FORTY FOUR

164K 3.5K 407
                                    

Nagtagal pa sina Antonia at Halsey sa condo. Nagpa-deliver kami ng fastfood habang ako'y ginawan ng vegetarian snack ni Antonia. It tastes so good!  It's even better than me making it.  I could say na nagkaroon kami ng stepmother-daughter-stepdaughter bonding nang araw na iyon. We watched National Geographic channel all day para kay Halsey.

Kakatapos lang ng tawag galing sa isang kompanya na nagtatanong tungkol sa collection. Ginhawa akong  sumandal sa swivel chair at nag-inat, pinuwersang maglikha ng lagitik ang buto ko. I'm thinking about going to the gym. It's mid-afternoon kaya makakahabol pa ako sa gym sa condo.

Bumukas ang pinto't pumasok si dad. He's smiling. Sa paraan ng tingin niya, I get that Antonia has mentioned to him about our bonding yesterday skipping the part of her real intention.

"Hey, dad."

Umupo siya sa isa sa mga silya sa harap ng desk. "I see that you're well..."

Ngumiti ako. Ngunit sa isip ko'y... 'Inalagaan kasi ako ni Rouge. You know...the guy you despise...' I could only imagine dad's reaction. 

"Mhm. Simpleng lagnat lang iyon. Nakauwi na si Lauris?" Tumayo ako't nagpunta sa water dispenser. Nagsalin ako ng hot water sa tasa para gumawa ng kape.

"Mamayang gabi pa ang uwi niya. Nagpadala nga ako ng Rosquillos. You know that's one of my favorite things in Cebu."

"I remember..." komento ko na pinagmamasdan ang pagragasa ng umuusok na tubig.

Nagtungo ako sa counter at nagbukas ng mga garapon. Dad likes black coffee kaya hindi ko na nilagyan ng cream. I only tossed two teaspoons of sugar. Pagkabalik  ko sa desk , nahagip ko ang pagmamasid niya sa 'kin, like he was studying my every movement.

"Dad?" nagtatakang untag ko habang nilalapit sa kanya ang tasa kasabay ang aking pag-upo.

Umayos siya ng upo at dahan-dahan na inangat ang tasa, inihipan niya ito na walang pinagbago sa pinta ng mga mata niyang nanunuri. "Is Verduzco bothering you?"

Simula nang mangyari ang lumipas na tatlong taon, he has started calling Rouge as Verduzco instead of his first name. That's how he despised him. Isa iyon sa mga kinokonsidera ko sa 'king desisiyon.

"Hindi naman po. Why?" I don't call what he has been doing as pestering but instead, provoking. But those two words are as close as cousins in meaning.

Metikuloso niyang binaba ang tasa sa mesa na halos hindi ko marinig ang tunog ng paglapat ng dalawang bagay. "I saw you in the site. Seems like he's been pestering you because if that's the case Lory, si Lauris na lang ang papupuntahin ko doon."

Umiling ako. I'm having this sudden urge of defending Rouge, like how a mammal protect its kid.

"He's not pestering me, dad. Nagprisinta lang siyang ihatid ako. He knows I was sick dahil umabsent ako ng isang araw the day before that."

Pinanatili kong natural ang aking boses. Hindi ko naman kailangan maging kabado dahil iyon ang totoo. I just modified my sentence a little bit like skipping the mention of his dominant side.

Mabagal siyang tumango na parang unti -unting sinasalo ng utak niya ang sinabi ko.  But behind that action is an uncertainty and a plan.

"Nagkikita pa ba kayo ni Zavid?" nanunuri niyang tanong.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at pinaglaruan. "He's busy. Kakagaling lang niya sa Singapore then aasikasuhin nila yung pagpapatayo ng branch ng resort. Then he's managing the distribution of their products para sa ibang suppliers."

Mabagal siyang tumango. "Glad to know that you know these things...it just means you two still communicate. There's a big fat chance that you will develop feelings for him."

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon