FORTY SIX

163K 3.5K 421
                                        

Sa cr ako dumiretso pagkapasok sa building. The wake of my release is still buzzing all over me, isang patunay na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking tuhod. Doon ko pinagpatuloy ang pagre-retouch bago ako nagpunta sa restaurant.

Natagpuan ko si Zavid na sa gilid ng bintana nakapwesto kung saan kitang-kita ang city skyline. Kakaalis lang ng kausap niyang server, umiinom siya ng tubig nang mahagip niya akong naglalakad papunta sa kanya. 

Pansin ko ang pagliwanag ng kanyang mukha habang pinagmamasdan ako. Dahan-dahan niyang binaba ang baso. Tumayo siya nang marating ko ang mesa at hinalikan ako sa pisngi. "You look great."

Mahinang tawa ang sagot ko. Hinintay niya akong makaupo bago siya sumunod.

"Kanina ka pa?" untag ko, pinakiramdaman ang malambot na leather seat.

"Hmm..." dumungaw siya sa kanyang relo, "ten minutes, I guess."

Ten minutes? I was in Rouge's car at that time and—okay Lory, stop thinking. Tapos na iyon. You're having dinner with another man!

Pero sinumpa yata ako ni Rouge. Because right now as I am sitting across Zavid, I could still feel Rouge's fingers between my thighs. Pinagdikit ko ang mga binti ko at nagpanggap na pinagkakainteresan ang mga baso sa mesa.  Ang landi mo, Lory.

"Shall I call the server? I have them prepare a four course dinner if that's okay with you." ani ni Zavid.

"Sure."

May sinenyasan si Zavid sa likod ko. Lumapit ang server na kausap niya kanina. Zavid seems to know him, parang suki na siya rito kaya hinayaan ko siyang pumili sa dinner course namin.

I'm not a rookie when it comes to dining in French restaurants, though first time ko rito. Almost everything is made of white from the walls to the floor. Iyong ceiling lang ang naiiba which is a high one at may nakabitin na lights which resembles a dome cover.

May mga palamuti ring halaman at bulaklak so from the name itself, this place is garden-themed.  It's not a crowded place, pero puno  ang halos lahat ng tables at seats.

"So what is this dinner all about Zavid? Besides being friendly," tanong ko. Dinadama ng mga daliri ko ang puting table napkin sa mesa.  

"Wala naman, just a platonic dinner really. Matagal na rin tayong hindi nakakain sa labas. We often had dinners in Vegas everytime I visit."

True. Sometimes with Lauris pa nga, just like how we had always bonded together in the gym.

"Well..."

Naputol ang pag-alaala ko sa karagdagan niyang salita. Umusog siya papalapit sa mesa, mukha siyang kabado. Kinakamot niya ang kanyang panga bago pinagsiklop ang mga kamay sa mesa.

"I know you are against the engagement and Lory, sa pagkakaalam mo ayaw ko rin sa ganito because that's what I had mentioned to you before when we were still in Las Vegas."

Tinitigan ko siya nang maigi. Pinakiramdaman ko rin ang tono niya. He sounded like he's confessing at ang ekspresiyon niya'y maingat, na parang hindi niya sinasadya ang mga nangyari.

"I'm having a guess about what you mean but I'm not sure..." mahina kong ani.

Hindi umimik si Zavid. His wary gazed remained fixed on me. Hula ko ay kumpirmasyon ito sa kung ano man ang naiisip ko.

"You want the engagement," I spoke for his thoughts.

Iba ang paraan ng ngiti niya, like he's not sure if he's going to put a smile about this dahil hindi ko naman ito inasahan. And I think he thinks that I'm not going to be pleased with this news.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon