Dumiretso ako sa likod na bahagi ng clubhouse at pinakalma ang sarili. They know better than to follow me here. Si dad naman ay hindi niya mamamalayang wala ako doon sa loob dahil magiging abala siya sa pag-entertain sa mga guests.
Uminom ako ng tubig at pinawi ang panunuyo ng aking lalamunan. Sumandal ako sa haligi habang dinadama ang pag-daan ng likido sa aking lalamunan. It took four swallows bago ako nakuntento.
I don't hate my father, hindi lang ako sang-ayon sa ginawa niya. He should have talked to me about this bago siya nagdesisiyon. Pinangunahan nila kami ni Zavid. The guy isn't even ready to settle down yet. That announcement is a step closer to something that he fears, and something that I'm not ready to get involved yet.
Madali lang namang solusyunan siguro. A year after, we can call the engagement off para hindi magduda ang mga tao. Hindi naman siguro kami ikakasal agad bukas. Engagement pa lang 'to.
"You lied to me."
Muntik ko nang mabitawan ang baso nang marinig ang malamig niyang boses. Sinundan ko ng tingin si Rouge na papalapit sa 'kin hanggang sa nasa harap ko na siya.
"You didn't even set me straight about your so-called engagement." Kita ko ang kanyang pagnga-ngalit at parang pinanggi-gigilan ang bawat salita.
Imbes na ipakita ang pagkagulat at pangangamba, iba ang inasta ko.
"Ikaw lang pwedeng mag-sinungaling?" naghahamon ang aking tono.
Walang kaamor-amor siyang ngumisi. "So gumaganti ka? Really, Lory? A retribution?"
As if na-insulto ko siya sa ginawa ko. Let's say it's true, pero bakit? Bakit siya mai-insulto at mag-kunwaring nasasaktan?
"Paano ka nakapasok? You're not allowed in this subdivision." Umayos ako sa pagkakasandal at lumagok sa tubig.
"I'm not, but Douglas is," aniya, hindi ako tinatantanan ng nai-insulto niyang ekspresyon.
Jusko Rouge, para namang ang laking milyones ang ninakaw ko sa 'yo upang tignan mo ako ng ganyan. Nagpapa-guilty?
"Who's that dog?" untag ko.
"My assistant."
Isa lang naman siguro ang assistant niya, at 'yon ay ang napagkakamalan kong Mr. Monsalve sa date auction.
"He's Korean looking but his name is Douglas?" pagtataka ko.
"Douglas Choi. Can we stop talking about him now?" halata ang kanyang pagiging iritado.
"Lory..."
Kapwa kami napalingon sa direksyon ng boses na iyon. It's Antonia.
Mabilis kong binalingan si Rouge.
"Umalis ka na dito bago ka pa makita ni daddy. That's if you don't want history to repeat."
Paniguradong hindi lang si Leo at Sonny ang ipapabugbog sa kanya ni daddy.
Umabante siya papalapit habang ako'y pilit tinutulak ang haligi sa likod ko. May banta sa klase ng tingin niya sa 'kin.
"There's only one act that I want history to redo, Lorelei. But this time, it would be all because of you." ani niya bago tinakip ang hood ng kanyang sweatshirt sa ulo saka siya tumalikod.
Nakapamulsa siyang naglakad paalis na walang balak tumingin sa kahit saan maliban sa nilalakaran. Ilang sandali lang pagkatapos niyang maglaho sa aking paningin ay naririnig ko ang agresibong pag-harurot ng sasakyan. I imagined his assistant driving it for him.
Nakahinga ako ng maluwang. Inubos ko ang laman ng baso saka dinampian ang namumuong pawis sa aking sentido. Sa ganoong ayos ako naabutan ni Antonia.
"They're looking for you." May pag-aalala akong nabasa sa mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/57248932-288-k687251.jpg)
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
General FictionLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...