  "May additional na ipapagawa ang RV na connected doon sa naging project namin sa kanila dati. Additional installation yata."

Inanod ako sa isang sulok at umali-aligid sa binalita ni Lila. Iyon ba ang dahilan kung bakit magkikita pa sila ni Rouge at Yucille pagkatapos nung araw ng proposal? But why am I even thinking about them? Bahala sila kung magkikita sila. I don't care.

Napalakas ang pag-hila ko sa kable kaya nahulog ang mouse. Napangiwi ako sa ingay ng pag-bagsak nito sa tiles na sahig.

"Shit," mura ko nang makitang nasira ang mouse.

Pansamantalang natigil ang pagsasalita ni Lila tungkol sa bakasyon nila ni Vladimir sa El Nido. Mag-aapat na taon na sila pero hanggang ngayon ay naglilive-in pa rin kaya pinayuhan kong magpakasal na sila na tinawanan niya lang.

Sa gitna nang pag-suri ko sa mouse kung pwede pa itong magamit, bumukas ang pinto ng office at niluwa si Tobias. Nakalapat ang cellphone sa kanyang tenga.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon