Nasanay akong madaling magtiwala sa mga taong dumaan sa buhay ko. That includes the men in my short-lived relationships. Nasanay akong hindi pagsinungalingan. If ever may nagtagal sa kanila makakaranas kaya ako ng panloloko? It would have been a pre-warning for my incoming heartaches.
Kahit wala pa akong solid proof, pakiramdam ko na hindi maganda kung ano mang malalaman ko kung aalamin ko man. May mga bagay na hindi natin kailangan at hindi dapat malaman. But humans...we're always curious. Kahit alam nating masasaktan tayo, pilit pa rin nating hinahanap ang sagot. Pinaghandaan man natin ang kung ano ang madadatnan, sa huli parang walang silbi ang lahat ng lakas ng loob na inipon mo.
Bumaba na ako ng hagdan at laking gulat ko na makita si Rouge sala. Sabay silang lumingon ni daddy sa'kin galing sa tawanan. It's been two days mula nung nalaman ko ang totoo mula sa ama niya. Or is it even the truth? Malaking porsyento sa'kin ang nagsasabing Oo.
"Oh, there she is." ani ni dad, parang kanina pa nila ako hinihintay. Wala naman kasing nagsabi sa'kin na nandito si Rouge. And why is he even here?
Sumilay ang ngiti sa labi ni Rouge habang nilalapitan ako. His strides are relax and sexy at the same time. Pinakalma ko ang kaba ko't kumapit ng maigi sa railings ng hagdan nang makarating siya sa aking harapan.
Nakangiti niya akong dinungaw. Sinuklay ng mga daliri niya ang magulo kong buhok. Hindi ko nagawang mag-ayos.
"I miss you."
Do you really, Rouge?
Pinagtatalunan ng isip ko kung 'yon ba ang sasabihin ko sa kanya o 'I miss you, too'. In the end, I only managed to give him a half-smile.
Matagal niya akong tinitigan. Pakiramdam ko'y pinagtagpi-tagpi niya ang mga inasal ko nitong nakaraang araw at idinugtong sa reaksyon ko ngayon.
"I invited him over for lunch, Lory. His father has just sealed the proposal. We'd be starting the construction by next week." nagsimula nang maglakad si Dad papuntang kitchen.
"Bakit wala si Sir Herman? I think he should be here, too." napahinto si dad sa tanong ko.
"My dad's in Europe," si Rouge ang sumagot.
Ngumiti si dad at tumango saka tuluyang pumasok sa kusina.
"Oh, okay."
No one can blame me for thinking that Rouge is welcoming this opportunity to see Antonia again. Kasi ngayon hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan. Sinisilungan ako ng ulap ng pagdududa kung nagpapakatotoo pa ba siya sa'kin.
Kapwa na kaming nagsisinungaling ngayon. It's not that he deserved to be lied to. I just wanted to get even. Ayaw kong ako lang ang agrabyado. I hate the unfairness of things.
But as I stare at his soft expression, muntik na nitong tinunaw lahat ng pangamba at pagdududa. Binalot ako ng mga emosyong sumasayaw sa mga mata niya, na parang nasasaktan siya na hanggang ngayon ganito pa rin ang inaasal ko. He's been calling me, texting, asking me to meet him up pero lahat ng 'yon tinanggihan ko.
Mas pinapatibay lang nito ang kutob niya that there was more to me than being tired that night. There was more for him to know.
Hinila ko lahat ng disiplinang makakaya kong ipunin. I have to keep my emotions under control.
Napalingon kami pareho sa mga yapak sa taas. Basa ang buhok ni Antonia na kakabihis lang. She's wearing a red midi bodycon dress. Agad umangat ang isang kilay ko. Wala namang okasyon ngayon na dapat niyang pagbihisan ng ganyan.
Binalingan ko si Rouge na seryosong nakatitig sa'kin. Sandaling nanatili ang mga mata ko bago umiwas at tumungo na sa garden.
Matagal nga siguro akong nagising, o sadyang maaga lang talagang nagluto ang katulong dahil may nakahanda na sa mesa. Anak ni manang Edna ang naghatid sa mga pagkain.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
