Pinarada ko ang L300 FB sa harap ng aking condo building. May sirang tela sa tabi ng stick shift na kadalasang ipinapahid sa bintana at dashboard, kinuha ko iyon at ginawang pantakip sa nagmantsang putik sa 'king jeans at shirt habang umaakyat sa building.
Dumiretso ako sa cr pagkarating sa aking unit, hinubad ko lahat ng aking damit saka pumailalim sa shower. Nangatal ako sa lamig ng tubig at kahit ilang banlaw ang gawin ko ay hindi ako tinatantanan ng kaganapan kanina. I was in deep shame infront of the workers and God knows who else was there.
Marahil sa oras na 'to ay pinagtatawanan na nina ako Rouge at Yucille. I probably am the laughingstock in the site. I don't think babalik pa ako roon. That's if chances would permit which I highly doubt wouldn't happen.
I knew it that this won't turn out good. Nandoon ako dahil sa proyekto, pero para kay Rouge ay higit pa roon ang nais niya galing sa 'kin. He's going to break me and he's not going to hold his ground until he's ruined me to the marrow!
Nagbihis na ako pagkatapos at hapong-hapo na humiga sa kama. Tinext ko si Lauris na ipakuha na lang ng isa sa mga trabahador ang susi ng L300 FB dito sa condo ko. Sa labis na kapaguran, dagdagan pa nang malamig na panahon ay mabilis akong nakaidlip.
Ginising ako ng sakit ng ulo't lalamunan, nagbabarang ilong at umiinit na mga mata. Balot na balot ako sa kumot ngunit nanginginig pa rin ako. Nalipasan ako ng gutom at sa emosyon ko kanina ay hindi ko na nagawa pang kumain.
Tinapon ko ang kumot saka umupo sa kama, sinalubong ako ng hilo at kadiliman. Nanghihina kong tinungo ang aircon upang patayin ito. Pumalit ang ingay ng malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Hinawi ko nang kaunti ang kurtina sa bintana at nakita ang madilim na kalangitan na may kaunting silip ng liwanag.
Kinuha ko ang cellphone saka tinignan ang oras. Mag-aalis sais pa lang ng umaga. May mga text at missed calls sina Lauris at Zavid ngunit mas sumasakit ang mata at ulo ko sa ilaw kaya hindi ko na nagawang basahin.
Nagtungo ako sa kitchen at naghalughog sa mga cupboards doon upang maghanap ng gamot. Ininom ko ang para sa sakit ng ulo dahil 'yon ang mas nanaig na sakit ngayon. Iniisip ko ang pagpasok ko sa DC mamaya.
I should probably go kung kakayanin, pero kung biguin man ako ng gamot, well I'll just see what happens. Aasa na lang ako sa kakayahan kong pumasok mamaya.
Sandali pa akong nanatili sa kusina, humilig sa counter at dinama ang saglit na pagpawi ng hilo bago ako kumilos. Hindi na kinaya ng katawan kong maglakad pa sa kwarto kaya binagsak ko ang sarili sa couch at natulog ulit.
Ilang beses ko nang naranasan ang pakiramdam na parang nasa pagitan ako ng panaginip at realidad. Kaya kung ano mang malabong ingay na naririnig ko ngayon, nagre-wrestling pa ang utak ko kung pagbubuksan ko ba ang malabong ring ng doorbell o hindi.
Maliban sa pananakit ng aking katawan at kahinaan, dinaganan ako ng aking katamaran.
Sa huli ay pinili kong buksan ang pinto. Hindi naman kasi titigil ang kung sino mang nasa labas ngayon. Inis akong dumaing sabay tayo. Nagawa kong itukod ang sarili nang muntik na akong matumba sa hilo dahil sa biglaang kilos ko. Sapo ko ang aking ulo habang pinipihit ang doorknob.
Bumungad si William na nahinto sa ere ang akmang pag-pindot muli sa doorbell. "Ma'am Lory, yung susi po sa L3."
Walang imik akong tumalikod at pumunta sa table saka kinuha ang susi. Panay ang pahid ko sa ibaba ng aking ilong dahil sa panay na paglabas ng tubig.
"Pakisabi kay Lauris hindi muna ako makakapasok ngayon," utos ko habang binibigay sa kanya ang susi. Paos ang aking boses.
"Ok po."
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
Aktuelle LiteraturLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
