Nilapag ni dad ang nangangalahating whiskey sa mesa pagkatapos nitong magsalin ng panibago sa kanyang baso.
"I respect his father, Herman. Such a great man. I was sort of guilty for judging his son. He's not that bad after all."
Matagumpay akong ngumisi habang sinandal ang likod sa backrest ng upuan. "Told you not to listen to Antonia's lies."
Naglaho ang ngiti ni daddy. Huminto sa ere ang sana'y pag-inom niya at mataman akong tinignan. "She's not lying, Lory. She's just worried about you. She knows about the guy."
Hindi ko hinayaan ang pahayag niya na sirain ang gabing 'to. Hindi ko rin naman kailangan ang pag-aalala niya. Binalingan ko ang loob ng bahay, naglakbay ang imahinasyon ko sa hagdan patungo sa kanilang kwarto. Sa isip ko'y tinititigan ko si Antonia na nakaupo doon.
"He's in Boston most of his life kaya paano siya makikilala ni Antonia sa isang tingin lang? They're not even close. What? She's a psychic? Or maybe a psychotic."
"Lory." may banta ang pagsita ni Lauris. Inilingan niya ako.
"You have already judged Antonia when you first met her." akusa ni daddy.
Maingay akong nagpakawala ng hangin pagkatapos ubusin ang natirang wine sa'king kopita.
"I didn't judge her dad. I already hated her. No offense." walang gana kong sabi.
Antonia was referred by an employer in DC as an accounting consultant. That's how they met. I didn't bother knowing the rest of their story until a year after, sinabihan nalang kami ni dad na magpapakasal na sila. I took the news the hard way.
Simula ng araw na 'yon ramdam ko na ang pagbabago ng ugali ko at ang puwang sa pagitan namin ni daddy. Ang hindi lang yata nagbago ay ang pakikitungo namin ni Lauris sa isa't isa.
But my hate for her won't touch the part of me that loves my father. I will never permit for that to happen. Mas matimbang man ang pinapakita niyang pagmamahal kay Antonia, I'll just seek comfort with the fact that my father has loved my mother even it's in a less level of affection. With that, I'd still never love him less.
Tanda bilang pagtuldok ng usapan ang pananahimik ni daddy. He knew better than to talk about his wife within my hearing radius. Masaya rin ako na sinubukan niya akong intindihin ang nararamdaman ko tungo sa asawa niya.
Tinanaw ko ang kitchen at inabangan ang paglabas ni Rouge. Napakunot noo ako sa tagal niyang magbanyo. Tumayo ako't nagtungo sa kusina kung saan nakita ko ang anak ni manang Edna na naghuhugas ng mga pinggan.
"Nasa cr pa si Rouge?" tanong ko.
Natigil siya sa paghuhugas at hinarap ako. "Wala naman pong tao sa loob ma'am."
Kumunot ang noo ko. "Sure?"
Kumatok ako sa pinto ng cr at tinawag si Rouge. Walang sumagot kaya inikot ko ang dorrknob. Nagtaka ako dahil hindi naka-lock. Nagkatinginan kami ng katulong. Mapagpaumanhin siyang nagkibit balikat saka pinagpatuloy ang ginagawa.
Dahan dahan akong sumilip sa loob ng banyo. Wala ngang tao. Saan na siya?
Buong pagtataka kong nilisan ang kitchen at pumunta sa ibang silid ng bahay. Wala siya sa sala. Tiningala ko ang ikalawang palapag ng bahay sa naisip na posibilidad. Hindi naman pwedeng umakyat siya sa taas.
Pinilig ko ang aking ulo at dumiretso sa labas. Tinawag ko siya at wala uling Rouge na sumagot. Though I could smell his perfume. Sinubukan kong sundan ang amoy na naglaho rin naman sa biglang pag-ihip ng hangin.
Wala rin si Leo upang pagtanungan ko. Tinanaw ko ang Maybach na nakaparada pa sa labas. He's still here, but where?
Hindi naibsan ang aking pagtataka, lumala lamang ito. Pinakiramdaman ko ang paligid, umaasang may marinig na kaluskos na sana'y galing sa kanya. Ngunit mga boses na nag-uusap nina Dad at Lauris na umabot hanggang dito sa main entrance ang naririnig ko.
BINABASA MO ANG
RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)
Ficción GeneralLorelei is never in favour of her father to be mainly involved in matrimony again. Pero napa-isip siya dahil na rin sa impluwensya ng kanyang kapatid, he deserved a shot to happiness after several years of him taking care of them alone. Kaya labag m...
